The Goddess

32 4 0
                                    

Vera Lyrif  Verona

"Sigurado kaba Vera na doon mahahanap ang Deorc Continére?"tanong ni Pride. Nasa tapat kami ng porta na ginawa ko papuntang Hydōr. Umiling ako.

"Hindi ako sigurado pero kailangan kong subukan."

"Wag mong hahayaang namaramdaman ka nila." paalala sa akin ni Lust. Mabilis akong tumango.

"Ito Vera." Inabot saakin ni Greed ang isang bras (Bracelet).

"Magagamit mo iyan upang makahinga sa tubig." mabilis ko namang sinagot. Inayos ko ang pulang cloak na suot ko.

"Mag-iingat ka Vera. Aantayin namin ang pagbabalik mo para sa susunod na hakbang na gagawin natin." Napangiti naman ako sa sinabi ni Wrath.

"Oo. Mag-iingat ako." Pumasok na ako sa porta. Bago ito tuluyang sumara nginitan ko ulit ang pintong magkakapatid. Pero naglaho ang ngiti ko ng makita ang itsura ng Hydōr wala pa ako sa ilalim ng tubig. Nasa Hydōr Lant lamang ako. Sira-sira ang mga halaman sa isla. Ang mga rebulto ay wasak-wasak na. Ang tubig kulay itim na. Wala na ang mala-asul na dagat. Tumingala ako. Nag-init ang gilid ng mata ko. Ang kalangitan bakas ang kadiliman. Ang pagkabalisa ay mararamdaman sa hangin. Tuluyan na ngang nasakop ng aking ama ang Lioht. Kinuyom ko ang kamao ko.

Wala akong sinayang na oras. Mabilis ako lumusong sa tubig. Napakadilim. Wala akong nakikitang senyales na may nabubuhay pa sa ilalim. Ang mga nagliliwanag na halaman noon ay wala na. Kahit saan ka tumingin kadiliman ang makikita. Nakaramdam ako ng panlulumo ng makita ang Hydōr palace. Wala na ang mala ipo-ipong nagsisilbing harang nito. Ang mga tahanan ng sirena at sireno ay wasak na. Maging palasyo ay nabura na. Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko pakiramdam ko huli na ako. Pinilit kong alisin kung ano man ang nasa isipan ko.

Nangawit na akong lumangoy pero wala parin akong nakita. Tinanggal ko ang bras na ibinigay ni Greed at lumangoy ulit. Nang mararamdaman kong kakapusin na ako ng hininga. Nagpatuloy parin ako hanggang tuluyan akong malunod. Bumigat ang talukap ng matako pero bago ako lamunin ng dilim hindi nakatakas saakin ang isang lagusan na sumakop sa pagkatao ko.

***

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napatayo ako kahit nanginginig ang mga binti ko. Nilibot ko ang paningin ko.  Napangiti ako ng tagumpay.

"Deorc Continère." bulong ko. Tanaw ko ang palasyong napakalaki. Sa gitna ay makikita ang napakalaking istatwa ng dating hari at reyna na nsgpasimula ng kapayapaan noon sa Deorc bago pa ang ama ko. Lumuhod ako sa kinatatayuan ko. Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin. Awit ng mga uwak. Lagaslas ng mga puno. Hanggang unti unti kong maramdaman ang paglutang ko.

Sa pagmulat ko ay nasa isang napakadilim na kwarto ako. Napakalawak nito. Biglang nagkailaw sa tulong ng mga apoy na sumulpot. Natanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang isang trono kung saan nakaupo si Deus Aìdes. Alam kong ang presensya nito.

"Vera" tawag nito. Sinalubong ko ng tingin ang napakadilim nyang mga mata.

"Handa kana ba talaga?" tanong nito.

"Oo handa na ako."

"Hindi kaba napipilitan dahil ikaw ang itinakdang magligtas sa kabutihan?"

"Hindi Deus Aìdes. Hindi ako napipilitan. At kahit kailan hindi ako mapipilitan. Nais ko ang gagawin ko." sagot ko dito. Kita ko ang pagngiti nito.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon