Chapter Seven

6 1 0
                                    

Di pa man ako nakakapasok ng bahay, natanaw ko na ang sasakyan ni Echo malapit sa bahay namin.

'Nakita nya kaya? Aishh e ano naman kung makita nya! Dapat lang para makita nyang di lang sya ang kayang humanap ng iba!'

Bigla ay sumabay na nagpatugtog ng Sana'y di nalang ng bandang lapis ang kapitbahay namin.

'Narinig siguro sakin yon nung pinatugtog ko sa bahay yung kanta, psh gaya gaya'

Kaybilis kong pinanggiliran ng luha at ganon ko rin ito kabilis na pinunasan. Bumaba ito ng sasakyan at sumandal dito, pinagkrus ang kanyang mga braso sa at diretsong tumingin sakin ng walang kaemo emosyon. Bigla ay sumilakbo ang kaba sa aking dibdib at agad akong tumingin sa ibang direksyon.

"P-pumasok ka muna" sabi ko dito at nagpati una nang pumasok sa bahay. Dumiretso na agad ako sa kwarto upang maligo at kumuha ng iilang gamit.

Ang totoo nyan ay hindi ako mahilig sa mga pambabaeng damit. Usually ang sinusuot ko ay mga jeans or jersey shorts na hanggang tuhod at mga loosen t-shirts  kaya naman inaalala ko kung paano ko dadalhin ang mga susuotin ko sa pageant, expose ang mga damit nun panigurado.

'Biyernes na pala bukas, ibig sabihin kasama ang sabado't linggo sa araw na ilalagi ko sa kanila? Debali na nga.'

Bumaba na ako agad at inabutan ko si Echo kausap si Mommy.

"Nagkasakit po kasi si Erica tita, ayaw nya pong magpaasikaso samin, si Max po ang hinahanap nya" sabi ni Echo kay Mommy.

"Naiintindihan ko iyon Hijo, pero sana ay si Erica lang talaga ang dahilan"

"Po?"

"Wala, ang sinasabi ko lang, may girlfriend ka na, kahit ngayon lang, intindihin mo ang naramdaman ni Maxia"

'Pano nalaman ni mommy?'

"Tara na" singit ko sa mga ito dahil ayoko nang may marinig na salita tungkol dito mula sa kanya. "Bye Mom, Uuwi uwi po ako dito araw araw, pero dun ako sa kanila matutulog. I love you" sabi ko dito bago humalik sa pisngi nito. Tumango lang ito sakin at ngumiti na agad kong ginantihan bago tuluyang lumabas ng bahay.

Pagkasakay namin sa sasakyan nito ay naron nanaman ang masamang awrang naramdaman ko kanina sa kanya.

"Si La-Jo, kayo na ba?" Bigla ay tanong nito sakin kaya't gulat ko itong nilingon.

"A-ano bang sinasabi mo?" Namamanghang tanong ko rito.

"Kayo na ba?!" Nagtaas na ito ng boses kaya naman kinabahan akong muli.

"Ano bang pakialam mo?!" Inis nang tanong ko rito.

"Fvck! Hindi ko na kaya!..." Sigaw nito pagkatapos ay dumukdok sa manubela. "I may be look selfish but..." Bigla ay tumingin ito sakin. "...please,love me still and don't move on" sabi nito kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Agad na umusbong ang galit sa akin at mataman syang tiningnan.

"Alam mo? Sobrang gago mo! Tatlong taong naging tayo Jericho, isang taon nga lang yata ang sakin dun dahil dalawang taon na kayong nagkikita ni Hanna!Dalawang taon akong nagtiis sayo kahit nasasaktan mo na ko! Tatlong taon kitang minahal Echo...tatlong taon..." Naluluhang sabi ko dito. "...sobrang gago mo para hilingin sakin yang bagay na yan. Gusto ko nang maalis ang nararamdaman ko sayo, gusto ko nang makalimutan ka,..." Hindi ko na kaya "...gusto ko nang makalimutan na minahal kita dahil sobrang sakit na" Wala na, umiyak nanaman ako sa harap nya, umiyak nanaman ako dahil sa kanya, umiyak nanaman ako sa iisang dahilan.

