Vera Lyrif Verona
"Ina! Mag eensayo lang ako sa tuktok ng buntok ng Terra." Paalam ko."Basta mag iingat ka Vera." sabi ni Ina.
"Bumalik ka agad Ate." Sabi ni Hera. Nilapitan ko naman ito at niyakap.
"Oo naman. Dadalhan kita ng bulaklak ng glowing tulips." Kuminang naman ang mga mata nito. Mabilis akong tumakbo papuntang kabundukan.
Tumalon talon ako sa mga sanga ng punong kahoy. Hanggang marating ko ang tutok ng terra.
Napangiti ako dahil kitang kita ang buong bayang ng Erthe Lant. Kitang kita ang napakalaking palasyo ng Erthe. Mabilis akong umupo sa harap ng bangin at pumikit. Dinamdam ko ang pwersang bumabalot saakin.
"Vera" Nang marinig ko ang malamig na tinig na iyon. Minulat ko ang mga mata ko. Nakaupo ito sa kulay itim na trono. May apoy sa paligid. Madilim. Itim na itim ang mga mata wala ni isang puti. Mahaba ang buhok. Nakaitim itong damit na tila ugat na nakadikit sa balat nya.
"Kinagagalak kitang makita muli." Ani nito. Ngumiti ako at umupo sa tapat n'ya may isa pang trono sa harapan n'ya. Naglabas ito ng itim na apoy. Ginaya ko ang ginawa n'ya.
"Ako din. Kinagagalak kitang makita ulit Akira" bati ko.
"Ito ang huling ituturo ko sayo. Nalaman mo nanaman ang iba't ibang kayang gawin ng kapangyarihan mo. Pero hindi ko muna ibibigay ang kabuuan mong kakayahan. Hindi pa oras." sabi nito. Hindi ko man maintindihan. Tumango ako.
"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon." Ani nito. Itinaas nya ang kamay n'yang itim na apoy.
"Ituturo ko sayo kung paano manipulahin ang mga bulaklak sa loob ng katawan ng sinuman" Nangunot ang noo ko. Tumawa naman ito.
"Kaya mong manipulahin ang mga bulaklak na meron ang bawat nilalang"
"Paano?" tanong ko.
"Pumikit ka." sinunod ko ito. May naramdaman akong kakaibang enerhiyang bumabalot saakin. Minulat ko ang mga mata ko. May ngiti sa labi nito.
"Vera, tandaan mo. Lahat ng mangyayari sa buhay mo ay nakatakda. Magpakatatag ka." Ani nito. Tinitigan nito ang bandang dibdib ko.
"Malapit ng bumukadkad ang bulaklak sa loob mo." Dagdag nito.
"Vera, kayanin mo. Pagtinalikuran ka nila. Mas kumapit ka."
"Tatandaan ko." Ani ko. May inilabas itong isang singsing. Pinalutang n'ya ito sa ere. Nang makarating ito sa may kamay ko bigla nalang itong nabalot ng dilim at sa isang iglap nasa daliri ko na ito. Para itong pilak na gawa sa ugat na nakaikot sa daliri ko.
"Proprotektahan nyan ang pagkatao mo." Unti unti kong naramdaman ko na may humuhugot saakin.
Nang imulat ko ang mata ko nasa bundok na ako. Madilim na. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. May ngiti ako sa labi na pumitas ng isang glowing tulips. Kitang kita ito sa madilim na gabi. Saka tumakbo pauwing bahay. Napatigil ako ng may naamoy akong dugo. Bigla akong nakaramdam ng takot. Pinitik ko ang daliri ko sa isang iglap nasa harap na ako ng bahay namin. Mas tumapang ang amoy ng dugo.
Nabitawan ko ang mga tulips na hawak ko. Mabilis na tumakbo sa loob ng bahay. Pero napatigil ako sa nadatnan ko. Patay na katawan ni Mama at nang kapatid kong si Vena. Alam kong patay na sila. Wala na ang kaluluwa nila. Mabilis akong lumapit sa kanila. Sunod sunod ang paglandas ng luha ko. Lalo akong napahagulhol ng makita kong kulay abo at tuyot na ang mga bulaklak na nasa dibdib nila.