File XIII: The Birds at Someone Else's Cage

4 1 0
                                    

"Mga anak?" mabilis na tanong ko. 'Yon talaga ang nakakuha ng aking atensyon. Ibig sabihin may kapatid si Hinrich? Akala ko ay only child siya. Sino naman kaya ang kapatid niya?

"Oo, dalawa ang anak ni Lui--" bigla siyang napahinto ng may mapagtanto. "Teka lang, ako dapat ang nagtatanong sa inyong dalawa!" Galit na sambit niya na para bang ipinararating niyang nautakan namin siya.

"Patatakasin ko lang kayong dalawa kapag nasagot na ninyo ang mga katanungan ko. Sino ba talaga kayo? Bakit ninyo itinatanong ang tungkol sa talambuhay ni Fernando? Bakit sobrang interesado kayo sa kaniya? Anong binabalak ninyong gawin?" Pinaulanan niya kami ng maraming katanungan. So how will we suppose to answer those? Hinay hinay lang naman. Isa isa lang. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya 'yon pero delikado baka ay paputukin niya ang ulo namin.

Mabuti na lang pala at dala ko ang business card namin. Mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang maliit na card at ipinatong ito sa ibabaw ng mesa malapit sa matanda.

Kinuha niya ang business card at pinasadahan ito ng tingin. "Mga detective kayo?" kunot noong tanong niya, tila hindi makapaniwala sa kaniyang natuklasan.

"Yes mr. Antonio, mayroon po kaming business na Lost N Found at ang kliyente namin ngayon ay si Hinrich. Siya po ang isa sa mga anak ni Luis. Lumapit siya sa amin at idinulog ang kaniyang problema. Nawawala po kasi ang mynah bird na galing sa lolo niya kaya tinutulungan po namin siyang mahanap ito. Actually dapat ay kasama po namin siya ngayon kaso nga lang ay isinama siya ng Uncle at Aunt namin sa palengke para magdeliver ng supply ng bigas at kung ano ano pa. Wala po kaming balak na masama, ginagawa lang po namin ang trabaho namin," mahabang paliwanag ko.

Napatango naman si Mr. Antonio at dahan dahan niyang ibinaba ang baril na kanina pa nakatutok sa aming magkapatid.

He smile sheepishly, "Pasensya na kayong dalawa sa inasta ko. Akala ko kasi ay masasamang tao kayo kaya tinutukan ko kayo ng baril. Hindi ko sukat akalaing mga detective pala kayo at tinutulungan ninyo si Hinrich. Huwag kayong mag-alala lahat ng sinabi ko sa inyo kanina tungkol kay Fernando ay totoo. Hindi ako nagsinungaling o nag-imbento ng kuwento. Sana ay mahanap ninyo na ang ninakaw na mynah bird ni Hinrich."

Nakahinga na kami ng maluwag. Nagpasalamat kami kay Mr. Antonio para sa kaniyang oras at nagpaalam na. Sakay ng aming mga bisikleta ay nagmadali kaming nagpidal pabalik ng Sunset Farm. Mukhang hindi inaasahang natagalan ang pakikipag-usap namin kay mr. Antonio. I hope maunahan namin sina uncle sa pag-uwi.

Just as we arrived at the farm, ay ang siya namang pagdating ng truck nina uncle. Nagmadali naming ibinalik ang mga bisikleta at sinalubong sila sa tapat ng bahay. Ipinark nila ang truck sa labas, nang huminto ito ay naunang bumaba si Aunt Juana.

"Ang init talaga ng panahon," reklamo niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay. Huminto siya sa paglalakad ng makarating sa harapan namin. "Kamusta ang gawain dito sa bukid? Natapos ninyo na ba ang mga ipinapagawa ko?" tanong niya sa amin ni Lev.

"Opo tita, tapos na po lahat," nakangiting wika ko habang naka-thumbs up. Napangiti siya sa isinagot ko.

"Magaling kung ganoon, pwede na kayong magpahinga. Ayaw kong napapagod kayong dalawa. Magluluto lang ako para sa lunch natin," paalam niya at saka pinisil ang pisngi ni Lev bago pumasok sa loob ng bahay.

Ilang sandali ay bumaba na rin sa truck si Uncle Carlos. Binati niya kaming magkapatid bago pumasok sa loob. Sinundan siya ni Lev samantalang ako naman ay naiwang mag-isa dito sa labas. Tumalikod ako at akmang hahakbang pa lang sana para pumasok ng marinig ko ang tunog.

"Mmmm---mmmm---mmmm!"

Napahinto ako at napaawang ang bibig. Did I heard it? Nananaginip lang ba ako o totoong narinig ko ang misteryosong tunog? I listened carefully but the sound didn't came out anymore. I am really sure that I heard it. Tell me, hindi ko naman guni guni 'yon, 'di ba?

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon