Another day, another pain. Naligo na ko at nagbihis bago lumabas ng kwarto.
"What happen honey? You look problematic, pati sila tita clarisse mo nag alala sayo. Wala na ba kayo?"
"I don't want to talk about it mom" I said kaya naman hindi na rin nagtanong si mommy.
Pag pasok ko nang school, agad na sumalubong sa akin ang bestfriend kong si Hanna at napangiti ako ng sarkastiko.
"Oh my God Max what happened? Are you okay? I heard, you and Echo broke up? Why?"
"Why don't you ask yourself?" Napaawang ang kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mata dahil sa aking sinabi.
"W-what are you saying?"
"Don't talk to me"
"Hahaha! Kaya ka iniiwan e kasi ganyan ugali mo"
"I'm not like this before Hanna, not untill you both betrayed me." At iniwan ko na sya. Wala nang mas masakit pa sa ipagpalit ka sa bestfriend mo. Kaya pala sa tuwing nagkukwento ako sa kanya about sa ginagawa sakin ni Echo ay pinipilit nya kong hiwalayan na.
'She should be happy for this'
Pagkapasok ko ng room, agad na nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. Mayroong, nag-aalala, naguguluhan at mukhang may gusto pang malaman, at syempre meron ding mukhang natutuwa pa.
"Oh Maxia, balita ko hiwalay na kayo ni Echo Hahahaha sabi ko naman sayo e hindi ikaw yung tipong seseryosohin ni Echo e you know? High Standard kasi sya." Tuwang tuwang pang aasar sakin ni Shiya, isa sa mga patay na patay kay Jericho.
"High standard ba? Kaya pala hindi ka magustuhan" kita naman ang pagkaasar sa kanyang mukha ngunit pinilit nya pa ring magmukhang di affected.
"Anong pakiramdam na bestfriend mo ang ipinalit sayo? Masakit ba?"
"Well syempre masakit, but I'm happy at the same time. Same standard kami ni Hanna that's why I'm okay... Kung ikaw kasi ang ipinalit nakakainsulto diba? Ang ganda ganda ko na, ipagpapalit pa ko sa mukhang paa?"
Mukhang wala na rin naman syang maisagot kaya nilagpasan ko na sya at naupo na sa pwesto ko.
I am Ash Maxia Del Pier.I'm on my fourth year in high school, isa rin ang Del Pier at Lazaro sa mga nagdonate sa pagpapatayo ng school na to, well same amount of shares kaya wala silang pwedeng pagtalunan about sa pataasan ng shares. 5 months to go before the graduation. We promised that we'll be graduated together but here I am, waiting for graduation alone.
Dumating ang teacher namin at nagsibalik na sa kani kanilang pwesto ang mga kaklase ko. Kasabay nang pagpasok ni Hanna at Echo, magkaklase kasi sila.
'Anong ginagawa dito ng mga yan?'
"Before we start the discussion, I will announce first about the pageant this coming December for the christmas celebration"
'Mukhang alam ko na'
"Who do you think will be our section's representative? Here's Jericho and Hanna for section B. Dala na rin nila ang List ng representative ng other sections. And actually, Babae nalang ang kailangan natin dahil meron na tayo for boys"
"Ako nalang sa girls maam" prisinta ni Shiya habang nakatingin kay Echo.
Nakatingin naman sakin si Echo habang si Hanna ay nakayuko. Isang ugali naming magkaibigan ay nagpapakumbaba kami pag alam naming kami ang mali, hindi na kami mangangatwiran o makikipagtalo pa. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri at inilagay sa likod ng ulo ang magkahawak kong kamay upang gawing unan at isinandal ito sa sandalan ng upuan, pinatong ko ang kanang paa ko sa kaliwa at diretsong nakipaglaban ng tingin sa kanya.
"Bakit ikaw? Why not Maxia? I think she's better." Singit ng isa sa mga kaklase kong hater ni Shiya kaya naman napatingin ako dito.
"If she's better, bakit sya pinagpalet? Hahahaha" walang kagana gana ko syang tiningnan bago nagsalita.
"I'm more than better Shiya, bakit ako pinagpalet? Well that's not your problem anymore"
"Dahil hindi ka pa enough?"
"Dahil hindi sya nakontento"
"Edi hindi ka nga enough Hahaha"
"I'm also more than enough, but not in the kind of people like him"
"Girls, stop it! Let's just vote kung sino ang gusto ng section na maging representative natin! Dyusko sa harapan ko pa kayo nag away, where are your manners?!"
"I've already lost it" nawala sa isip ko si Miss Ai kaya hindi ko nakontrol ang sarili ko. Medyo bata pa naman sya kaya sinagot ko na, di naman siguro to aatakihin.
"AYAN! YAN ANG KAILANGAN NATIN MAAM! SI MAXIA NALANG PO ANG SASALI" sigaw ng isang kaklase ko na agad namang sinang ayunan ng iba.
"So I guess, we don't need to vote" I said while smirking na nagpawalk out kay Shiya.
"Okay final na, Maxia will be our representative for girls"
"But where's my partner? I want to see my partner right now"
Parang wala naman nang magawa ang teacher na ito kundi ang sagutin ako.
"Home schooling sya but he's ready to came back here in school para pumasok na personally"
"And what's his name?"
"Laster Josh Mendoza" si Hanna ang sumagot non kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Kailan ang rehearsal?"
"Mamayang after class, doon na rin didiretso ang partner mo"
"Okay"
Then nagstart na ang klase ni Miss Ai.
'Di naman talaga ako marunong sa pageant pageant na yan tsk'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.