File IV: Victoria is Missing

2 1 0
                                    

Pagtingin ko sa aking likuran ay naroon pa rin ang scarecrow na humahabol sa akin. I admit na hindi lang kinds of birds ang natatakot nito kundi pati taong katulad ko. Ano kayang demonic possession ang nangyari bakit bigla nalang siyang gumalaw?

Ayokong magising sina tito kaya imbes na doon ako magpunta ay dumiretso ako sa cabin kung nasaan si Hinrich. Papalapit pa lamang ako ay lumabas na sa kaniyang lungga si Portuguese man. Mukhang narinig niya ang pagtitili ko. Nang makalapit ay nagpunta agad ako sa likuran niya.

"Hinahabol ako ng scarecrow!" sumbong ko habang hinihingal. Itinuro ko ang rice fields kung saan ako nanggaling.

Lumakad si Hinrich papunta sa direksiyon ng palayan samantalang nakabuntot ako sa kaniyang likuran. Hawak hawak ko ang dulo ng damit niya habang nakamasid sa paligid. Inilawan ni Hinrich ang bawat sulok ng palayan ngunit hindi namin nakita ang scarecrow na humabol sa akin kanina.

"Sinasabi mo bang hinabol ka ng scarecrow?" hindi makapaniwalang tanong niya while still searching for the creepy scarecrow.

Binitawan ko ang kaniyang damit. "Sa tingin mo ba nasisiraan ako ng ulo? Totoo ang sinasabi ko. Hinabol ako ng scarecrow ninyo dito sa farm, muntikan niya na nga akong patayin kundi lang ako nakatakas."

Huminto kami sa kalagitnaan ng palayan at sa harapan ng scarecrow. Sa takot ko ay nagtago ako sa likuran ni Hinrich. "Sinasabi ko sayo, may sa-demonyo ang scarecrow na 'yan. Gumagalaw 'yan at pumapatay ng tao."

Lumapit siya sa scarecrow at hinawakan ito. Lumayo ako ng ilang metro mula sa kaniya dahil baka biglang sumugod ang nagtutulog tulugang scarecrow.

"See, wala namang nangyari. Baka nananaginip ka lang. Gawa lang ito sa purong dayami kaya imposibleng gumalaw ito at habulin ka," he assured. Itinapat niya ang ilaw sa mukha ng scarecrow, dalawang kulay black na butones ang mata nito.

Napadako ang tingin naming dalawa ng biglang may tumapat na liwanag sa gawi namin.

"Anong nangyayari diyan?" usisa ni uncle Carlos, suot suot pa niya ang kaniyang robe. Naglalakad siya papalapit sa kinatatayuan namin kasama sina Aunt Juana at si Lev na kinukusot pa ang mga mata.

"Narinig namin ang tili mo kanina Serene kaya naisipan naming magpunta rito. Anong nangyari at bakit narito kayo malapit sa scarecrow?" may pag-aalalang tanong ni Aunt Juana. Katabi niya si Lev na matamang nakatingin sa akin.

"Hindi po ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin dito sa labas. May nakita po akong shadowy figure na tumatakbo rito sa palayan kaya hinabol ko po 'yon ngunit pagkalampas ko dito sa scarecrow ninyo bigla po itong gumalaw. Sinunggaban niya po ako at kamuntik muntikan ng mapatay kaya napatili po ako at nagtatakbo para humingi ng tulong. Sigurado po ako sa aking nakita, gumalaw ang scarecrow na 'yan," pagsasalaysay ko habang nakaturo sa scarecrow na katabi ni Hinrich.

Nilapitan ni Uncle Carlos ang scarecrow at hinawakan ito. Sinuntok niya ang straw man pero hindi ito gumalaw. Tiningnan nila ako ng may pagtataka.

Kumunot ang noo ni Aunt Juana, "Serene, sigurado ka ba talaga? Imposible naman yata ang sinasabi mo na gumagalaw ang scarecrow. It is made of non living things."

"Believe me, I saw it with my own eyes. I'm not dreaming that time, I am widely awake! He... it chased me and try to kill me." I argued, but no matter how hard I try to persuade them regarding what happened they didn't seem to believe a single thing about it.

"Mabuti pa bumalik na tayo sa bahay at matulog. Baka inaantok ka lang Serene," mahinahong sabi ni Uncle Carlos. Tatalikod na sana sila at maglalakad nang tumutol ako.

"No Uncle," I insisted firmly. Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? I saw it vividly! I'm not a lunatic person! Humarap sila sa akin at napabuntong hininga. Muling nawaksi sa aking isipan ang nakita ko kanina.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon