Chapter Twenty

5 1 0
                                    

"Laster Josh Mendoza" basa ko sa pangalan nitong nakaukit sa lapida. Muli nanamang nanggilid ang luha ko. Kay tagal na panahon na mula nang mawalay ito sa akin ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat.

"Love? Kumusta ka na dyan? Ayos ka lang ba? Sana masaya ka ngayon. Pasensya na love, hindi mo man lang naranasang mahawakan ang anak natin" ramdam ko ang paghagod ng aming anak sa likuran ko. Ano mang naging sitwasyon ko ay hindi ako nito iniwan, manang mana sa kanyang ama.

"Hi dad, even though we haven't seen each other before you left, I understand po. Mom said we're look alike so I guess you're handsome coz' you know dad I'm pretty haha, don't worry about mom, I will take care of  her like how you take care of her before, I love you Dad." Inilapag nito ang bulaklak matapos sambitin ang mga iyon. Kung siguro'y buhay pa sya, ang ganda nilang tingnang mag-ama. Nagtala akong muli sa aking libro. Wala akong pinalalampas na pagkakataon sa pagtatala upang maging ala ala kapag ako'y nakakalimot na.

"Napuruhan rin ang ulo ninyo misis, hindi ito eepekto sa ngayon, maaaring sa loob ng sampung taon o sa panahong mahina na ang katawan ninyo"

Naalala ko ang sandaling pag uusap namin ng doktor bago mamatay si La-jo. Alam kong kaunting panahon na lamang ang naghihintay sa akin. Oo nga't hindi pa ako masyadong maedad ngunit mahina na ang aking katawan. Ikinukwento ko sa libro ang lahat ng nangyari sa akin.

"L-love? Miss ko na yung boses mo, yung yakap mo, yung halik mo at paglalambing. Gusto ko muling maranasan yon. Salamat sa sasandaling panahon na nakasama kita, salamat sa mga oras na inilaan mo sa akin at wala kang sinayang. Till we meet again, I love you Love" matapos kong sabihin iyon, umihip ang hangin. Pakiramdam ko ngayo'y may nakayapos sa akin. Naluha akong muli, hindi nya ko pinababayaan.

Ngunit ilang sandali ay nanlabo ang aking paningin, ang natatandaan ko na lamang ay ang pagtawag sa akin ng aking anak at paghingi nito ng tulong bago tuluyang magdilim ang lahat.

-----

Namulat ako sa isang purong puti na kwarto. 'Patay na ba ko?' . May lumapit sa akin na isang dalaga ngunit hindi ko ito makilala.

"Mom" hinawakan nito ang aking kamay ngunit hinawi ko ang kamay nito.

"Sino ka? Sino kayo? Sino ako?" Sunod sunod na tanong ko.

"T-tita? Eto na po ba? Eto na po ba yung sinasabi nyo? P-pero nung nakaraan po hindi nya rin ako nakilala, ilang sandali lang ay naalala na ako nito. T-tita baka m-maalala nya po ulit tayo t-tita" umiiyak na baling nito sa isang babaeng kasing edad ko lang.

"Eto na nga siguro, tatagan mo ang loob mo Laxia, para ito sa mommy mo" tugon naman ng babae sa kanya.

"S-sino ba kayo?! Aalis na ako! Hindi ko kayo kilala!" Sigaw ko sa mga ito at akmang tatayo ng hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Narito ang mga ito ngunit hindi ko maramdaman at hindi ko maigalaw.

'A-anong nangyari?'

Maya maya'y pumasok ang doktor at kinausap yung babae at dalaga. Hindi ko ito maintindihan ngunit nakita ko kung paanong magbaba ng tingin ang babae at humagulgol ang dalaga.

"Ang kailangan nya po ay suporta at pag intindi ninyo, wag po nating piliting makaalala ang pasyente dahil mas makakalala po ito. The condition of the patient is caused by the accident happened 18 years ago. Sya iyong babae na namatayan ng asawa at ikaw yung sanggol na ipinanganak niya noon tama ba?" Tanong nito sa dalaga na umiiyak na tumango.

'Aksidente,asawa, anak?'

Nakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo kaya't napahiyaw ako sa sakit noon. Agad na lumapit sa akin ang dalaga ngunit sobra talaga ang sakit ng ulo ko. Parang pinipiga ang aking ulo ngunit sa iilang sandali ay nagdilim na muli ang lahat.

----

"Kumain ka na muna Laxia, kanina ka pa dyan sa tabi ng mommy mo. Magpahinga ka na rin muna at matulog" dinig kong sabi ng isang babae.

"No Tita I'm fine. Dito lang po ako sa tabi ni Mommy. Paano po kapag nagising sya habang tulog ako? Gusto ko po paggising nya, ako agad ang makikita nya" dinig ko namang ani ng dalaga.

"P-pano kung habang tulog ako, gumising sya? H-hindi, ayoko matulog. Gusto ko pag dumilat sya, ako ang una nyang makikita" isang tinig naman mula sa aking isip ang aking narinig. Tinig ko iyon ngunit hindi ko alam kung saan at kailan.

Gising ang aking diwa ngunit ang aking katawan ay hindi na. Gusto kong dumilat ngunit ang aking katawan ay ayaw sumunod sa aking kagustuhan. Naririnig ko ang tinig ng isang may edad nang babae at lalaki ngunit hindi ko alam kung sino ang mga ito.

"L-lola, Ilang months na pong tulog si Mommy. Kailan po ba sya gigising? Gigising pa po ba sya?" Umiiyak na ani ng dalaga.

'Ako ba ang pinag uusapan nila? Tsaka ano? Ilang buwan?  Parang kahapon lang ako natulog ah?

"No one knows darling, all we have to do is pray and wait for your mom" lumuluhang sabi ng may edad na babae.

Sa aking pagtulog, napadpad ako sa isang napakagandang lugar. Wala na akong sakit na maramdaman. Isang makisig na lalaki ang  nakatalikod sa gawi ko. Pamilyar ang lalaking ito. Nang humarap ito sa akin ay muli kong nasilayan ang mga matang matagal kong hinintay. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Ilang oras nalang love, magkakasama na tayong muli" sambit nito. Labis ang tuwa at galak ko sa mga sandaling iyon. Niyakap ko ito ng mahigpit.

"L-love, bakit ngayon ka lang? Kaytagal kitang hinintay" lumuluhang sambit ko rito.

"Hindi ka pa dapat sumama sa akin mahal ko, ngunit labis na ang paghihirap mo sa ating mundo, lumingon ka" itinuro nito ang gawing likuran ko kaya't nilingon ko ito.

Nakikita ko ang pag iyak ng aming anak, maging ng aking ama't ina at aking pinsan. Nakita ko rin ang pag asikaso ng mga doktor sa aking katawan. Ang panginginig ng aking katawan at pagtuwid ng linya sa monitor. Nawalan ng malay ang aking ina na agad inalalayan ng aking ama.

Sa ilang sandali ay sementeryo na ang pinakikita roon. Nakangiti na ang aking anak habang kinakausap ang dalawang puntod. Ang isang puntod naka ukit ang pangalan ni La-jo. Habang sa isa ay nakaukit ang isang pangalan na labis kong ikinagulat.

'Ash Maxia D. Mendoza'

Nilingon ko si La-jo na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Ito na ang pagkakataon mahal ko, makakasama mo na akong muli" muli kong nilingon ang isang ulap kung saan nakikita ko ang lahat.

"Magkasama na kayo ni Dad, Mom. Ikamusta mo po ako sa kanya ha?..." Tumulo ang luha nito. "Balang araw, makakasama nyo rin po ako, pero pinapangako ko pong matagal pa iyon. I love you Mom and Dad...till we meet again"

'I love you too, baby...and I'm Sorry for leaving you'

Yun nalang ang nasabi ko bago hawakan ni La-jo ang kamay ko at akayin papasok sa isang liwanag.

'Magkasama na muli kami'


--------

HUHUHUHU NAIIYAK ANG AUTHOR NYO😭

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now