The Truth

20 4 0
                                    

Vera Lyrif Verona

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na huhulog kung saan. Napakadilim. Tanging hikbi ko lang ang naririnig.

Nakikita ko silang nahihirapan sa kamay nila Lucy. Kinuha n'ya ang mga kapangyarihan nila at kinulong habang pinahihirapan. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang mga bagay na iyon. Pero sobrang sakit saakin. Doble ang balik sakin ng sakit.  Nagsisisi sila sa ginawa nila saakin. Napangiti ako ng mapait. Hindi ako galit sa kanila. Hindi nila kasalanan. Nakatadhana lahat ng nangyari. Muli akong pumikit. Namamanhid na ako sa walang katapusang paghila saakin pababa.

"Vera" Minulat ko ang mga mata ko.

"Sino ka?" tanong ko pero wala akong narinig na sagot. Bigla akong nakaramdam ng init.

"AAAAAAAAAHHHH" Hiyaw ko. Parang may kung anong humihila sa kaluluwa ko.

"AAAAAAHHHH" tuluyan akong nanghina hanggang tuluyang higupin kung saan ang kaluluwa ko.

Pagmulat ko nasa isa kong silid. Madilim ang lugar. Napatago ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Lucian, mahal anong ipapangalan natin sa magiging anak natin?" nanubig ang mga mata ko. Nabilis akong lumapit sa pwesto n'ya pero lumulusot ako.

"M-ma" tawag ko pero hindi nila ako marinig kasama ni mama ang isang lalaking may itim na itim na buhok at itim na itim na mata katulad ko. S'ya si Lucian? ang nasa nabasa kong libro?

"Vera Lyrif ang gusto kong ngalan nya." Napatakip ako ng bibig at napailing. Nasa nakaraan ba ako? pero bakit?

"Princess Vera Lyrif Freed the princess of Deorc Continére." nakangiting ani ni Ina. Patuloy ang paglandas ng luha ko. Niyakap ni lucian si Ina. At hinaplos ang umbok na tyan ni ina.

"Pagkatapos ng digmaan sa pagitan namin ni Xenon. Tayo ang maghahari mahal." ngumiti lang si ina at halatang ayaw nya sa digmaang magaganap.

Nagbago ang tagpo. Nakaupo sa trono si ina at si Lucian. Nang may biglang pumasok na isang seer pero Deorc seer ito.

"Mahal na hari at mahal na reyna" Humahangos na yumuko ito. May hawak itong itim na tungkod.

"Bakit ka nandito Apo Franco?" tanong ng hari.

"May nakita ang pangitain. Para sa susunod na siglo ng digmaan."

"Ano iyon?" tanong ni Lucian. Kita ang pagkabahala sa mukha ni Franco.

"Ang batang isisilang ng mahal na reyna ay ang batang mag liligtas sa mga lioht. Magiging kalaban mo ito." Ani ng seer.

"KALOKOHAN" Bulyaw ng hari. Nagkaroon ng itim na apoy sa paligid n'ya.

"H-hindi kita niloloko mahal na hari. Alam mong hinding hindi kita lolokohin." Ani nito. Napapikit ang hari. Nagsimulang umiyak si Ina nababasa ko ang takot nito.

"Meron pa akong nakita. Ang anak ni Haring Xenon ay ang magiging sisindlan na magtatanggol sa nasasakupan mo mahal na hari." Ani nito.

Nagbago ulit ang senaryo. Nasa kwarto si Lucian at si Ina.

"A-anong plano mo lucian?" tanong ni Ina. Naging matigas ang anyo ni Lucian.

"Kailangan nating patayin ang batang iyan Vira, hindi ko hahayaang mabuhay yan at talunin ako." malamig nitong sabi nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Hindi ko itatanggi ama ko si lucian. Masakit na sa sarili ko pang ama nanggaling ang katagang iyon. Napasinghap si Ina.

TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon