Deus Aēron

17 4 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Papunta na kami sa Aēra Woruld. ( World ) nagtagumpay si Erfie. Ngayon ay tutungo na kami sa Aēra palace. Naglalakad kami papasok sa lagusan. Hindi na daw ito katulad sa Erthe porta. Huminto si Allica sa isang batong hugis Araw. Hinawakan n'ya ito. Nagliwanag at nagbukas ang isang porta. Pumasok agad kami pagpasok namin ay may malaking ibon ang nag aantay saamin

"Wow" Magiliw na sabi ni Afira.

"Vera ako nalang magdadala ng bag mo." Tatanggi sana ako kaso inagaw ni Hyro. Hindi nakatakas saakin ang pagngisi ni Lucy hindi ko alam kung para saan ang ngising iyon.

"Hey are you okay?" Tanong ni Hyro.Tumango nalang ako. Sumakay kami sa ibon ibat iba nag kulay nito napakaganda. Hindi ko maiwasan titigan ang ibaba. Napakaganda nito. Ibat ibang bulaklak. Umangat ang ibon hanggang makarating kami sa mga ulap. Doon ko nakita ang mga Aēra users nasa ibabaw ng ulap. Hanggang matanaw na namin ang palasyon malaki ito sa pinakamataas na ulap matatagpuan. May mga gintong tulay na nagdudugtong sa mga ulap. Huminto ang ibon sa tapat ng palasyo. Agad kaming bumaba. Inalalayan ako ni Hyro. Naglakad kami papasok. Sinalubong kami ng hari at reyna napayuko naman kami.

"Mom! Dad!" magiliw na yumakap si Allica sa mga magulang n'ya.

"Mukhang napagod kayo sa byahe. Tara at kumain muna kayo bago magpahinga." Saad ng hari. Habang naglalakad kami binati rin ako ng haro at reyna tungkol sa ranking. Nang makarating kami sa hapag. Nalula ako sa handa. Nakaramdam naman ako ng gutom.

"Nakausap mo na daw Prince Erfie ang Deus ng Erthe." Saad ng Hari.

"Yes my king." Nakangiting sagot nito.

"Nabalitaan ko sa amang hari mo na nagkakamabutihan kayo ng anak namin." Ani ng reyna natahimik lahat. Namutla ang mukha ni Erfie.

"Dad! don't make him scared." Asik ni Allica. Tumawa naman ang hari at reyna

"Silly. Kung saan masaya ang anak namin don din kami so don't be scared." Ani ng Reyna. Biglang pumasok ang crown prince. Prince Amico. Ngumiti ito saamin. At tumingin saakin.

"Nice finally to meet you. Ms. Vera." lumapit ito saakin at hinalikan ang likod ng palad ko. Nahihiyang ngumiti ako dito. Bumalik ito sa upuan. Binati nito si Lucy.  Naging tahimik ang kainan. Pagkatapos kumain ay inihatid na kami sa kanya kanyang silid. May mga taga lingkod ulit kami. Nagpasya akong maglibot kasama ko si Lira ang tagasunod ko. Nahinto kami sa lugar na puro puno. Napakahangin. Lumapit ako sa isang puno. Ang ibang puno ay nataas dahil nakatubo ito sa ulap. Para silang hagdan. Mabilis akong tumalon pataas.

"My Lady!" Rinig kong tawag ni Lira pero nginitian ko lang ito. Napaupo ako sa isang sanga. Napangiti ako ng makita ang napakagandang tanawin mula sa taas. Nilanghap ko ang hangin hanggang lamunin ako ng antok.

Nang imulat ko ang mga mata ko na kaupo na ako sa isang ulap. Biglang may liwanag napapikit ako.

"Imulat mo ang mga mata mo Vera." naimulat ko naman lalaking may abohing mata ang sumalubong aakin naka puti itong damit. At may koronang ginto na dahon.

"Vera, Ako si Aēron ang Deus ng Aēra." Yuyuko sana ako ng pinigilan ako nito. Nginitian ako nito.

"Kakaiba ang siglong ito. Pero iisa lang ang pinaglalaban. Magwagi ka vera para sa mga minamahal mo." Bigla akong hinawakan nito. Nagliwanag ang paligid.

Pagmulat ko nasa sanga parin ako hindi ko mapaisip. Bakit nagpapakita saakin ang mga Deus?

Allica Forre

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ko ang paligid hanggang naramdaman ko ang paghila saakin ng isang magaan na pwersa.

"Allica." Pagmulat ko isang Abong mata ang nakita ko.

"Deus Aēron" nakangiti kong sabi. Hinawakan ako nito sa balikat. Doon ko napansin na nakalutang kami sa himpapawid.

"Simula bata kapa lamang nasayo na ang kailangan mo. Nasa puso mo Allica. Hindi mo na ako kaillangan para ibigay sayo. Hanapin mo sa puso mo." Sambit nito.

"Ingatan nyo sya dahil sya ang susi sa lahat." Bigla itong naglaho. Pumikit ako para palabasin ang Aēro Floute (Air Flute.)

"Mula sa puso" sambit ko. Unti-unti akong sumipol sa hangin. Narinig ko ang pagsayaw ng hangin sa paligid ko hanggang nagliwanag ang paligid. Napangiti akong inabot ang bagay na kailangan ko. At tuluyan na akong nilamon ng dilim.


Nang imulat ko ang mga mata ko. I saw the Aēra floute in my hand. I felt my tears. I made it. Tumayo ako. Para ibalita sa lahat ang tagumpay ko. Nagliwanag ang floute naglaho ito sa kamay ko pero napahawak ako sa leeg ko. Nakapa ko ang kwintas at Aēra Floute ang disenyo.

Vera Lyrif Verona

Nasa hapag kaming lahat. Tuwang-tuwang ang lahat ng magawa ni Allica ang kailangan nyang gawin.

"Kailangan n'yo ng pumunta ng Fyr palace pagkatapos nyong kumain. Alam kong nabibilisan kayo pero paubos na ang oras." Ani ng Hari. Sumang-ayon naman ang lahat. Pagkatapos namin kumain hinatid na kami sa lagusan ng crown prince.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita Vera." Ani ni Prince Amico. Kita ko ang pag-irap ni Hyro. Tumango nalang ako. Lahat kami ay pumasok sa lagusan. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang init. Puro bulkan ang nakikita ko.

"D-dyan ba ang Fyr Place?" turo ni Afira sa pinakamalaking Bulkan.

"Oo d'yan nga. Ito suotin nyo para hindi nyo maramdaman ang init." Inabot saamin ni Dustin ang isang Bras (bracelet) Pagkasuot ko noon ay nawala ang init.

"GGGGRRRRR" napatingin ako sa taas dahil sa ingay. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pulang Draco (Dragon). Napaatras kami.

"Easy guys d'yan tayo sasakay." Natatawang sabi ni Dustin. Sa huli wala kaming nagawa. Mahigpit ang kapit ko sa bewang ni Hyro s'ya kasi ang nasa harapan ko. Napatingin ako sa baba. Puro lava ang nakikita ko.

"Hindi sila naiinitan dito?" tanong ko.

"Hindi. Fyr user sila." Sagot ni Hyro saakin. Nakangiti ito. Lalong humigpit ang yakap ko ng pababa na ang Draco. Halos hindi ako makahinga. Naramdaman ko ang paghawak ni Hyro sa kamay ko. Huminto ang Draco dali-dali akong bumaba.

"Are you okay?" tanong ni Hyro. Tumango ako. Naglakad kami papasok ng pasilyo. Hanggang ihatid kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Gabi narin kasi kami nakarating. Humiga ako sa kama. Walang sabi sabing pumikit hanggang tuluyan akong makatulog.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon