File X: Trinidad

6 1 1
                                    

Bingo! Si Mr. Juan ang nagsasabi ng totoo! Siya ang nagsabing sa kaliwang banda ang punit ng pants ng estranghero. Ibig sabihin ba nito si Mr. Giovanni ang nagnakaw ng mynah bird at ang estrangherong bumibili ng mga natitira pang mynah birds? Pero imposible 'yon dahil kahit mag-disguise pa siya sigurado namang makikilala pa rin siya ng mga kapatid niya. Besides they describe the buyer as tall and not gigantic.

"Kilala ninyo po ba ng husto ang ama ninyo?" It was Lev again who asked this time. Thank goodness at nagtatagalog na rin siya. He deserve a big round of applause.

"Si Fernando Magallanes ay isang kapitan ng barko. 'Yon ang trabaho niya at sa kasamaang palad ay ang siya ring naging dahilan ng kaniyang pagpanaw. Kung hindi ako nagkakamali, namatay siya sa edad na 35. Hindi pa nangangalahati ang kaniyang buhay ng kunin siya ng nasa itaas. Hindi ko inalam pa ang tungkol sa kaniya dahil labis niyang sinaktan ang ina namin at galit din ako sa kaniya dahil sa pag-abanduna niya sa amin na para bang isang lumang bahay," mariin niyang pagsambit.

"Ibabalik ko lang po ang tanong tungkol sa mynah bird, gaano po ito kalaki at may kaibahan po ba ito sa mga ibon ng kapatid ninyo?" Lev curiously asked. New question, huh.

"Sa totoo lang magkakaparehas ang mukha at laki ng mga ibong ibinigay sa amin ni Fernando. Walang kakaiba sa mga ito. Kumbaga sa tao ay maihahalintulad ito sa identical twins. Xerox copy talaga, pati ang hawla nila ay magkakapareho. Sa pangalan lang sila nagkakaiba. Kung tama ako ng pagkakaalala ganito ang pagkakasunod nila... Santiago, San Antonio, Concepcion, Trinidad at Victoria," litanya ni Mr. Gaspar.

"Yon lamang po ang gusto naming itanong tito. Maraming salamat po sa oras ninyo, mauuna na po kami," magalang na paalam ni Hinrich. Inihatid kami ni Ginoong Gaspar palabas ng gate.

Nangangalahati na ang araw ng matapos naming makausap si Mr. Gaspar. Sakay ng kotse ay sunod naming tinahak ang daan papunta sa huling uncle ni Hinrich, si Ferdinand. Huminto ang lumang kotse sa tapat ng bahay na may nagtataasang bakod.

Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate at bumukas naman agad ito. Batang lalaki na kasing edad ni Lev ang nagbukas ng gate. Chubby siya at ang sarap kurutin ng kaniyang pisngi dahil sa fluffy nito.

"Sino po sila?" magalang na tanong niya habang tinitingnan kami isa isa. Nang mapadako kay Hinrich ang kaniyang mga mata ay napahinto siya. "Kuya Hinrich!" He exclaimed then he hugged him.

"Long time no see Fred," masayang bati ni Hinrich. Tinapik lamang niya sa likuran ang bata.

"Pumasok po kayo sa loob," magiliw na yaya niya sa amin. Sinundan namin siya papasok sa bahay. Nadatnan naming nagbabasa ng dyaryo ang kaniyang ama.

"Papa, may bisita po tayo, narito po si kuya Hinrich at may mga kasama po siya," anunsiyo ni Fred sa kaniyang ama.

Napaangat ng tingin ang nakasalamin na lalaki. Siguro mga nasa mid-forties pa lamang siya. Sakto lang ang pangangatawan at maliit.

"Maupo kayo," iginiya niya ang mga upuang kaharap ng mahabang sofa kung saan siya nakaupo.

"Maupo kayo!"

Magkakasabay kaming lumingon sa kakaibang tinig na aming narinig. Mula sa kusina ang boses ng ibon. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at hindi pa ninakaw at binili ang ibon ni Mr. Ferdinand. Sa pagkakataong ito ay nakuha naming maunahan ang estranghero.

Nagpaalam sandali si Ginoong Ferdinand. Pagbalik niya ay may dala siyang tray na puno ng pagkain. Ipinatong niya ang mga baso, pitsel at platong may lamang biscuit sa ibabaw ng mesa. Inalok niya kaming kumain. Naupo naman sa kaniyang tabi si Fred.

"Bakit nga pala kayo napabisita Hinrich?" nakangiting tanong niya pagkatapos ay napunta sa akin ang kaniyang tingin. "Teka, huwag mong sabihing kinasal ka na? Kailan pa? Siya ba ang asawa mo? Hindi ko alam na may anak na pala kayong dalawa at mukhang kasing edad pa ni Fred."

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon