File XI: The Expedition's Chronicler

3 1 0
                                    

"Kiss? Gusto mo kiskisin ko ng bato 'yang mukha mo? Umalis ka nga diyan!" Inis ko siyang itinulak at padabog na naglakad papasok ng farm. Ibang klasi talaga ang lalaking 'yon. Ang lakas ng loob niya na sabihing assuming ako eh siya kaya itong assumero. Kung ano anong kabaliwan ang ginagawa niya para magpapansin sa akin.

Nagmano ako kina Uncle Carlos at Aunt Juana na sinalubong kami sa harap ng bahay. Nakatayo sa kanilang tabi si Lev samantalang nasa likuran ko naman si Hinrich na nakabuntot sa akin.

"Napaaga yata kayo ng uwi?" pambungad na tanong ni Aunt Juana. Nakapatong ang kaniyang dalawang kamay sa balikat ni Lev na nasa harapan niya. 

"Madilim na po kasi ang kalangitan, ayaw po naming maabutan ng ulan sa kalsada," katwiran ko.

Ang bilis din talagang magbago ng weather, kanina ay maalinsangan pa dahil tirik na tirik ang araw at ang aliwalas ng kalangitan samantalang ngayon ay bigla na lamang binalot ng maitim na ulap ang kalangitan. Makulimlim at malakas ang ihip ng hangin. Biglang kumulog ng malakas na sinabayan pa ng kidlat.

"Mabuti pala at umuwi kayo kaagad. Mukhang malakas lakas ang ulan. Pumasok na tayo sa loob ng bahay," yaya ni Uncle Carlos.

Nagsimulang pumatak ang maliit na tubig ulan hanggang sa lumakas ang pag-iyak ng ulap. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay bigla na lamang kumulog at kumidlat ng pagkalakas lakas at kasabay pa nito ay ang pag-brown out.

Kahit hapon pa lamang ay sobrang dilim na kaya nagbukas kami ng kandila upang magkaroon ng liwanag sa loob ng bahay. Pagsapit ng alas sais ay kumain na kami ng hapunan. Nagpalipas kami ng isang oras pero mukhang wala na talagang balak dumating ang kuryente kaya nagsitulog na lamang kami. Ilang oras ng umuulan ng sobrang lakas with matching kulog at kidlat. Mukhang wala rin itong balak huminto.

Hinintay ko munang humiga si Lev bago ko hipan ang nakabukas na kandila. As soon as I blow the candle, everything went dark. Hihiga na sana ako ng marinig ko ang boses ni Lev.

"Hinrich must have something up in his sleeves, what time did we saw him last night?" He commenced.

"Eleven o'clock?" I respond hesitantly. Hindi ako sigurado kung mga anong oras nga ba iyon. Hindi na kasi ako nag-abala pang tingnan ang oras dahil sa sobrang kuryosidad na masundan ang tunog at matukoy kung saan ito nagmumula.

Humiga ako sa aking kama at nakipagtitigan sa madilim na kisame habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Lev.

"The rain might stop for awhile. At eleven, we will sneak outside and eavesdrop at Hinrich' conversation with the man on the other line of the telephone. We need to find out what are they up to," desididong wika niya.

"Do you think it is something illegal?" I surmised. What if kriminal pala talaga si Hinrich at may balak siyang masama sa amin?

"Still dubious," he replied shortly. Sa bagay, hangga't wala pa kaming nakikitang ebidensya, hindi magiging malinaw ang lahat.

Napabuntong hininga ako at muling naalala ang kakaibang tunog. Just the thought of it makes me shiver. "Maririnig kaya ulit natin ang misteryosong tunog?"

"Undoubtedly," he said confidently. Mukhang sigurado talaga siyang maririnig ulit namin ang misteryosong tunog mamaya.

Now that I think of it, nakaramdam ako ng kakaiba. Bakit parang may mali sa tunog na 'yon? "Lev, are you still awake?" pagkumpirma ko. Hindi ko na kasi siya naririnig, mukhang tulog na yata.

"I was about to close my eyes and start a dream," he complained. Mukhang naiinis siya na nanggugulo ako sa pamamahinga niya.

"One last thing before you sleep, did you hear the mysterious sound during daylight?" I paused for a second to wait for his reply but he didn't utter any word so I decided to went on, "is it just me or did you noticed it to? The sound can only be heard during late at night."

The Stolen Black Asian Bird Ship (LNF #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon