File VIII: San Antonio

2 1 0
                                    

"Kiss mo mukha mo!" supladong sabi ko bago tumalikod at nagmadaling lumakad palayo sa kaniya. Narinig ko pa ang malutong niyang pagtawa bago ako makapasok sa loob ng bahay.

Mas lalo akong hindi nakatulog dahil sa ginawa ni Hinrich sa akin. Hindi ako kinikilig, yuck, never, mas lalo akong nainis. Nawala sa isip ko ang tungkol sa narinig kong misteryosong tunog.

Nagising na lamang ako ng masinagan ang mukha ko ng araw na nanggagaling sa nakabukas na bintana. Pagmulat ng aking mga mata ay nakaligpit na ang kama ni Lev at wala na siya roon. Nanlaki ang mga mata ko ng masulyapan ang orasan na nakadikit sa dingding. Alas otso na pala ng umaga. Naku, napasarap yata ang tulog ko.

Dali dali akong bumaba at naligo. Walang tao sa loob dahil nagtatrabaho lahat sila sa labas. Kinain ko ang pagkaing nakatakip sa mesa at hinugasan ito pagkatapos. Pagkalabas ko ng pinto ay sinalubong ako ni Hinrich na pinupunasan ang kaniyang pawis sa noo.

"Napasarap yata ang tulog mo Serene, dahil ba sa nangyari kagabi?" maagang pang-aasar niya. Nakangiti pa siya ng pilyo kaya mas kita ang kaniyang dimples.

Inirapan ko siya. "Pwede ba tumahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin?" masungit na tugon ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Teka teka, anong nangyari kagabi?" Aunt Juana curiously asked. Tiningnan ko siya ng nanlalaki ang mga mata. She overheard our conversation. Ito kasing si Portuguese kung ano ano ang pinagsasabi.

Tinaasan ako ng kilay ni tita. "Serene, don't tell me there's something going on between the two of you? May nangyari ba sa inyong dalawa kagabi?" may galit na sa tono ng pananalita niya. Pinaglilipat lipat niya ang tingin sa aming dalawa ni Hinrich.

"You misunderstood it auntie. Hindi po namin magagawa 'yang iniisip ninyo," pangungumbinsi ko. Bakit ba naisipan niya 'yon? Just the thought of it makes me choke. "Ang ibig sabihin lang po ni Hinrich ay 'yong pamamasyal namin kahapon nina Lev," katwiran ko habang nagpipilit ng ngiti. Humanda ka talaga sa akin Hinrich.

"Mabuti naman kung ganoon, masyado pa kayong bata para gumawa ng ganoong bagay. Nga pala Serene, may nagpapabigay sayo ng liham. Galing sa lalaking may pangalang Johnson," iniabot ni tita ang puting sobre na magiliw ko namang tinanggap.

Tumikhim si Hinrich at lumapit sa aking tabi. "Hindi mo naman siguro ako ipagpapalit kay Johnson 'di ba?" bulong niya na hindi ko nalang pinansin.

"Ewan ko sayo, umalis ka na nga diyan!" I hissed. Ang aga aga ay sinisira niya ang mood ko. Lumayo ako sa kaniya at binuksan ang laman ng sobre.

________________________________________

Dear Serene,

Hindi ko makakalimutan ang pagtulong mo sa akin sa paglinis ng pangalan ni lolo at sa pagkamit ng hustisya para sa amin kaya naman bilang pasasalamat ay pumunta ako sa bahay ninyo kahapon para ibigay sana ang pera sayo ngunit wala ka kaya ipinatago ko na lang muna kay tita. You can check it out kapag nakauwi ka na. Enjoy your vacation Ms. Krabs!

Sincerely yours,
Johnson Velez Yu

________________________________________

Bigla akong na-excite sa liham na ipinadala ni baby powder. I can't wait to go home already. Magkano kaya ang ibinigay niyang pera? Thousand o hundred thousand? Sabik na akong makita 'yon. Ibinulsa ko ang liham at ganadong tumulong sa mga gawaing bukid.

Napansin ni Lev ang maaliwalas kong mukha. "Did Johnson sent you green worthy papers?" He surmised, pertaining to money.

"Wala namang ibang makakapagpasaya sa akin kung hindi 'yon lang naman kaya alam mo na ang sagot sa tanong mo," masayang wika ko habang dinidiligan ang mga halaman sa fruit section gamit ang hose.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon