Vera Lyrif Verona
Pagkatapos kong hilahin si Afira iniwan ko ito sa hallway dahil nakatulala. Dumiretso sa clinique naningingirot ang mga suntok at tadyak ng mga Klōn ni Varon. Pinuntahan naman agad ako ng isang Hælan or healer. Nakaramdam din ako ng antok kaya pumikit ako at tuluyang nilamon ng dilim.Nagising ako sa isang madilim na lugar. Hindi ito lugar ni Akira. Mas nakakatakot ang lugar na ito.
"Sino kang lapastangang pumasok sa kaharian ko?." Napalingon ako. Isang nakaitim na lalaki ang nakita ko. May kung ano sa ulo nya. Tila korona pero gawa sa itim na dahon. Mahaba ang damit nito sayad sa sahig. Ang mga mata nya mas madilim sa mata ni Akira.
"SINO KA?" Humiyaw ito. Nakaramdam ako ng takot.
"PAANO KA NAKAPASOK SA KAHARIAN KO. WALANG SINUMANG NILALANG ANG MAKAKARATING DITO."Hiyaw nito. Napapikit ako.
"H-hindi ko alam. Natutulog lang ako pag gising ko andito na ako." Bigla nyang ikunumpas ang daliri nya. Bigla akong napaluhod. Naramdaman ko ang sugat sa tuhod ko.
"Mahal bakit ka galit? ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi mo." Napalingon ako sa nagsalita. Ang ganda sobra. Nakaitim na may puting damit ito. May tila korona sa buhok pero hindi tulad ng sa lalaki kulay pilak ang kanya. Doon ko napagtanto hindi basta ang mga itsura nila. Makisig at napakaganda. Mapuputi ang mga ito.
"Mahal may naligaw saating kaharian." lumambing ang boses nito. Napatingin sa akin ang babae. Ngumiti ito.
"Tumayo ka binibini." Inalalayan nya akong tumayo.
"Ano ang ngalan mo?"
"V-vera Lyrif Verona" Sagot ko.
"I'm Tyres at ito ang asawa ko. Si Aìdes." Napanganga ako kaharap ko ang God of Darkness at ang asawa nito.
"Buhay kapa." Malamig na sabi ni Deus Aìdes. Tumango ako.
"Hindi kita maramdaman." Sabi pa nito. Mabilis kong tinanggal ang singsing ko. Bigla itong napatingin saakin. Naging seryoso si Tyres.
"Sya" sabi ni Tyres. Tumango si Deus Aìdes. Mabilis na ibinalik ni Tyres ang singsing ko.
"Bumalik kana sa ibabaw Vera. Magkikita tayo sa susunod. Sa susunod na magkikita tayo dapat handa kana at alam mo ang pinaglalaban mo." Saad ni Deus Aìdes.
"Huwag kang tutulad sa iba." Bago pa ako magtanong pumitik si Tyres. At may kung anong humila saakin.
Pagmulat ko nahinto ang ingay.
"Thak God you're awake." saad ni Afira. Lahat sila andito.
"Bakit?" tanong ko. Napansin kong nandito rin ang mga nakalaban nila. Pati ang nakalaban ko.
"Tatlong araw kang tulog. Ano bang nangyayari sayo?. Nung nakaraan dalawang linggo." Saad ni Allica.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko. Napansin ko na may mga bag ito.
"Sasama ka samin." Bigla akong hinawakan ni Hyro. May pumitik sa dibdib ko. Pero hindi ko pinansin. May binulong ito. Sa isang iglap nasa dorm na kaming lahat.
"Take a bath. Fix your things. May mission tayo." Bago pa ako magtanong sinenyasan nya ako na umakyat na kaya umakyat na ako. Agad akong nagligo. Nagsuot lang ako ng jeans at isang t-shirt na puti. Tinali ko ang buhok ko. Nagsuot ako ng boots. Nagpatong din ako ng jacket. Kinuha ko ang bagpack ko sa lumabas.
"Ano bang meron?" tanong ko.
"Hahanapin natin ang nawawalang prinsesa. Babe." Sagot saakin ni Varon sabay akbay pa. Tinanggal ko ang pagkakaakbay nito saakin. Kinuha nito ang bag ko.