File III: A Living Scarecrow?

4 1 0
                                    

As soon as we reached the gate, nagmano kami kay Uncle. Uncle Carlos is a man in his mid-forties, tall, well built, a very neat and tidy man. Kahit na may edad na siya ay hindi pa rin maikakailang guwapo siya.

"Serene, Lev, susunduin na kayo ngayon ng uncle ninyo. Pumasok na kayo sa loob at ihanda ang mga gamit na dadalhin ninyo," utos ni Mom. Tumango lang kaming dalawa ni Lev at nag-excuse sa kanilang dalawa.

"Kuya Carlos, pumasok muna tayo sa loob habang hinihintay ang mga bata," rinig kong yaya ni Mom kay Uncle bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Nanakbo kami paakyat ng hagdan, papunta sa aming kaniya kaniyang silid. Kinuha ko ang malaking backpack ko na nakasabit sa dingding at sinimulan ko ng mag-impake. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako.

Napaaga yata si Uncle, akala ko bukas pa kami aalis. I can't imagine facing that Portuguese man. Sana lang at hindi niya ako gambalain. Wala talaga sa loob ko na sumama ngayon pero kahit umangal pa ako ay wala rin naman akong mapapala. Besides, nandito na rin si Tito nakakahiya naman kung tatanggi pa ako.

Pagkababa namin sa hagdan ay sinamahan kami ni Uncle palabas ng gate. Inilagay niya ang mga bagahe namin sa likod ng truck.

"Mauuna na kami Mildred, ayaw kong abutan kami ng dilim sa daan. Huwag kang mag-alala aalagaan namin ang mga bata. Kami na ang bahala sa kanila," Uncle Carlos assured.

"Alam ko naman 'yon. Mag-iingat kayo sa byahe. Pakikamusta mo nalang ako kay Juana," nakangiting wika ni Mom pagkatapos ay humarap siya sa amin ni Lev, "kayo naman mga bata, huwag ninyong bibigyan ng sakit ng ulo ang tito at tita ninyo. Magpakabait kayong dalawa at i-enjoy ninyo ang bakasyon."

Tumango kami ni Lev habang nakangiti. Pagkatapos ng pamamaalam ay umakyat na kami si truck at naupo sa passenger's seat samantalang si Uncle Carlos ang nasa driver's seat. Pinaandar niya ang truck palabas ng street.

Tahimik ang naging byahe namin sapagkat tulog si Lev samantalang nanonood naman ako sa ITube. Tatlong oras ang byahe papuntang Autumn province kung saan nakatira sina Uncle. Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako sa tagal ng byahe. Nagising na lamang ako ng binabaybay ng truck ang steep slope.

Malapit sa hill, ang farm nina Uncle kaya dumaan kami sa shortcut which is the hillside na kung saan ay paakyat baba ang daraanan. Halos mahilo ako roon mabuti na lamang at huminto na ang truck sa tapat ng wood fence. Palubog na ang araw ng marating namin ang Sunset Farm, ang bukid na pagmamay-ari nina Uncle Carlos at Aunt Juana.

Pagkabukas ko ng pinto ng truck ay sumalubong sa akin ang taong ayaw kong makita. Inalok niya ang kaniyang kamay para alalayan ako sa pagbaba.

Inirapan ko lang siya at tinabig ang kaniyang kamay. "I don't need your help," masungit na sabi ko sabay baba sa truck. Nilapitan ko si Aunt Juana na nasa tabi ng gate, bineso ko siya at niyakap.

"Welcome home, Serene." She greeted in her sweetest voice. Aunt Juana is a woman in her forties, average height, curvy body, fair skin, straight hair and gorgeous. Wala akong panama sa ganda niya at sa ganda ng hugis ng kaniyang katawan. Kahit anong gawin kong workout ay hindi ko kayang magaya ang curvy figure niya.

Pagkababa ni Lev sa truck ay nagmano siya kay Aunt. Huminto sa harapan namin si uncle Carlos at Hinrich na bitbit ang mga bagahe namin ng kapatid ko. Napangiwi ako ng makitang hawak ni Hinrich ang bagahe ko.

"Hello Serene, mas lalo kang gumaganda ngayon," nakangiting puri ni Portuguese. Hinrich Magallanes, currently in his mid-twenties, a man with average height, muscular build, tan skin color and curly hair.

I rolled my eyes. Ayan na naman siya sa mga pagpapansin tactic niya. "Matagal na akong maganda," mataray na sambit ko. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko.

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon