File VI: Santiago

2 1 0
                                    

Hindi makasagot si Hinrich. Gotcha! Sabi ko na nga ba at tama ako ng hinala. Siya nga ang hinabol ko kagabi. Sino kaya 'yong kasabwat niyang scarecrow?

Napabuntong hininga si Hinrich. Hinubad niya ang suot na rubber boots revealing his swelling wound on top of his ankle. They all looked startled.

"Nagkakamali ka ng hinala Serene, wala akong kinalaman sa mga lalaking nanloob kagabi. Nakuha ko ang sugat na ito dahil hinabol ko ang kalabaw kanina. Nakawala kasi ito sa pagkakatali." He admitted. I rolled my eyes. What a lame excuse. Sino naman kayang maniniwala sa kaniya?

"You heard him Serene. Tigilan na natin ito, pamilya tayo rito, okay?" datung ni Aunt Juana. "Mabuti pa pumasok ka muna sa loob ng bahay Hinrich at ng magamot na natin 'yang sugat mo," suhestyon niya at saka inalalayan si Portuguese guy sa paglalakad. Tinulungan nilang dalawa ni Uncle si Hinrich sa pagpasok sa loob ng farmhouse, leaving me and Lev together.

"I am sure na siya talaga ang hinahanap nating magnanakaw. You saw his wound right? That's the clue left by the culprit and it means that Hinrich is him!" I reasoned out.

"We can't really tell unless all clues points to him. Don't jump into conclusions," Lev reminded.

Tama siya, masyado akong nagpaka-detective to the point na feeling ko alam ko na ang lahat. Bakit ba sobrang eager akong malutas ang kasong ito? Is it because he will no longer bother me after this? Siguro 'yon nga ang dahilan kaya sobrang atat akong tapusin ito.

Bumalik ako sa farmhouse at nadatnan kong nakaupo si Hinrich sa mahabang upuan at mag-isa lamang siya. Lumingon siya sa akin ng maramdaman niya ang presensya ko.

"My bad, masyado lang akong na-excite kaya pinaghinalaan kita," I apologize. Yes, I really did and I admit that it only happens once in a while. It's like a limited edition so if you heard it from me then you must be lucky.

"Okay lang 'yon Serene. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin," nakangiting wika niya na para bang wala akong nagawang kasalanan. His dimples became visible as he smiles.

I kinda feel a little bit of annoyed. Sana kanina niya pa sinabi. I feel like my sorry goes to waste. "I think hindi mo rin kami masasamahan mamaya?"

"Kaya ko namang maglakad, itutuloy pa rin natin ang pagpunta kina tito Giovanni," masiglang tugon niya. Parang wala naman ng sakit na dulot ang sugat niya.

I shook my head, "no, don't worry about it, kaya na namin ni Lev 'to. You must take some rest. Sabihin mo na lang sa amin ang address ng tito mo at kami na ang bahalang kumausap sa kaniya."

Sa bandang huli ay nagmakulit pa rin si Hinrich na sumama sa aming magkapatid. Wala na kaming nagawa kundi ang payagan siya tutal hindi naman namin siya mapilit na magpahinga na lamang. Pagsapit ng hapon ay nagpaalam kami kina Uncle at Aunt na mamamasyal muna kami ni Lev. Of course, that's a lie dahil ang totoong pakay namin ay ang mag-imbestiga.

"Aalis po muna kami para mamasyal sandali, hindi naman po kami magtatagal," magalang na paalam ko kina Uncle Carlos at Aunt Juana.

"Wala namang problema sa akin 'yan, gusto ko rin namang maglibot kayo rito ng sa ganoon ay hindi kayo mainip sa bukid at makakita kayo ng panibagong scenery. Basta siguraduhin ninyong babalik kayo rito bago lumubog ang araw. Sira ang lamp post sa daan kaya madilim at delikado sa labas," paalala ng nag-aalalang si Aunt Juana.

"Huwag po kayong mag-alala, babalik po kami kaagad," I assured with a bright smile.

"Teka lang, talaga bang isasama ninyo pa si Hinrich? Mukhang hindi pa ayos ang sugat niya," sita ni Uncle Carlos. Tiningnan niya si Hinrich na nakatayo sa tabi ni Lev.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon