Chapter Thirteen

7 1 0
                                    

Dumaan ang araw ng linggo na puro pang aasar ang ginawa sakin ng pinsan ko. Lunes ngayon, nauna pa itong gumising sakin dahil kailangan daw maaga syang pumunta sa office ng Dean. Nakagayak na rin ako ngayon at kumakain upang magkasabay na kaming pumasok. Mula nung pasukan ay hindi na ako nagsusuot ng uniform kundi kung ano nalang ang magustuhan ko. Hindi kasi ako komportable sa suot ng mga seniors, masyadong maikli ang skirt nito di tulad nung juniors na lagpas ng kaunti sa tuhod. Masyado ring hapit ang blusang kapares nito kumpara sa juniors na tama lang ang sukat para sa magsusuot. Ang suot ko ngayon ay maluwag na Tshirt na kulay puti at may nakalagay na logo ng Alpha Ac. Tinernohan ko ito ng isang itim na pantalon at puting rubber shoes. Simple ngunit napakalakas ng dating para sa akin. Kung ako ay hindi sumusunod sa rule ng school na mag uniform, mas lalo ang pinsan ko dahil Ang suot ng aking Fvcking cousin ay parehas lang sa suot kong maluwag na puting damit pero round neck, itim na pantalon at puting sapatos na may mataas na swelas, mas maliit ito sakin ng kaunti. Tumayo na ito at nag handwash bago bitbitin ang gamit nito,magpaalam at lumabas. Kilala na namin ang ugali ng pinsan kong iyon kaya't nasanay na rin kami. Nagpaalam na rin ako kila mommy na tinanguan at nginitian lang ako. Nang makalabas ako ay inabutan ko pa itong nakasandal nanaman sa kanyang motor.

"Iaangkas mo ba ko?" Nakangiting tanong ko dito.

"Mukha mo" diretsang sagot nito teams mabilis na sumakay sa motor at pinaandar ito kaya wala akong nagawa kundi ilabas sa garahe ang kotse ko. Siyam na taon ako nung una akong natutong magmaneho ng ganitong sasakyan maging ng motor ngunit mas nagustuhan ko ang kotse dahil mas ligtas itong gamitin kumpara sa motor.

Nang marating ko ang parking lot ng school, naabutan ko ang motor ng pinsan ko sa tabi ng pamilyar na motor, kay La-Jo.

"Boo!"

"Ay La-jo!"

"Ang sabi nila, kung ano daw ang masabi mo kapag nagulat ka, yun daw yung nasa isip mo..." Tumingin ito ng diretso sakin saka matunog na ngumisi. "...nasa isip mo pala ko ah? Pwede bang bumaba sa puso?" Bigla ay kumabog nang mabilis ang dibdib ko at para akong tinutunaw sa mga titig at ngiti nito.

"Mamaya mo na harutin yung pinsan ko, magpapasama muna ko" napalingon kaming pareho sa nagmamay ari ng tinig. Walang ganang nakatingin si Rhia sa amin na hindi ko alam kung saan galing.

"Nandito nanaman yang pinsan mong nakakatakot tumingin" bulong sakin ni La-jo.

"Sa tingin ko palang natakot ka na?" Matunog na ngumisi si Rhia bago bumaling sakin.

"Samahan mo ako sa Dean nyo" bagot na sabi nito.

"Bakit ba?" Pataray kong sagot rito.

"Isasama kita para kapag sinita ako sa suot ko ay ihaharap kita sa kanya" bagot muling sabi nito.

"Kayang kaya mo namang lusutan yun bakit isasama mo pa ko?" Inis na tugon ko.

"Hindi mo ba kayang mawalay sandali sa nobyo mo? Magkaklase kayo ulit hindi ba?" Nababahiran na rin ng inis ang tono nito.

'Nobyo?!'

"Hindi ko sya nobyo Eyashie!"

"Anak ng! Kung hindi mo nobyo, edi MAGIGING NOBYO! Wag mo nga akong tawaging ganon! Ang dugyot mo!"

Yun ang tawag sa kanya ng Ex nya. Nabanggit nya ito sa akin nang minsang magkakwentuhan kami bago matulog. Kabod akong hinila nito kaya wala na akong nagawa kundi tingnan si La-jo sa paraang maiintindihan nito.

Nang makarating kami sa office ng Dean, pumasok na si Rhia doon at naiwan ako sa labas kaya tinakasan ko na ito at pumunta na sa room.

'Yari ako mamaya hehe'

"Why are you late Ms. Del Pier?" Taas ang kilay na tanong sakin ng Terror naming adviser.

"Dumaan ho ako sa office Maam" simpleng sagot ko rito.

"At anong ginawa mo ron?" Taas kilay pa ring tanong nito.

"Naglakad ho. Dumaan nga e" kunot noong sagot ko rito kaya malakas na nagtawanan ang mga kaklase ko. Mula pa nung magpasukan ay ganto na ko sa lahat ng teachers kaya naman kabisado na ako ng ilan sa mga guro ko. Hindi ko lang malaman kung bakit itong adviser ko ang hindi makaunawa.

"Maupo ka na nga lang" wala na itong nagawa kaya iyon ang kanyang sinabi bago bumalik muli sa pagsasalita. Naupo ako sa tabi ni La-Jo na ngayon ay sobrang laki ng ngisi sa akin ngunit hindi ko muna ito pinansin.

"Magkakaroon kayo ng reporting for my subject next week at by pair iyon. Kayo na ang bahalang pumili ng makakapares ninyo. Kailangan na nating matapos ang para sa sem na to dahil magki-christmas vacation nanaman" pagsasalita ng guro sa harapan.

Ang halos lahat ay nagsilapitan sakin matapos sabihin iyon upang pilitin akong maging kapares nila. Ngunit nabigla ako ng niyakap ako ni La-jo at humarang sa mga ito.

"Walang ibang pwedeng maging kapareha ang babaeng to kundi ako lang. Akin lang sya" nakasubsob na sabi nito sa balikat ko.

Nambuyo naman ang lahat na animo'y kinikilig. Maski ako ay hindi maiwasang kiligin ngunit pinipigil ko itong mahalata ng lahat.

"Walang masamang ngumiti" nanunuksong bulong ng katabi ko sa akin.

Sa kakulitan, kapilyuhan at kalandian ng lalaking ito ay nakuha na nya ang puso ko. Napatunayan na rin nito ang dapat nitong patunayan sa akin, mula sa pamilya ko, at sa akin mismo. Ngunit inihahanda at kinukondisyon ko pa ang sarili ko sa pagpasok sa panibagong relasyon. Nalalapit na ang kaarawan nito at wala akong maisip na iregalo dahil sa nakikita ko ay walang bagay na hindi nito kayang bilhin.

Nang matapos ang klase ay sabay kaming pumunta ni La-jo sa parking lot. Inabutan ko si Eyashie na nakikipag away sa babaeng nakatalikod sa gawi namin kaya sinenyasan ko ang kasama kong huminto muna.

"Bayaran mo ang nabasag mo sa kotse ko!" Sigaw ng pamilyar na boses na nagmumula sa babaeng nakatalikod. Diretso namang nakatingin dito ang pinsan ko at para bang tamad na tamad sa sitwasyong kinasasadlakan nya ngayon.

"Hindi nga ako ang nakasira ng kotse mo" sagot ng pinsan ko.

"Sinungaling! Ayan na ang ebidensya, magkakaila ka pa!" Sigaw muli ng babae. Itinuturo ang hawak na tubo ng pinsan ko.

"Kung sisirain ko man ang kotse mo, hindi lang ganyan ang aabutan mo. Hindi man nga lang kita kilala para magkaroon ng dahilan na gawan ka ng ganyan"

"Sikat ako dito kaya imposibleng hindi mo ako kilala" matapang na ani ng babae.

"I don't fvcking Care on you pretty girl with dirty mouth and dirty mind"
Nang makita kong napupuno na ang aking pinsan ay tumakbo na akong paharang dito ngunit ang paningin nito ay nasa kaharap pa rin. Nilingon ko ang babaeng kaaway nito at napangisi ako nang makita ko ito.

"Bestfriend" nakangisi kong tawag kay  Hanna.

"Magkakilala kayo? Kaya naman pala ganyan ang ugali nyan e" animo'y natatawang sabi ni Hanna.

"She's my cousin" pagsingit ni Rhia sa usapan namin.

"Who the hell asked?" Pagtataray ni Hanna.

"Just wanna fill your curiosity brah" ang angas ay hindi mawawala sa bawat salita ng pinsan ko. Kung tutuusin, mas nakakatakot itong pinsan ko kumpara sakin. Sayang lang at hindi sila nagtagpo ni Shiya na kaklase na ngayon ni Hanna.

"At sinong nagsabi sayong curiuos ako?" Pilit na tinatago ni Hanna ang pagkapikon.

"Di naman kailangang sabihin, halata na kasi. At para sa kaalaman mo, wala akong ginawa sa kotse mo dahil nakita ko lang tong nakapatong sa motor ko oh salo!" huling sabi ng pinsan ko sabay hagis ng tubo kay Hanna at sumakay na sa motor nya. Natawa naman ako nang hindi maipinta ang mukha ni Hanna.

"Ako nga di mo kaya e, tas kinalaban mo pa yun hahaha" tatawa tawang sabi ko kay Hanna bago hinila si La-Jo pasakay sa aming sasakyan.

'May date kami ngayon bleh!'

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now