Vera Lyrif Verona
Nag-aantay kaming lahat sa susundo saamin papuntang Lioht palace. Hindi pa daw alam ni Lucy gamitin ang kapangyarihan n'ya pero kita kita kong nagsisinungaling sya. Wala na kami sa ilalim ng tubig. Nasa Hydōr Lant ulit kami. Maya maya may lumitaw na liwanag sa harap namin. Agad kaming yumukod ng makita ang hari at reyna sila ang mismong sumundo saamin. Kita ko ang paglandas ng luha hari at reyna nag makita si Lucy. Kamukhang-kamukha ni Reyna Kendra si Lucy. Niyakap naman nila si Lucy. Umiyak narin si Lucy pero bakit peke ang nakikita ko?
Umiling nalang ako at pumasok sa lagusan. Sinara ko ang tenga ko sa usapan nila lucy dahil ayokong marinig ang tinig nya naaalala ko ang pagpagpatay n'ya sa pamilya ko. Paglabas namin sa lagusan mga kalesa ang nag aantay saamin. Napatingin ako sa paligid puro puti. Maging ang mga bulaklak at puti.
Sumakay kami sa kalesa. Tahimik ang byahe kasama ko si Allica at Afira. Tahimik din ang mga ito. Napatingin ako sa labas ang mga tao ay napapatingin saakin. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Afira kaya napatingin ito saakin pero umiwas s'ya ng tingin saakin. May mali sa ekpresyon n'ya. Huminto ang kalesa. Bumaba kami. Tumambad saamin ang napakalaking puting palasyo. Sumulubong saamin ang isang seer na matanda kasama ang mga kasamahan nya. Napakunot ang noo ko ng makitang lahat sila ay may puting bulaklak na nababalot ng itim. Hindi maganda ang kutob ko. Inihatid kami sa kanya-kanyang silid. Nakaupo lamang ako sa kama ng may pumasok. Napatingin ako.
"Afira." Biglang lumandas ang luha nito. Mabilis na lumapit saakin at niyakap ako.
"V-vera. M-mag iingat ka s-sa paglalakbay mo ah." Napakunot ang noo ko. Humiwalay ito saakin. Pilit na ngumiti.
"A-alam kong hindi mo pa naiintindihan p-pero darating ang panahong ikaw mismo ang makakaalam kung bakit nangyayari ang bagay bagay." Ani nito. Niyakap nya ulit ako.
"M-mamimiss kita. M-medyo matagal tayong hindi magkikita." saad nito. Pilit kong tinatanggal ang yakap nito pero hindi n'ya ako hinayaan.
"Afira wala akong maintindihan" Ani ko. Bigla itong humagulhol.
"A-antayin ka namin. Vera. Huwag kang susuko. Aantayin ka namin." Bago pa ako magsalita bigla itong naglaho. Naramdaman ko ang pag alpas ng luha ko. Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda?. Tumitig ako sa langit na tanaw sa silid ko. Bakit ba nangyayari ang mga bagay bagay na hindi ko maintindihan. Napapikit ako.
"Dahil nakatakda itong maganap Vera." Agad akong napamulat pero muling napapikit sa liwanag.
"Imulat mo ang mga mata mo vera." Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Isang lalaking nakaupo sa putin trono ang sumalubong saakin. May itim na buhok gintong mata, puting damit, at koronang dahon na gawa sa ginto.
"Ako si Lios." S'ya ang Deus ng Lioht. Bigla itong ngumiti.
"Tama ka ako ang deus ng Lioht. Sana mapatawad mo ako vera. Ninakaw niya ang sandata ko. Hindi ko ibinigay iyon."
"Ninakaw nino?" tanong ko.
"Ang Deorc seed (Dark seed)" ani nito.
"Sino ang Deorc seed." Tanong ko.
"Alam kong alam mo kung sino Vera pero naguguluhan ka pa. Hindi ka sigurado pero alam kong alam mo kung sino." Saad nito. Napapikit ako.
"S-si Lucy" sambit ko. Pero hindi ako sinagot ni Lios.
"Magpakatatag ka Vera dahil mag uumpisa palang ang laban mo." Ani nito. Biglang lumiwag ang paligid na papikit ako.
Sa pagmulat ko nasa silid na ako. May kumatok sa pintuan ng bumukas ito isa sa mga tagasunod ng palasyo.
"My lady. Kailangan nyo pong maghanda para sa hapunan." Ani nito may inabot sya saaking puting damit. Mabilis akong naligo. Hindi ko na pinansin ang ganda ng paligid dahi sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Lumabas ako ng silid at pumunta sa silid kung saan nag aantay ang iba. Pero bago pa man ako makarating isang tinig ang narinig ko sa aking isipan.
"Tapusin na natin ang laban Vera. Ipagtanggol mo ang lioht. Talunin mo ako pagnatalo mo ako, aatras na kami sa digmaan." Naikuyom ko ang kamao ko.
"Lucy." Bulong ko.