"I can explain Max please listen..."

"No! I don't want to hear your fvcking lies so please...tama na"

Wala na itong nagawa at pinaandar nalang ang sasakyan nya. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa kanila. Ipinasok na nito ang kanyang sasakyan sa garahe. Bumaba ito para buksan ang pinto ng kotse sa side ko ngunit inunahan ko na ito kaya't wala nanaman itong nagawa kundi bumuntong hininga. Nauna na akong makarating sa pinto ng bahay nila.

"Maxia hija..." salubong sakin ni Tita Clarisse kasabay ng pagbeso nito sakin. "...mabuti at pumayag ka" nag aalangan pang sabi nito.

"Para kay Erica po tita" nakangiti kong tugon dito.

Nakita ko naman ang pagyuko ni Tito at ni Jericho na mukhang nalungkot pa.

"Ate Max?" Napalingon kami sa bumabang si Erica.

"Kamusta ka? Sabi ng kuya mo may sakit ka daw?" Umirap ito at tumingin ng masama sa kuya nya.

"Wala akong sakit ate, I just wanted to be alone. I heard about you and kuya. I'm so dissapointed on him." Muli ay umirap nanaman ito kaya't ako naman ang napatingin ng masama kay Jericho dahilan upang manlaki ang mata nito.

Si Erica ay 2 years younger sa kuya nya which is 17 years old so basically 15 years old na si Erica kaya ang utak nito ay medyo matured na rin.

"S-she said, she's not feeling well?" Walang gana ko itong tiningnan

"Yes I'm not feeling well, but that doesn't mean I'm sick tss..." walang gana pang sagot nito sa kuya nya.

"Edi pwede na pala kong umuwi?" Singit ko sa mga ito.

"Nope" agad na sagot ni Erica.

"Why?" Nakahalukipkip na tanong ko dito.

"Pageant" simpleng sagot nito bago pumasok sa kanyang kwarto at nakuha ko naman agad ito.

Tiningnan ako ng mga naiwan dito na para bang sinasabing sundan ko si Erica kaya naman sumunod ako sa kanila.

"I know you need me about that ate..."  salubong nito pagpasok ko sa kwarto nya. Tiningnan nito ang kabuuan ko, lumapit ito sakin upang hapitin ang maluwag na tshirt ko dahilan para lumabas ang kurba ng katawan ko at nakangiting tumango tango ito. "...you have a perfect body shape, height and intelligence, but confidence is the most important. I think you need more confidence to expose your body."

Magaling si Erica sa bagay na to kaya naman hindi na ako tumanggi pa nang magpresinta itong tulungan ako. Malawak ang kwarto nito kaya pwedeng pwede naming pag aralan dito ang mga dapat kong gawin sa pageant.

"First is dapat may charisma ka. Mataas din ang points for audience impact. Dapat makuha mo ang atensyon nila. Mula sa pagpapakilala, paglakad at sa pagpose, dapat nandon ang self confidence at dapat sakto lang, hindi masyadong OA at mukhang mayabang. Dapat din alam mo kung pano ibabalance ang fierce and smiling face. Ienjoy mo dapat yung moment" pagpapaliwanag nito habang iminumwestra ang mga sinasabi nya.

"Mukha ba kong mayabang?" Inis kong tanong dito kaya't natatawa naman itong tumabi sakin.

"Ayy hindi ba? Hahahaha. I really like you for my Kuya, but I can't blame him for breaking up with you. Mas lalo kang masasaktan kapag itinuloy nyo pa. Pero sana ituring mo pa rin akong little sister mo even though you'll never be together again" nakangiti pa nitong sabi sakin kaya't ngumiti nalang din ako rito.

Yun nalang ang naging usapan namin bago kami nilamon ng antok at natulog na.

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now