Vera Lyrif Verona
Mabilis akong nagteleport papunta sa lugar na kinaroroonan ni Lucy. Nasa likod ito ng palasyo. Lalo ako nakardaman ng galit ng makitang hawak nya ang Legendary Lioht ni Deus Lios. S'ya nga. Ang Deorc seed pero paano? Lioht User sya. S'ya ang prinsesa. S'ya ang inaasahan ng lahat na magliligtas sa kanila.
"Pumunta ka nga. Wala kang takot." Ani nito. Umiling ako at tinitigan sya.
"Hindi tatalab saakin yan. Mukhang hindi mo pa nakukuha ang lahat ng lakas mo." May ngisi sa labi nito. Tinanggal ko ang singsing na ibinigay ni Akira. Lalong ngumisi ito.
"Naramdaman ko rin ang lakas mo. You're really a Deorc user." Pumikit ako. Sa pagmulat ko naging pula ang paningin ko. Naramdaman ko ang lamig ng itim na apoy na nakabalot sa katawan ko. Ganoon din sya may puting apoy na nakabalot sa katawan nya.
Mabilis n'ya akong inatake. Pero nakailag ako. Agad ko s'yang inatake, tumalsik ito na naging sanhin ng pagbitak ng lupa dahil sa pwersa. Napangisi ako. Tumayo ito. At sumugod. Sumugod din ako. Bumato s'ya gamit ang legendary lioht bumato rin ako ng itim na apoy nang magtama ito pareho kaming tumalsik sa malayo. Naramdaman ko ang kirot ng likod ko. Naramdaman ko rin ang mga papalapit na presenya sa lugar namin. Ito na malalaman nila kung ano talaga ako. Tumalsik ako ulit ng atakihin ako ni Licy. Mabilis din akong umatake sa kanya. Naglabas ako ng Deorc Sweord na gawa sa kapangyarihan ko. Ginamit nya ang lioht bilang sandata laban saakin. Sabay kaming sumugod sa isa't isa. Bawat tama na ispada ko at ng legendary lioht nya ay may sumasabog sa paligid. Ngumiti ito.
"Mawawala lahat ng mahal mo paglumaban kapa Vera." may lambing ang boses nito. Nanigas ako. Lalo itong ngumisi. Lumapit ito saakin.
"Isang kalabit ko lang patay ang mga Elementals at ang hari at reyna." Ani nito.
"Magulang mo sila!" Asik ko. Umiling ito.
"Sila lang ang gumawa saakin Vera pero hindi ako para sa kanila." Sambit nito. Pumikit ako. Nakaramdam ako ng takot para sa kanila.
"Pag umatake ka. Patay silang lahat." Pinaglaho ko ang ispada ko ngumiti ito at inatake ako. Tumalsik ako pabulusok. Narinig ko ang mga tinig nila.
"LUCY! VERA!" Sigaw nila Dustin.
"WAG KAYONG LALAPIT KAY VERA. DEORC USER SYA. INATAKE NYA AKO." Rinig kong sambit ni Lucy. Narinig ko ang pagbagsak nito sa lupa. Mabilis akong tumayo. Hindi nawala ang itim na apoy sa paligid ko dahi sa galit na nararamdaman ko. Galit sa sarili ko at galit kay Lucy. Narinig ko ang singhapan nila.
"V-vera" rinig kong tawag saakin ni Hyro at ng iba pa. Andito rin ang hari at reyna. Pati sila Varon. Planadong planado nya. Hindi ko pwedeng magpaliwanag sa oras na ito. Talo na ako. Talong talo. Kitang-kita ko ang mga itim na nilalang aa likuran nila na alam ko paglumaban ako ay papaslang sa kanila.
Gulat, tanong, pagkagulo at galit yan ang mga nakita ko sa kanilang lahat. Kasabay ng mga luha sa mga mata nila.
"M-mahal na hari s-sya ang d-deorc seed----AAAAAHHHHH" tuluyang nawalan ng buhay ang pinuno ng mga seer. Tuluyan kong sinira ang bulaklak na meron s'ya. Nakita ko ang galit ng lahat at natuon sa akin ang tingin.
"I-ikaw ang pumatay kay Apo?" Nanghihinang tanong ni Erfie. Tumango ako. Kailangan nyang mamatay dahil puro kasinungalingan ang sinasabi nya. Biglang naglabas nang sandata ang mga elementals. Tumingala ako para pigilan ang luha ko.