File XVIII: Aye! Aye! Captain!

4 1 0
                                    

May kakambal siya? Kaya pala kamukhang kamukha niya ang lalaking 'yon! They are identical twins! Kahit siguro ipagtabi mo sila ngayon you wouldn't tell which is which! Mukhang clone sila ng isa't isa.

Ang pagkakaiba nga lang nila ay ang attitude. Kaya pala bigla na lamang naging mahangin at makapal si Hinrich dahil hindi pala siya 'yon kundi ang kakambal niyang si Enrique. Another hint that I neglected is that naninigarilyo ang walang hiyang lalaki na 'yon. Alam kong good boy si Hinrich at hindi niya kayang magbisyo pero pinaniwalaan ko pa rin ang dahilan ni Enrique! Napakatanga ko. Kung nandito lang si Enrique siguradong nakikita ko na ang pagtawa niya dahil nalinlang niya kaming lahat.

"Nagpanggap siya bilang ako para mas mapalapit siya kina Serene at Lev. Alam niya ang tungkol sa inyong dalawa at tiwala siyang matutulungan ninyo siya sa hinahanap niyang kayamanan," he narrated, looking both at me and Lev. Ginamit lang pala kami ng impaktong 'yon! How dare him used us!

Kumunot ang aking noo sa salaysay niya. "Kayamanan? Nino?" Nagtatakang tanong ko. Sa kung ano mang dahilan ay bigla akong na-excite. Mukhang magkakaroon kami ng treasure hunting.

"Naniniwala siya na mayroong itinatagong kayamanan si lolo at ang magtuturo sa kaniya kung nasaan 'yon ay ang mga mynah birds kaya ninakaw niya ang mga ito. Bukod doon ay wala na siyang iba pang nabanggit sa akin," he said in conclusion.

"Pero teka lang, ikaw pa rin ba 'yong nakipag-deal sa akin?" pagkumpirma ko. Mahirap na baka umasa lang pala ako sa wala. How I wish it was him who make a deal with me. Dinggin ninyo po sana 'yon. I will never ask for more, 'yon lang talaga sapat na sa akin.

"Deal? Wala akong alam tungkol diyan. Noong gabing nawala ang mynah bird ay ako pa rin 'yon. Sinamahan ako ni uncle Carlos para hanapin ang nawawala kong alaga. Pero kinabukasan ay hindi na ako ang nakasama ninyo. Si Enrique na 'yon na nagpanggap bilang ako," paliwanag niya. What the f! Ibig sabihin kahit malutas man namin ang kasong ito ay wala ring kwenta! Hindi naman pala matutuloy ang deal namin. Kainis! Umasa lang ako!

"Mabuti pa let's call it a day. Kailangan na ring magpahinga ni Hinrich upang makabawi siya. Matulog na tayo at bukas na muling mag-usap," pag-settle ni Aunt Juana.

Nagsipunta na kami sa aming kaniya kaniyang kuwarto at nagsitulog. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil nahanap pa namin ang totoong Hinrich. Paano ba naman kasi nasira ang tuwa ko ng malamang hindi naman pala matutupad ang deal na binitawan ni Enrique. Kung alam ko lang talaga na bandang huli ay wala ring ikabubuti ang paghahanap sa mga nawawalang ibon na 'yon, hindi ko na sana tinanggap ang alok ng manggagamit at mapanlinlang na si Enrique.

Kinabukasan ay pinuntahan namin si Hinrich sa kaniyang cabin. Kinausap namin siya tungkol sa progress ng kaso. Ikinuwento sa kaniya ni Lev ang tungkol sa pag-iimbestiga namin. Lalo na 'yong pagpunta namin sa bahay ng kaniyang mga tito at sa matalik nitong kaibigan na may alagang uwak.

Nagulat si Hinrich ng isalaysay ni Lev ang tungkol kay Mr. Antonio. "Sino nga ulit 'yong pinuntahan ninyong matalik na kaibigan ni lolo at kababata niya?" nagtatakang tanong niyav

I rolled my eyes. Hindi ba siya nakikinig? Kakasabi pa lang ni Lev e. "Si Mr. Antonio Figueroa," ako na ang nagpasyang sumagot dahil mukhang wala namang balak ulitin ni Lev ang pangalan ng old man.

Kumunot ng kaniyang noo. "Saan ninyo siya pinuntahan? I mean anong address ng bahay niya?" Sunud sunod na tanong niya. He's acting a little bit odd.

"Sa 606 N Street. Bakit? May problema ba?" naiinis na tanong ko. Bakit ba pinauulit niya ang mga detalyeng 'yon? Hindi ba talaga siya nakikinig?

"Mali!" Hinrich blurted out. Tiningnan namin siya ng may pagtataka ni Lev. Anong maling pinagsasabi niya? Mukhang napansin niya ay confuse expression namin kaya nagpaliwanag siya. "Matagal ng nakatira sa ibang bansa si lolo Antonio Figueroa! Yong nakausap ninyo ay isang impostor!"

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon