Natapos ang lahat ng subjects bago ako pumunta sa room ng rehearsal. Maya maya napatid ako sa nakaharang na tali sa daan kaya't napapikit ako bago humalik ang mukha ko sa tiles ng building. Ngunit hindi iyon ang naramdaman ko, isang matigas na dibdib at mga braso ang agad na pumulupot sakin dahilan para hindi ako bumagsak.
'Mabango ah nahiya tuloy ako sa amoy ko, baka amoy isang buwan na ko'
"Okay ka lang?" Napatayo na ko ng diretso nang magsalita ito. Agad akong napatingin sa kanyang mga mata, para itong kumikinang sa aking paningin.
"Miss, Are you okay?"
Natauhan lang ako nang muli syang magsalita.
'Pesteng mata, pakiramdam ko ay hinihigop ako'
"Ah oo salamat."
"Pasensya na po maam nasaktan po ba kayo?"
Napatingin ako sa nagsalita, siguro ay sila ang nagrerenovate ng parteng ito ng building.
"Ayos lang ho ako"
"Kung wala ako ay hindi magiging ayos yan, you should put some warning sign in both side para hindi nakakadisgrasya or may madisgrasya man ay hindi nyo na kasalanan"
Agad ko namang tiningnan ang lalaking tumulong sakin.
'Napakagwapo at napakaangas tingnan, ngunit higit na inaagaw ng kanyang mga mata ang aking atensyon'
"Opo pasensya na po ulit" yumuko ito at tumalikod na sa amin.
"Saan ba ang punta mo?" Tanong nito sa akin.
"May rehearsal kasi ako for this upcoming pageant on december doon sa ikaapat na room" sabay turo ko sa isang room.
"Tamang tama ako rin, tara sabay na tayo baka mapatid ka nanaman" nahiya naman ako ng kaunti pero sumabay na rin ako.
"Ano palang name mo?" Tanong nya sakin.
Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sakin.
"Maxia!..." Si Hanna pala. Hindi ko magawang magalit sa kanya ng sobra dahil nagmahal lang naman sya. "Oh? Tamang tama magkasama na kayo, siguro ay magkakilala na rin kayo. Pumasok na kayo sa loob para makapagstart na" dugtong pa nya.
'Ano daw?'
"You must be my partner huh? That's great." Biglang salita nitong kasama ko. "Btw I'm Laster Josh Mendoza"
"Nice to meet you, I'm Ash Maxia Del Pier"
"Maxia! La-Jo! Start na!" Sigaw nung bakla sa harapan.
Unang pinarampa ang mga lalaki, ang mga mata ko ay natuon kay Echo na talaga namang sobrang attractive at sobrang galing sa pagrampa.
Ang hubog ng kanyang katawan, ang tindig at ang porma, pungay ng mata, tangos ng ilong at mapupulang mga labi, mapapalingon ka talaga. Kung kami pa siguro at hindi sya nagloko, masasabi kong napakaswerte ko, kaya lang ay hindi na sya akin.
Kasunod ang aking kapareha, kung pagkukumparahin ay mas gwapo at matipuno si La-Jo lalo na kapag tinitigan mo ang kanyang mga mata. Madali kang mahuhulog lalo sa mga tingin nya. At ang paraan ng pagrampa nya, nakakamangha. Kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya ngunit hindi ako, hindi sa panahon na ito at hindi sa sitwasyon ko. Masyado akong nasaktan sa nakaraang karelasyon ko kaya't natatakot na ako muling magmahal.
'Kung mahulog man ako sa kanya, hindi ako sigurado kung ganun din ang mararamdaman nya'
"Okay girls stand up! Kayo na ang susunod"
Pumila na ako sa likod ni Hanna dahil magkasunod kami, pang anim ako sa babae at ganun din si La-Jo sa lalaki.
"Hey number 3! Wag mong masyadong iwagwag ang kamay mo habang lumalakad! Stop nga muna! Tinatamaan mo ang nasa likod at nasa unahan! Bawas puntos yan para iyo kapag di mo yan inayos"
"Pasensya na po"
Napakabigat ng pakiramdam ko,gusto kong pumunta sa isang lugar at umiyak ng umiyak.
"Number 6! Para kang patay maglakad! Ano ba yan?! Ganyan ka bang rarampa sa entablado? Para kang walang kagana gana!"
'Namputsang bakla to'
"Oo patay talaga ko! Patay na patay sayo yiiie..." Nakangiti pang sabi ko sabay "Manahimik ka! Wag mo kong kanaan ng kakaganyan mo at wala ako sa mood baka samain ka sakin" naging seryoso ang aking ekspresyon matapos sabihin yun. Mukhang natakot naman ang bakla kaya hindi na sya sumagot at pinaulit nanaman kami mula umpisa.
Natapos ang pagrampa namin at pinagpahinga muna kami.
"Anong problema? Kanina ka pa wala sa sarili mo?" Tanong sakin ni La-Jo ngunit hindi sa kanya nabaling ang atensyon ko.
Kitang kita ko kung paano gawin ni Hanna ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa. Ang pagpunas ng pawis ni Echo, ang paghalik nya sa pisngi at paghawak sa mga kamay nito.
Ramdam ko ang namumuong luha sa aking mata na anumang oras ay nakahandang bumagsak."Huwag mong tingnan kung nasasaktan ka" nagulat ako sa pagsulpot ni La-Jo sa harapan ko upang maging harang sa aking nakikita.
"Hindi ko alam kung anong kulang sakin. Swerte ako sa lahat ng bagay, sa pamilya at sa kahit saan, pero hindi sa ganitong sitwasyon. Unang beses kong magmahal kaya bago lang sa akin ang lahat, sobrang sakit pala magmahal" at pumatak na nga ang aking luha na agad naman nyang pinunasan.
"Huwag kang umiyak, huwag mong ipakitang sobrang affected ka. Masakit magmahal oo, and at the same time masarap,masarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo at nag aalala." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya kung saan na para bang may naaalalang nakaraan.
"Na-inlove ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Nung bata ako oo, sa isang batang lagi kong nakikitang umiiyak pero hindi ko malapitan dahil mayroon syang kasamang isa pang batang lalaki. Napapanood ko kung paano nya nagagawang patahanin ang babaeng gusto ko hanggang sa nagdesisyon ang mga magulang ko na tumira sa states. Yun na ang huling kita ko sa batang babae na yun. Bata man ako noon, hindi ako naniniwala na kapag bata ka ay wala ka pang alam sa pagmamahal."
'Naalala ko tuloy noong bata ako kung pano ako patahanin ni Echo tuwing umiiyak ako'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.