File VII: The Mystifying Hum

3 1 0
                                    

Matangkad at may skull tattoo sa isang braso. I guess mas mapapadali ito kaysa sa inaakala ko.

"Nasabi ba niya ang rason kung bakit niya binili ang ibon?" I asked curiously. We need to find out his reason for buying the mynah bird.

"Ang sabi niya sa akin, mahilig daw siya sa iba't ibang klasi ng ibon at 'yong ibon na ibinigay sa akin ni Fernando wala pa raw siyang ganoong klasi kaya binili niya," Mr. Giovanni recalled.

"Kailan siya nagpunta dito at mga anong oras 'yon?" ala-imbestigador na tanong ni Hinrich. Mukhang nahahawa na siya sa pagiging inquisitor namin ni Lev.

"Noong miyerkules, siguro mga alas otso ng umaga 'yon kung hindi ako nagkakamali," sagot ni Mr. Giovanni habang nakalumbaba.

"Ano ang suot niyang damit?" sunod na tanong ni Lev. I almost chuckle but I refrain myself. Seriously? Out of question? Wala na ba siyang maisip na ibang tanong?

Katulad ko ay napatawa rin si Mr. Giovanni na tila ba nagbibiro si Lev sa kaniyang tanong. "Pati ba naman 'yan itatanong ninyo pa? Kung gusto ninyo talagang malaman, sige sasagutin ko, nakasuot siya ng white shirt at itim na pantalon na may punit sa bandang dulo."

Nanlaki ang mga mata ko. What? Did he really wear the same jeans he wore during that night when I chased him? Wala na ba siyang ibang pants o wala lang siyang pambili?

"Did you ask---" natigilan ako ng biglang itaas ni Mr. Giovanni ang kaniyang kanang kamay senyales na tumigil ako sa pagsasalita. Then I realize what is wrong. Ayaw nga pala niya sa English. "Saan banda ang punit? Naitanong ninyo ba kung bakit nagkaganoon ang suot niyang pantalon?"

"Pinapatawa ninyo ba talaga ako?" hindi makapaniwalang sabi ni Ginoong Giovanni. Napailing siya habang nakangiti na para bang ipinababatid niyang nahihibang na kami. "Bakit ko naman itatanong kung bakit ganoon ang suot niya? Ang importante lang sa akin ay ang pera niya. Wala akong pakialam kung ano pa ang suot niya."

Ipinaikot ko ang aking mata. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, saang banda ang punit ng suot niyang pantalon?" I said impatiently and annoyed.

"Sa kanan, huwag kang mag-alala dahil sigurado na ako riyan sa sagot ko. Ngayon, may mga katanungan pa ba kayo? Baka naman gusto ninyo pang itanong sa akin kung anong brand o kulay ng suot niyang brief?" sarkastikong sagot niya. Kung kanina ay medyo nakikipagbiruan pa siya ngayon ay hindi na. Mukhang bumalik na siya sa pagiging seryoso at nakakatakot na manong.

Itinaas ni Lev ang kaniyang kamay kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin. Tinaasan siya ng kilay ni Mr. Giovanni ngunit hindi nagpatinag ang bata. "Huli na ito. May alam ba kayo tungkol kay Fernando Magallanes? Ang ama ninyo?"

Giovanni looked at the little boy sharply, tila ba ipinapahiwatig nito na ayaw niya sa katanungang iyon ni Lev. Huminto siya sa pagnguya ng marinig ang pangalan ng ama at hindi nakalampas sa akin ang pagkuyom ng kamao niya. Mukhang may galit din siya sa namatay na ama katulad ng papa ni Hinrich.

"Wala akong pakialam sa matandang 'yon. Basta ang alam ko lang ay isa siyang pabaya at walang kwentang ama." Sa tono ng kaniyang pagsambit sa mga salita ay mahahalata mo talaga kung gaano niya kinamumuhian si Mr. Fernando. "Ngayon, umalis na kayo rito kung ayaw ninyong kaladkarin ko kayo palabas... kasama ka na roon Hinrich," he warned sternly. Uh-oh. It seems like he totally lost his temper.

Bago pa kami makatayo ay nilapitan na niya kami at marahas na itinayo mula sa pagkakaupo. "Bilisan ninyo! Labas!" Utos niya habang nakaturo sa direksiyon ng nakabukas na pinto. Itinulak niya pa kami palabas ng gate para lamang masiguro na aalis kami sa pamamahay niya.

The moment we stepped outside his territory, he slammed the gate shut. Then we heard the sound of the gate being bolted. Napakagat labi na lamang ako sa sobrang gigil. Ang init naman ng ulo niya kaya siguro hindi binibiyayaan.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon