Epilogue

11 2 2
                                    

"What?!" Bulalas ko. "Ibig sabihin nagpanggap kayong dalawa bilang siya?" hindi makapaniwalang sabi ko. This is too much for me!

"Oo, siya talaga ang katulong ng tita mo sa farm. Ilang taon na siyang nagtatrabaho sa farm ninyo. Patay na patay siya sayo. Walang araw na hindi kaniya bukambibig sa amin kaya nga mas lalo namin kayong nakilalang magkapatid," pagkumpirma ni Hinrich.

I stare at them eyes-wide. "Nasaan siya ngayon? Patay na ba?" Nag-aalalang tanong ko. Oops. Napasama yata ang tanong ko.

"Buhay pa nga pinapatay mo na," Enrique grumbled. "Huwag kang mag-alala, nasa maayos siyang kalagayan ngayon. Kailangan lang namin siyang patahimikin para hindi mabulilyaso ang plano namin. Mabait si Henrico, hindi namin siya kasabwat. Wala siyang kinalaman sa pangyayaring ito. Inosente siya, pinipigilan pa nga niya kaming dalawa" paliwanag ni Enrique.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at ayos lang siya. "Sabi mo kanina Henrico ang pangalan niya, bakit nagpakilala siya sa amin bilang Hinrich?" Kunot noong tanong ko.

"Oo, madalas niyang gamitin ang pangalan ko dahil mas maganda kasi itong pakinggan hindi daw kagaya ng pangalan niya na parang pinaglumaan na ng panahon, hinahayaan ko naman siya tutal wala ng mawawala," natatawang pagsiwalat ni Hinrich.

"Last question, where is Hinrich slash Henrico---basta 'yong pangatlo sa inyong triplets?" I curiously asked.

"Ikinulong namin siya sa attic ng bahay ninyo, huwag kang mag-alala pinapakain naman namin siya at pinapainom ng tubig, alagang-alaga namin siyang dalawa. Ikaw ng bahala sa kaniya manugang, may you live happily ever after!" Nakuha pa talaga akong asarin nitong si Hinrich. Yuck.

Out of nowhere ay bigla na lamang kaming nakarinig ng wangwang na mukhang nagmumula sa police car. Habang naroon pa ang atensyon nilang magkambal ay mabilis kong hinablot ang hawak nilang mga baril at itinutok 'yon sa kanilang dalawa.

"Ibigay ninyo sa akin ang diamond kung ayaw ninyong bumaon ang bala sa ulo ninyo!" Pagbabanta ko. Ang sarap pala ng ganito, 'yong ikaw ang boss at napapasunod mo sila dahil sa takot nila sayo.

Nagkatinginan pa silang dalawa na mukhang nag-uusap via telepathy. Sa isang iglap ay bigla na lamang silang kumaripas ng takbo papalayo sa akin. Babarilin ko sana sila pero pagka-pull ko ng trigger ay walang lumabas na bala. Kaasar! Wala na palang bala ang mga baril nila. Kaya pala ang lakas ng loob nilang tumakbo. I try to chase them pero dahil malayo na sila ay hindi ko nagawang makahabol.

Nang makalabas ako sa lote kung saan nakapa-ikot ang mga puno ay nakita ko sina Lev at uncle Carlos na nakatayo malapit sa kotse. Nakatali na ang magkambal, nakaupo sila sa lupa at nakatalikod sa isa't isa. Nagpupumiglas pa ang mga ito pero kahit anong gawin nila ay hindi sila makawala dahil sa higpit ng lubid na nakatali sa kanila.

"Nahuli ninyo sila!" Masayang pambungad ko. Napadako sa akin ang tingin nina Lev at tito. Nakita kong nakahinga sila ng maluwag.

"We have the diamond," nakangising wika ni Lev sabay taas ng kumikinang na gem. Thank God, they capture those criminals and they have the diamond! Akala ko ay mapapasakamay na talaga ito ng mga masamang magkambal.

"Ayos ka lang ba Serene? Pasensya na kung nahuli kami ng dating. Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong ni Uncle Carlos habang sinisipat sipat kung mayroon ba akong sugat, pasa o anumang tama sa katawan.

"Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po ko. Hindi naman po nila ako sinaktan. Actually nag-enjoy pa nga po ako sa pakikipag-usap sa kanila dahil marami akong nalaman. Pero teka lang, nasaan na po ang mga pulis? Akala ko po ay kasama ninyo sila? I heard their siren a while ago," nagtatakang tanong ko habang palinga linga sa paligid pero kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang police car.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon