File XVII: Flew the Coop

3 1 0
                                    

"A-ano bang sinasabi mo?" Nauutal na sabi ko. "Wala kaming ginagawang masama," giit ko ngunit mas lalo lamang tumalim ang kaniyang tingin.

"Sa tingin mo ba talaga ay paniniwalaan kita? Huwag ka ng magmaang-maangan! Kitang kita ng dalawang mata ko ang ginawa mo rito! Nakita mo 'yong scarecrow costume 'di ba? Hindi mo lang alam pero pinapanood kita mula sa labas!" Nanlilisik ang kaniyang mata sa galit. Sa isang iglap ay nag-iba ang kaniyang aura. Mukhang hindi siya ang nakilala kong Hinrich. Nagbago siya.

I gulped nervously. Hindi na bago sa akin ang matutukan ng baril pero hindi ko pa rin mapigilang hindi matakot sa tuwing nangyayari ito sa akin. My life is in danger again!

"TULONG! TUL---" Halos magpanic ako ng bigla niyang barilin ang wall na malapit sa akin. Isang inch na lang ang pagitan, muntikan na akong madaplisan.

"Do it again! Shout for help! Tingnan lang natin kung masisilayan mo pa ang pagsikat ng araw!" Pagbabanta niya habang nakatutok pa rin sa akin ang baril.

I pursed my lips tightly. I won't do silly things again. Humakbang siya papalapit sa akin. Gulat ko lamang siyang tinitigan. "Pumasok ka doon!" He scowled, pointing at the cabinet.

Wala sa loob na sinunod ko ang ipinag-uutos niya. Lumakad ako papalapit sa cabinet. "Bilisan mo!" Bulyaw niya sabay tulak sa akin. Atat? Hindi makapaghintay? May lakad, huh? Ikaw kaya pumasok dito! Kung wala lang siyang hawak na baril kanina ko pa siya nilabanan. Nasaan na ba kayo Lev?

Pagkapasok ko sa cabinet ay bigla niya itong isinara. Everything went black. Kinalampag ko ang pinto ng cabinet at nagmakaawang buksan niya ito but to no avail. Sinubukan kong tadyakan ito ng malakas pero ayaw talagang bumukas.

"Till we meet again, wifey," 'yon ang huling sinabi niya bago mawala ang naririnig kong footsteps niya.

Ang dilim na nga rito, masikip pa ang loob ng cabinet. Hindi man lamang ako makapalit ng posisyon. Bago pa ako tuluyang malagutan ng hininga ay muli kong kinalampag ang pinto ng cabinet habang nagsisisigaw. Hoping someone to notice me.

"TULONG!!!"

Ilang sandali lamang ay nakarinig na ako ng mga boses. Malapit lang sila rito sa cabin. Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto.

"Mukhang nahuli na tayo ng dating, tinangay na rin niya ang ate mo Lev," nag-aalalang sabi ni Uncle Carlos. Mukhang kasama niya si Lev at hinahanap nila ako.

Muli kong kinalampag ang cabinet, "Uncle! Lev! Tulungan ninyo ako! Narito ako sa loob ng cabinet!" Buong lakas na sigaw ko. Nahihirapan na akong huminga. Wala kasing butas dito sa loob kaya walang pasukan at labasan ng hangin.

Narinig ko ang pagtakbo nila papunta sa direksiyon ng cabinet. Isang iglap ay muli akong nakakita ng liwanag. Pagkabukas ng cabinet ay bumaba agad ako habang naliligo sa sarili kong pawis at naghahabol ng hininga.

"Oh my goodness!" Bulalas ni Aunt Juana ng makita niya ang lagay ko. "Kanina ka pa ba riyan Serene? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang po ako, mabuti na lang po at dumating kayo kaagad. Nahuli ninyo po ba si Hinrich?" Kinakapos sa hiningang tanong ko.

"Sa kasamaang palad ay hindi, bago pa man kami makapunta rito ay nakita na namin siyang tumatakbo papalayo. Sinubukan namin siyang habulin ngunit nakapasok siya sa nakapark na kotse sa labas. Hahabulin pa sana namin sila pero ng tingnan namin ang truck gayun din ang kotse ay nakatanggal ang gulong ng mga ito. Mukhang plinano na niya ito simula pa lang," Uncle Carlos narrated. Kaya pala nagmamadali siyang umalis kanina para makatakas.

"Hindi ako makapaniwalang ang mabait at masunuring si Hinrich ay magagawa ang ganoong klasi ng gawain," hindi makapaniwalang komento ni Aunt Juana.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon