File XV: Fox in the Henhouse

3 1 0
                                    

Doon lamang ako pinakinggan ni Lev. Paglingon niya ay isang metro nalang ang pagitan namin sa scarecrow. Napatili ako sa sobrang takot habang kumakaripas ng takbo papalayo roon.

Nang makalayo na ako ay doon ko pa lamang napagtanto na ang sariling footsteps ko lang ang aking naririnig. Hindi pala sumunod sa akin si Lev. Where is he? Napahinto ako at lumingon sa aking likuran. Doo'y nakita kong nakikipagtitigan si Lev sa papalapit na scarecrow.

"Lev! What are you doing?! Come here!" halos mapaos na ako sa kasisigaw pero hindi niya ako pinapakinggan. Nanatili siyang nakaupo sa lupa at tila napako sa kaniyang puwesto.

Malapit na ang scarecrow kay Lev ng bigla akong dumating. Buong pwersa kong itinayo ang gulat pa ring si Lev at kinaladkad siya papalayo sa nakakatakot na scarecrow. Nang makarating kami sa farmhouse ay muli kong sinulyapan ang scarecrow ngunit wala na ito.

Pagpasok namin sa bahay ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Napaupo ako sa sofa habang hinihingal. Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Lev.

I waved my hand in front of his face. "Hey! Lev! What happened to you? Don't tell me na trauma ka?" hindi makapaniwalang sabi ko. Nag-aalala na ako sa ikinikilos niya.

"I told you, may crow na nakadapo sa balikat ng scarecrow. If that scarecrow is a human. I can only think of one person. I am sure he is Mr. Antonio Figueroa! Siya lang ang may alagang uwak at noong pinuntahan natin siya ay nakadapo ito sa kaniyang balikat just like that scarecrow!" I deduced.

"It's not a corvus splendens but a acridotheres tristis!" Lev blurted out. Awtomatikong nagkasalubong ang aking kilay. Anong pinagsasabi niya?

I sighed in relief. Mabuti naman at nabalik na rin siya sa ulirat. "Can you please use normal words?" mahinahong pakiusap ko.

"The flying animal in the straw man's shoulder is not a crow but a mynah bird! That's why I am staring at it for a while, to scrutinized," he explained clearly and understandably.

'Yon pala ang dahilan kung bakit siya mistulang nakatulala kanina sa scarecrow. Pinagmamasdan niya pala ito ng maigi. Akala ko ay masyado siyang nagulat kaya hindi siya nakakimot kanina.

He leaned forward. Tumingin muna siya sa paligid. Tila naninigurado na walang makakarinig ng kaniyang sasabihin. "I have a plan," he commenced.

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. "Plan for what?" nagtatakang tanong ko. Wala akong maintindihan sa tinutukoy niya.

"I think I already know where the acridotheres tristis are hidden as well as the straw man's identity but I need to confirm it first," he said in a low voice.

"Paano kita matutulungan?" Interesadong tanong ko. There's a part of me na masama ang kutob ko sa planong tinutukoy niya.

"I have come to the same conclusion that Hinrich might be involved with the stolen acridotheres tristis. Since he is head over heels for you, you need to distract him while I sneak inside his cabin to find any proof that may substantiate my hypothesis," he explicate. Kaya pala masama ang kutob ko dahil pala gagawin niya akong bait.

"Teka lang naman, that's not fair. Gagawin mo akong pa---" before I could finish my complain he butted in.

"Do you want to end this case or not?" He cutted me off. That left me speechless. "Perhaps, you wouldn't since you are beginning to have a feelings for him as well."

"Of course not!" mabilis na kontra ko. Well, he has a point. Kapag natapos na ito hindi na ako guguluhin pa ni Hinrich. Ibig sabihin ay magiging payapa na rin sa wakas ang buhay ko rito sa bukid.

Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kaniyang plano. After all, magreresulta naman ito ng maganda. Kinabukasan ay maagang umuwi sina Uncle Carlos at Aunt Juana. Mukhang puyat sila at pagod marahil ay nagbantay sila ng magdamag sa ospital.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon