File XIV: The Scarecrow Strikes

3 1 0
                                    

We were caught and trapped by Mr. Gaspar. Kinalampag ko pa ang pinto habang nagsusumamo sa kaniya. "Pakawalan mo kami!" I shrieked.

He didn't speak anymore. Ang tanging narinig ko lang ay ang pag-whistle niya ng pamilyar na kanta. What was that song again? His footsteps begin to fade in the night.

I threw my hands in the air. "Just great, anong gagawin natin ngayon Lev? This is your idea, right?" Paninisi ko sa kaniya.

"There must be an exit, hurry up, look around the shack," he ordered in rush. He scrutinized every part of the small house.

Napabuntong hininga na lamang ako habang inililibot ang aking paningin sa paligid. I can't see any way for us to scape. Nakalock ang mga bintana at walang back door. Mukhang dito pa yata kami magpapalipas ng gabi. Sa mainit, luma, maalikabok at maliit na bahay.

"I knew it!" He exclaimed. Dali dali ko naman siyang nilapitan para tingnan kung nakahanap na siya ng paraan para makalabas kami.

Lumuhod din ako kagaya niya at doon ko lamang napansin na sira na ang wooden wall sa bandang ibaba marahil kagagawan ng mga anay. Dahil may kalumaan na rin ang shack ay agaw atensyon na ito sa mga mapanirang anay.

Tinadyakan ni Lev ang fragile wall dahilan para tuluyan itong masira at magkaroon ng maliit na butas. Lev is small at sakto lamang siya sa laki ng butas. Lumusot siya sa butas at gumapang papalabas.

Ilang sandali pa ay bumukas na rin ang pinto at nakalabas na ako. Ibinalik namin sa pagkakakandado ang pinto at saka kami umakyat ng bakod hanggang sa tuluyan kaming makalabas. Kumaripas kami ng takbo papunta sa kung saan namin iniwan ang aming mga bisikleta.

Pagkauwi namin ay wala kaming nakitang tao sa labas. Mabuti na lang at hindi nagising sina Uncle at Aunt. Mukhang mahimbing ang tulog nila. Pagkahiga pa lamang namin ay tuluyan na kaming nilamon ng antok.

Kinaumagahan ay nagpaalam sina Uncle Carlos at Aunt Juana sa amin na aalis sila upang bisitahin sa ospital ang may sakit na nakababatang kapatid ni Aunt Juana.

"Serene, Hinrich, kayo na muna ang bahala rito sa farm. Kung may problema man tawagin ninyo agad kami ng tita ninyo. Babalik din kami bukas ng umaga. Isang araw lang naman kami mawawala," habilin ni Uncle Carlos habang nakatingin sa amin ni Portuguese guy.

"Makakaasa po kayo," I assured him. Niyakap nila kaming mag-asawa bago sila pumasok sa kotse. Pinanood namin sila hanggang sa tuluyan ng mawala ang kotse sa aming paningin.

Paglingon ko ay nakaharap ko si Hinrich na siya palang nakatayo sa aking tabi. "It's just you and me," he smiled maniacally habang itinataas baba ang kaniyang kilay.

"And Lev," mariing sambit ko bago siya irapan. Nilagpasan ko siya at naglakad patungo sa direksiyon ng farm.

Pagkatapos naming gawin ang nakatokang gawain sa amin ni Lev sa bukid ay nagpahinga na kami ngunit si Hinrich ay nagtatrabaho pa rin.

"Sa tingin mo paano nalaman ni Mr. Gaspar na pupunta tayo roon ng ganoong oras?" nagtatakang tanong ko kay Lev na nakatutok ang mga mata sa nakabukas na telebisyon.

"Someone must have notified him," he replied, pinching his lips. Hindi niya pa rin ako  ng tingin.

"Pero sino naman?" kunot noong tanong ko. Wala akong ibang maisip na mag-ti-tip sa kaniya na umalis kami ng bahay ng hatinggabi upang pumunta sa kaniyang tirahan.

"Someone else who saw us leaving last night," he unveiled seriously. Iisa lang ang taong pumapasok sa isipan ko. It must be him, wala ng iba. Siya lang naman ang stranger dito sa farm.

"Sa tingin mo si Hinrich? Well, I have to agree with you if that so. Kakaiba at kahina-hinala ang mga ikinikilos niya nitong mga nagdaang araw. Naaalala mo pa noong gabing sinubukan nating makinig sa muling pakikipag-usap niya sa telepono? Ginising kita noon pero mukhang ang himbing ng tulog mo. Ikaw pa naman itong paplano plano hindi ka naman pala tutupad sa usapan," himutok ko.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon