Chapter Five

9 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko.

*Echo Calling*

'Ano namang kailangan neto?'

Pinindot ko agad ang answer button at niloudspeak nalang ang phone ko.

"Hello? A-ma? Where are you?"
Dinig kong salita nito sa kabilang linya.

'Hindi si Echo ang kausap ko'

"House, why?" Walang gana ko namang sagot dito.

"This is Laster, we need you here. Nakitawag lang ako kay Jericho dahil nagpresinta syang gamitin ko ang phone nya para matawagan ka, may rehearsal ulit tayo"

"Ang aga naman yata? Tsaka may klase pa diba?"

"Walang klase, may event sa school at nandoon lahat ng teachers. Ipinaalam na rin namin na gagamitin natin ang mga oras na yun para sa rehearsal. At hindi na rin maaga dahil magse-seven na, mabuti at walang klase kundi ay late ka"

Napatingin naman ako sa orasan and it's already 6:40 am.

"Fvck! Bakit hindi nag alarm?! Sige na maliligo na ko bye!" At pinutol ko na ang linya.

Nang matapos akong gumayak ay minadali ko na ang pagkain bago pumasok. Dumiretso agad ako sa PR kung saang kwarto kami nagrehearse kahapon.

"Maxia can we talk?" Biglang tanong sa akin ni Echo na ikinagulat ko.

"I don't have time Echo." Nilagpasan ko na ito bago lumapit kay La-Jo. "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ko dito.

"Hmm wala naman, bakit?" Kunot noong tanong nya.

"Wanna join me out? I wanna have some coffee pero gusto ko sana ng kasama. Ikaw ang naisip kong isama dahil may sense ka namang kausap"

"Kadarating mo palang, gusto mo nang umalis hahahaha"

"Kadarating ko lang kasi, may masamang damo na agad na humarang sa daan ko" tukoy ko kay Echo na mukhang nagets naman ni La-Jo.

"Half day lang daw ngayon sabi ng Dean kaya makakagala gala kayo later but for now, practice na!"

'Kahyper naman netong baklang to'

Nagstart na ang practice at maayos naman ang naging daloy ng practice namin. Nang matapos ang practice ay agad na lumapit sa akin si Echo.

"I hope may time ka na?" Wala na rin akong nagawa at tumango nalang ako sa kanya bago lumapit kay La-jo para magpaalam.

"Hintayin mo ako dyan, may kakausapin lang ako"

"Pupunta muna ko sa Dean's office, babalik nalang ako dyan" sabi ni La-jo kaya tinanguan ko nalang rin ito bago ito lumabas ng PR.

"Tayo nalang naman ang natitira dito, dito na tayo mag usap" muli'y walang gana kong sabi kay Echo.

"Si Erica, may sakit si Erica. Ayaw nyang magpapasok sa kwarto nya ng kahit na sino, ikaw ang hinahanap nya"

Si Erica ay nakababata niyang kapatid. Malapit ito sakin kumpara sa kanyang kuya kaya siguro ako ang hinahanap nya.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko rito.

"Pwede bang...sa bahay ka muna for just one week? Sabay nalang tayong pumasok at umuwi"

'Kinginang tao to'

"Hibang ka ba? Matutulog ako sa inyo?! Alam mo kung ano mo ko Echo. Respeto naman sana."

"Come on Max that's just for Erica. Wag mo munang isipin yung saatin please."

"At yung sabay tayong papasok at uuwi? Para kay Erica rin ba yun?"

"Mapapagod ka kung magpapabalik balik ka pa sa bahay at sa inyo"

"Marami naman akong oras Echo."

"Please Max..." Diretso ang tingin nito habang naghihintay ng sagot ko.

"Fine" walang magawang sagot ko.

"I'll pick you up in your house at exactly 6:00 pm, ako na rin ang magpapaalam kay tita"

Hindi ko na ito pinansin at naupo nalang sa isang tabi nang muli ay lumapit ito sakin.

"Nasan si Hanna? Alam ba ni Hanna na lumalapit ka sakin?"

"Pinatawag sya ni Dean para ibigay ang sched ng mga events sa darating na christmas celebration. I'm sure Hanna will understand my reason. I'm just doing this for my sister"

"Ang pagtabi ba sakin ay para rin sa kapatid mo? Bakit hindi ka pa umalis? Stop making some extra moves that is not needed for your sister"

"Hihintayin ko rin kasi si Hanna dito kaya hindi muna ako aalis"

'Well I don't care'

"Ang laki laki ng kwarto, hindi mo kailangang tumabi sakin" walang gana kong sabi sa kanya.

"Sorry" Sabi nito tsaka lumipat ng ibang pwesto.

I look at him secretly, remembering the first time we talked, we laughed, and we loved each other. I hate it but fvck! I'm crying again, I'm crying again because of the same reason...and same person.

'Bakit kailangang mangyari to? Anong kulang sakin?'

Isang kamay ang humawak sa aking braso upang alalayan akong tumayo at isandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Hindi ko namalayan ang pagdating ni La-Jo at pag alis ni Echo sa iisang kwartong kinalalagyan namin. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanyang dibdib.

'Dibdib nalang nya lagi ang nagiging sandalan ko'

"Seeing you crying because of pain is the most hurtful thing for me. Gusto mo pa bang magcoffee? O kung gusto mo ay sumama ka muna sakin?" Tanong nito sakin ngunit hindi ko magawang sumagot dahil iniisip ko ang kanyang sinabi at nanginginig pa rin ako gawa ng sobrang pag iyak.

Bumuntong hininga ito bago ako inalalayan hanggang marating namin ang parking lot.

"Iwan na muna natin yung kotse mo dito, ipapakuha ko nalang yan mamaya sa tauhan namin para maihatid sa inyo,sa motor ko muna ikaw sumakay"

Hindi na ako sumagot sa kanya at mukhang naunawaan naman nya iyon.
Sumakay ito sa kanyang motor at isinuot ang kanyang helmet bago iniabot sakin ang isa pa.

"Mag-isa ka lang namang nagmomotor, bakit dalawa yung helmet mo?" Takang tanong ko.

"In case na may sumakay sakin. Pero wag kang mag alala, wala pa namang nagsusuot nyan kung maselan ka. Ikaw ang kauna unahang maiaangkas ko dahil ayaw na ayaw ko nang may sumasakay sa motor ko bukod sakin. You should be proud" mayabang na sagot nito sakin habang tumatawa. Napahinto naman ako dahil sa ganda ng kanyang pagkakatawa ngunit nagkunwari akong hindi napansin ito.

"Wow ha? So ang lagay e magpapasalamat pa ko at ipagmamalaking ako palang ang makakasakay dyan?"

"Hahahaha parang...ganun na nga? Hahahahahaha" nawala ang lahat ng dinadamdam ko kanina dahil sa tawa nya.

"E kung mag isa mo nalang ikaw umalis tsk"

"Nako po nagsungit nanaman hahahaha may regla ka?"

Agad akong pinamulahan ng pisngi sa pagkailang.

'Yawang lalaki to, kahapon matino tapos ngayon sinto sinto amputa'

"Manahimik!"

"Oo na oo na Hahaha sumakay ka na" ani pa nito habang nakataas ang dalawang kamay.

Umupo ako sa likod ng nakatagilid nang bigla ako nitong lingunin.

"Gusto mo bang mahulog?" Taka ko muli itong tiningnan.

"Saan?"

"Sakin"

'Anuraw?! Mahulog sa kanya?!

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now