Isang linggo na kaming di nagpapansinan ni La-Jo dahil sa nangyari. Nagkikita kami sa rehearsal pero di kami nag uusap. Ilang araw nalang din ang natitira sa bago magpageant. Nakauwi na rin ako sa bahay at doon na ko natutulog.
Sa loob ng isang linggo, andaming nangyari, nandyan yung sunod ng sunod saking si Jericho at yung bestfriend kong si Hanna na laging ako ang inaaway dahil sa boyfriend nya.Nandito kami ngayon sa bahay, oo KAMI! Nandito kami sa practice room sa bahay kasama ang isang choreographer para sa talent practice. Hilig ko ang pagsasayaw at pagkanta kaya nagpalagay ako ng kwarto ko para don.
Hindi naman ako galit kay La-jo kaya hindi ko sya kinakausap. Nahihiya kasi ako sa kanya dahil inakusahan ko pa syang may gagawing masama gayong ginusto nya lang palang tulungan ako.
Kasalukuyan kaming nagsasayaw ngayon, may steps na maangas at may steps na sexy ang kilos ng babae. May pagkaintimate ang sayaw pero maangas na version. Gets nyo ko? Pag hindi, pakamatay ka na.
"Anong kilos yan? Ang gagaling magsisayaw pero para kayong ilang na ilang sa isa't isa. Be professional guys, contest ang sasalihan nyo hindi production number sa reunion! Break!"
Napapikit ako sa inis kaya naupo muna ako sa isang gilid para uminom nang lumapit sakin si La-jo.
"Kausapin mo na ko" nakangusong sabi nito kaya natawa ako. "Bat natawa ka? Sabi na nga ba, ako kaligayahan mo e" mayabang na dugtong nito kaya lalo akong natawa dahilan para muli itong ngumuso.
"Sorry nga pala" nahihiyang sabi ko rito.
"Ayos lang, kahit sino naman, ganon ang iisipin sa naging kilos ko hahahaha" natatawang tugon nito.
"Kaligayahan mo ang sarili mo hano?" Natatawang tanong ko rin dito.
"Oo syempre Hahahaha pero kung willing kang maging kaligayahan ko, buong puso ko yung tatanggapin hahaha" imbis na mainis ay natutuwa ako sa kakulitan nito.
"Oh start na ulit!" Biglang singit ng choreo namin.
Naging maayos na ang pagsasayaw namin kaya naman tuwang tuwa ang choreo namin, pakiramdam daw nya ay napakagaling nyang magturo.
Dumating ang araw ng pageant, ang lahat ay naghahanda ng kani kanilang naggagandahang kasuotan. Hindi maitatangging magaganda at gwapo talaga ang mga representative ng iba't ibang section.
"Before we start the pageant, here's Dean Martinez to stand as the prayer leader and also to explain about this pageant Mr. And Ms. Juniors. Alam kong hindi na makapaghintay ang lahat na masilayan ang mga naggagandahan at naggugwapuhang mga estudyanteng mula sa Alphabet Academy na inyo ring kinabibilangan ..." Pagsasalita ng emcee sa stage ngunit di ko na ito pinakinggang mabuti, kahit nang magsalita ang Dean ay hindi rin ako nakikinig. Sumabay lang ako nung magdasal pagkatapos nun ay wala na kong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko.
'Lintek ang kaba ko sa mga sandaling ito'
Maya maya lang ay sinabi na ng Emcee na magsisimula na ang programa kaya't mas lalo akong kinabahan.
"Wag kang kabahan, kasama mo ko." Bigla ay pagsasalita sa gilid ko. "Hello po tita" baling nito kay mommy tapos ay nagmano.
'Wow! Close kayo?'
"Baka matapilok ako sa lintek na heels na to, napagkataas!" Kabado turan ko.
'Ilang araw ko tong pinraktis kaya't sanay na ako rito ngunit dahil sa kaba ko ay baka bigla nalang akong bumulagta sa entablado, nakakahiya pag nagkataon'
"Iwagwag mo ng ganito ang kamay mo..." pinakita nito sakin ang pagwagwag na sinasabi nya. "...pagkatapos ay huminga ka ng malalim at isipin ang purpose ng pagsali dito. Isipin mong nanonood sayo ang mga mahal mo at nakasuporta sila sayo..." Tumingin ito sakin at ngumiti bago muling nagsalita. "...at isipin mo lang ako para maging totoo ang ngiti mo" matamis ang pagkakangiti nito sakin kaya't ginantihan ko nalang rin ito ng matamis na ngiti. Himalang naging normal ang pintig ng puso ko at nawala ang kaba ko dahil sa mga mata at ngiti nito.
