File XVI: Kill Two Birds with One Stone

3 1 0
                                    

"Ngayon, maaari ninyo bang ipaliwanag sa akin kung ano 'yong nakita ko kanina?" Nakapameywang na usal ni tita habang pinaglilipat lipat ang tingin sa akin at kay Hinrich.

Narito kami ngayon sa sala, kasalukuyang sinesermonan ni Aunt Juana. Magkatabi kami ni Hinrich sa iisang upuan samantalang si aunt ay nasa upuang kaharap ng amin. Mabuti na lang at tulog pa rin si Uncle Carlos kung sakali ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Tumungo ako at napakagat labi. Humanda ka talaga sa akin Lev. Dahil sa plano mong 'yan napahamak pa ako.

"Lalo na ikaw Serene, sa nakita ko kanina parang ikaw itong may gusto kay Hinrich and not the other way round," may galit sa tono ng pananalita ni Aunt Juana. "Tapos ngayon tatahi-tahimik ka riyan?" Dagdag pa niya.

Taas noo ko siyang tiningnan. "Tita, wala lang po 'yon. Aksidente lang po talaga ang nangyari. Hinihipan ko lang po talaga ang mata niya dahil nga napuwing siya," pagdadahilan ko. 

Umiling si Aunt Juana. "Aksidente? Sa nakita ko ay parang sinasadya 'yon. Huwag ka ng magmaang-maangan pa Serene. Alam kong may relasyon kayo ni Hinrich. Kung hindi ko pa pala kayo nahuli kanina hindi ko malalaman ang pinaggagawa ninyong dalawa," himutok niya.

"Nagkakamali po kayo ng akala tita, wala pong namamagitan sa aming dalawa ni Hinrich," pangungumbinsi ko ngunit ayaw maniwala ni tita.

"Serene, bakit hindi nalang natin sabihin sa kanila ang totoo?" Singit naman ni Hinrich. What?! Anong pinagsasabi neto? Pinanlakihan ko siya ng mata habang marahang umiiling. Shut up Portuguese!

Hindi niya pinansin ang pagtutol ko. Humarap siya kay tita at buong lakas na umamin. Hinawakan niya ang kamay ko at in-intertwine ang mga daliri namin. "Kami na po ni Serene, tita," he admitted. Itinaas niya ang naka-holding hands naming kamay. What the f!

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Muntikan na akong masuka roon. Ano bang pumasok sa kokote niya at nasabi niya 'yon? Napahilamos ako ng mukha. Saan na ako pupulutin ngayon?

"Kailan pa 'to? Bakit hindi ninyo ipinaalam sa amin?" biglang tumaas ang boses ni Tita.

"Noon pa pong unang araw na nagbakasyon sila Serene rito. Sinagot na po niya ako. Natatakot po kaming ipaalam sa inyo dahil baka po ay tumutol kayo kaya naman inilihim na muna po namin. Pasensya na po tita," paliwanag niya.

"Sabi ko na nga ba. Mabuti na 'tong nagtapat kayo sa akin kaysa sa naglilihim kayong dalawa. Alam ninyo, hindi naman ako tutol sa relasyon ninyo. As long as alam ninyo ang inyong limitasyon. Bata pa rin kayo, marami pa kayong pwedeng gawin sa buhay ninyo. Gusto kong unahin ninyo muna ang career. Maliwanag ba?" payo ni Aunt Juana.

Tututol pa sana ako pero sinenyasan ako ni Hinrich na itikom na lamang ang aking bibig para wala ng gulo. Pinabalik na kami ni Tita sa bukid. Nang makalabas at makalayo na kami sa farmhouse ay doon ko na inilabas lahat ng kinikimkim kong galit kay Hinrich.

Nagpameywang ako sa kaniyang harapan. "Anong drama 'yon? Bakit hindi ako aware?" galit na wika ko habang idinuduro siya. Script writer ba siya o director? Ang galing, pwede ng maging blockbuster ang movie na ginawa niya.

Napasinghap siya sa hangin. "Niligtas na nga kita, tinatalakan mo pa ako? Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya kahit pa anong katwiran ang sabihin mo? Sinabi ko lang 'yon para tumahimik na rin siya sa pagtatanong. Gusto mo bang ma-hot seat pa?" panunumbat niya.

"Pero kasinungalingan naman lahat ng sinabi mo! Walang tayo! Hindi porket umamin ako sayo ng nararamdaman ko ibig sabihin ay awtomatiko ng mag-jowa na tayo!" singhal ko sa kaniya. Nakagigil talaga siya! Masyadong desperado!

"Alam mo, hindi mo naman kailangang problemahin ang tungkol diyan. May solusyon naman," he paused. Hinawakan niya ang mukha ko. "Totohanin na lang natin. Besides gusto naman natin ang isa't isa, bakit pa kita kailangang suyuin? Bakit pa natin patatagalin? Boto naman sa atin si tita Juana."

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon