Vera Lyrif Verona
Tahimik kaming naglalakad papuntang lagusan papasok ng Erthe World. Sa ibang demensyon matatagpuan ang Erthe, maging ang ibang kaharian. Huminto kami sa harap ng isang malaking puno. Mas malaki pa ang ugat nito saamin. May mga nakaukit na salita mga babala.
"Hawakan n'yo ang kamay ng isa't isa." Pahayag ni Erfie. Agad kong hinawakan ang kamay ni Afira. Napalingon naman ako sa humawak sa kabila kong kamay. Kasabay ng pagtibok ng puso ko. Si Hyro iyon. Hindi n'ya ako tinapunan ng tingin. May binulong si Erfie sa hangin at nilapat ang isang palad nya sa puno habang ang kabila ay hawak ni Allica. Kasama ang buong Royalties, Kaming dalawa ni Afira at ilang Royal Guards bilang bantay namin. Biglang lumiwanag ang berde ang buong puno. Maya maya may humila saamin kung saan.
"Aray." Daing ko ng bumagsak ako sa lupa. Nakaramdam ako ng hilo at mukhang hindi lang ako si Afira at Lucy din. Inalalayan ako ni Hyro.
"H-hindi na ako dadaan sa ganun." Ani ni Afira na nakanguso tumawa naman kami pwera lang kay Lucy.
"Sakay na tayo sa mga kabayo." Ani ni Erfie.
"Angkas kana lang sakin Vera." Saad ni Hyro magsasalita pa sana ako ng inunahan n'ya ako.
"Ako ang prinsipe ako ang masusunod." Wala na akong nagawa. Tahimik ang buong byahe. Si Lucy nakasakay kasama si Dustin. Hindi kami nag uusap ni Lucy pero alam kong ramdam din nya ang tensyon sa paligid naming dalawa. Lihim itong ngumingisi pagkami lang dalawa. Pinilig ko ang nasa isip ko patingin ako sa paligid. Kahit nakikita ko ang Erthe sa bundok ng Terra. Hindi ko parin mapigilang mamangha. Ang mga tahanan ng Erthe Users ay malalaking puno ibat-iba ang kulay nito.
"Malapit na tayo sa palasyo Vera." Napatingin naman ako sa unahan. Napangiti ako ng makita ang palasyo. Napakalaki nito. Hindi na nagsayang ng oras ang lahat. Mabilis silang nagpatakbo ganoon din si Hyro. Nang makarating kami sa palasyon. Inihatid muna kami sa kanya kanyang magiging kwarto. Pagdating ko sa silid ko. Napakalaki nito. Natingin ako sa kama ko may isang gown doon kulay violet.
"Para saan ito?" tanong ko sa babaeng naghatid saakin. Yumuko ito.
"Susuotin nyo po iyan sa hapunan mamayang gabi my lady." sagot nito.
"Ako po pala si Ferra ang magiging alipin nyo sa buong pagtuloy nyo dito." saad nito. Tumango nalang ako. Lumabas naman ito. Kinuha ko ang damit at nilagay sa may sofa sa silid. Mabilis akong humiga dahil sa pagod. Hanggang lamunin ako ng antok.
Nagising ako dahil sa tapik. Pagmulat ko ay madilim na.
"My lady, kailangan nyo na pong mag ayos. At maghahapunan na." Tumayo naman ako ng sinabi nya. Hinila nya ako sa isang malaking pinto sa loob ng silid. Napanganga ako sa nakita parang maliit na lawa sa loob ng palasyo. May kandila sa paligid. At may mga pulang rosas sa tubig. Hinubadan ako ni Ferra nung una ayaw ko pero mapilit ito. Hinayaan ko nalang s'ya sa mga gagawin nya.
Nang matapos akong maligo. Binihisan ako nito ng violet na gown off shoulder ito. Nilagyan nya rin ako ng bulaklak na korona.
"Napakaganda n'yo my lady." nakangiting sabi nito.
"Ferra tawagin mo akong Vera hindi my lady." tumango naman ito..
"Tara na my este Vera." Natawa naman ako. Sinundan ko s'ya palabas. Pagdating namin sa isang silid andun na silang lahat. Maliban sa hari at reyna.