Pumunta na ito sa kabilang side ng stage dahil salubong ang magiging set up ng paglakad bago magtagpo sa gitna ang magkapares. Nakikita ko sa kabilang side si La-Jo, gwapong gwapo ito sa kanyang suot na semi formal suit. Semi formal ang unang damit na suot ng bawat kalahok, tulad ko na ang suot ay isang dress na long back at litaw ang likuran pero pa-tube. Gets nyo? Pakamatay ulit pag hindi.
Ngumiti ito sakin biglang pagpapalakas ng loob kaya't ngumiti rin ako rito. Nang matapos sila Hanna at Echo na hindi ko napansin dahil sa ngiti ng malantod ay huminga ako ng malalim bago lumakad nang taas noo at walang kakaba kaba. Agad na naghiyawan ang mga nanonood sa aming paglabas, lamang sa mga naunang pares. Nagngitian kami sa gitna bago ako humawak sa braso nito at sabay na naglakad papunta sa harap. Kita ang dami nang tao sa gymnasium na ito at kitang kita rin ang iba't ibang banner at tarpaulin na hawak ng mga ito. Nang makita ko ang picture ko na may nakalagay pang 'Maxia pakiss' Ay natawa ako bago nagbigay ng isang flying kiss dito. Nang muli ay makarating kami sa gitnang harapan, nagpakilala na kami nang bigla ay hinarap ako ni La-jo at hinalikan sa noo dahilan para lalong magwala ang mga tao. Ngumiti nalang ako rito bago kami naghiwalay ng direkyon pabalik sa likod.
"Nakita ko yun nak yiiie" ang nanay kong maharot kalakas mang asar. Si Daddy ay kasama sa mga special guest sa pageant na to. Nakita ko rin ang pagngiti nya kanina nang makita ako at halata ang pagmamalaki sa kanyang mata na para bang gusto nyang ipagsigawan na 'anak ko yan'.
Nagbihis na kami para sa talent portion. Nakangiti akong pinanonood ang iba't ibang talento ng mga kalaban ko. Mayroong nagsayaw kahit matigas ang baywang, may tumula, umakting, at iba pa. Sila Hanna at Echo ay kumanta. Syempre nagtitilian ang mga tao dahil sa ganda ng mga boses ng mga ito.
'Dati ako ang kasama nyong kumakanta, ngayon, ang isa't isa na'
Ang suot ko ngayon ay isang puting hoodie crop top na napapalooban ng isang itim na sports bra, katerno nito ang itim na jogger at pares ng puting sapatos, habang ang suot ni La-Jo ay full white hoodie at tulad ko ay itim na jogger at white shoes. Nang tawagin ang numero namin, ay kaagad na nagsigawan ang mga tao. Masigla kaming lumabas ni La-Jo at nagtanguan bago magsimulang sumayaw.
Music: Company/ Justin Bieber Remix
Nang matapos ang talent portion, sumunod ang salitan na pagrampa ng babae at lalaki suot ang sports wear. Nang matapos ang sports wear ay isinunod nila ang swim wear na nung una ay hindi ako sang ayon dahil eskwelahan ito ngunit wala na rin akong nagawa. Ganun pa rin, salitan ulit ang babae at lalaki ngunit sa pagkakataon na ito, magkakasalubong kami ni Jericho dahil babae ang naunang lumakad. Litaw na litaw ang ganda ng kanyang katawan dahil sa floral shorts na suot nito at wala itong pang itaas. Ang mga lalaki ay ganun lamang ang suot habang ang mga babae ay 2 piece ang suot pero depende sa amin kung anong kulay ang gusto namin. Sobrang ingay ng gymnasium dahil sa hiyaw ng mga tao rito.
"Napakahot mo Maxia!"
"Shit! First time! Ang sexy pala!"
"Go Maxia! Itaas mo ang bandera ng mga Inagawan!"
'Grabe yung pangatlo ha? Di ko alam kung suporta ba o nang aasar'
Naglalakad na ako pabalik at si La-jo naman ang kasalubong ko. Napakalakas ng dating nito, kung si Jericho ay napakaganda ng katawan, di hamak na mas perpekto at parang detalyadong inukit ang katawan nito.
"Hi sexy" bati nito sakin sabay haplos pisngi ko at tatawa tawang dumiretso ng rampa papunta sa harap.
'Ang abnoy na yun, malantod talaga'
--------
Oh? Wag ka nang manjudge, wala akong kaalam alam sa pageant kaya magbasa ka nalang. -.-
-author
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.