Ilang taon ang nakalipas at ngayon na ang Graduation ng mga college. Kasalukuyan ako ngayong inaayusan ng stylist na kinuha ni mommy. Kailangan daw maganda ako sa graduation ko. Excited ako dahil sa wakas matatapos ko na ang college life.
Nang matapos akong ayusan ay nagbihis na ako at gumayak. Kasama ko si Mom and Dad for awarding as Summa Cum Laude. Pagkarating namin sa school, naroon na rin ang mga estudyanteng magtatapos na tulad ko ay masayang masaya rin.
"Hi Love, napakaganda naman talaga oh" salubong sa akin ni La-jo ng makita kami. Agad din itong bumeso sa magulang ko bago muling bumaling sakin.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko rito dahil sya ang sumunod sa award na nakuha ko, Magna Cum Laude.
"Wala nga e, di ko alam" nakababa ang tingin nito habang sinasabi iyon.
"We insist hijo kami na rin ang sasama sayo sa entablado" nakangiti ang mga magulang ko habang sinasabi ito kay La-jo kaya't napangiti rin ako.
"Salamat po Mommy Pink and Daddy El" masayang sabi nito sa magulang ko.
Pinapila na ang bawat isa ng by section, hilera ang babae at lalaki. Habang kaming may awards ay nasa unahan. Katabi ko ngayon si La-jo na nakangiti at nakatingin sa akin.
"I'm so proud of you, I love you" he mouthed those words to me.
"I love you too" I replied.
Nagsimula na ang seremonya mula sa pagdarasal at pag awit ng pambansang awit. Ngayon naman ay sinimulan na ang pagtawag sa mga estudyante upang bigyan ng diploma, katunayan na sila ay tapos na. Nang awardings naman ay nagsimula sa Cum Laude.
"Mendoza, Laster Josh- Magna Cum Laude"
Nung turn na ni La-jo, tinanguan ko ito bago ito umakyat ng entablado. Kasabay nitong umakyat ang Mommy at Daddy ko kaya naman bakas ang pagtataka sa mata ng mga tao dahil alam ng mga ito na iisa lang ang anak ng mga ito at ako iyon."Before I start, I want to congratulate all the parents and teachers, kundi po dahil sa inyo, wala kami sa entabladong ito. And offcourse, congratulations sa ating lahat na magtatapos ngayong araw na ito. I remember the first time I stepped in this school, from being a transferee, home schooling and a regular. Before, nawalan na ako ng gana simula nang mawala ang pamilya ko, but then naisip ko na mas malulungkot sila kapag hindi ko tinuloy ang pangarap ko. Yes, wala na po akong pamilya but I have my relatives but someone treated me more like family, and that's my girlfriend's parents. I want to thank them for coming with me infront and also for giving me trust to be with their daughter. Hindi ko na po pahahabain pa ito dahil magsasalita pa ang reyna ko, congratulations graduates"
Naghiyawan ang mga tao at ang iba ay nakatingin pa sakin. Nakangiti naman ang mga magulang ko nang ipinapakilala ang mga ito. Ang mga medals and certificates ni La-jo ay hawak hawak nila. Nakakaproud na may boyfriend kang kasama mo sa pag abot ng pangarap. Bumaba na sila mom and dad at ngayon ay iniintay na lang namin ang pagtawag sa pangalan ko.
"Del Pier, Ash Maxia - Summa Cum Laude" napatingin ako sa mga tao ng bigla itong sumigaw ng 'Reyna ni Laster' at napatawa nalang ako. Nakita ko ang ngiti sa mukha ng ex kong Si Echo then I mouthed 'congratulations' to him kaya lukot ang mukha ng girlfriend nito ng makita ako. Inalalayan pa ko ni La-jo sa hagdan ng stage kaya nandun nanaman ang ingay ng kilig sa buong gymnasium.
"Pwede po bang di nalang magsalita?" Bored na tanong ko sa Emcee habang gamit ko pa ang mic dahil talagang tinatamad akong kumuda ngayon. Nagtawanan naman ang mga tao at nasapo ng mga magulang ko ang kanilang noo dahil don. Ang emcee naman ay sinabing kahit konti lang ay magsalita ako.
"At first, di ko talaga inakalang makakakuha ako ng ganito kataas na average, syempre nangongopya lang ako e...de joke lang. Simula ng iwan ako ng unang minahal ko,sinabi ko na talagang pag aaral nalang ang tututukan ko kaya naman gusto kong magpasalamat sa kanya, Jericho Lazaro, thank you boi! Isa pa tong taong to na gusto ko ring pasalamatan dahil naging karamay ko rin naman sya nung oras na namomroblema ako sa mga school works and projects nung high school, thank you Hanna my bestfriend, ingatan mo ex ko ha?..." Sabay irap ko dito, at inirapan nya rin ako kaya nagtawanan nanaman ang mga tao. I know masyadong attitude nanaman ako ngayon pero di ko intensyon na magalit sya dahil wala naman na sakin yung nangyari noon. Actually I'm willing to accept her again if she want me to be her bestfriend for the second time. "...Thank you to all of my teachers and professors and offcourse to my parents. Congratulations graduates" nagbow na ako matapos isuot sakin ang medals, bababa na sana ng itulak ako pabalik ni La-jo sa stage.
"Sakin kahit wala nang thank you love, kahit I love you nalang" gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sinabi nya yun sa mismong mic. "Hindi mo ko sinabi sa speech mo huhu, di mo sinabi na love mo ko, tas di ka nagthank you"
"Laster Josh Mendoza, graduation speech yon hindi wedding vows tsk" natatawang sabi ko rito. Nagulat ako ng bigla nitong iniluhod ang kaliwang tuhod sa harapan ko, may kinuha itong isang box na maliit at kulay red. Naghiyawan naman ang mga tao dahil don. Naluluha ko itong tiningnan ng buksan nito ang box na may lamang isang diamond ring.
"Pasanla?" Umurong ang luha ko dahil sa sinabi nito kaya dinaklot ko ang kwelyo nito at itinayo. Abot ang tawanan ng mga taong nakakakita samin. Ang mga taong kasama naman namin sa entablado ay tatawa tawang inaawat ako at inaalis ang pagkakahawak ko kay La-jo. Inis na inis naman ako rito kaya't halos maiangat ko ito dahil sa higpit ng hawak ko sa kwelyo nito. "O-ouch love joke lang e" binitawan ko na ito at inis na tiningnan. "Parang nagbago na tuloy isip ko" muling sabi nito kaya't agad nanaman akong nainis at akmang susugod nanaman ng iharang nito ang nga kamay. "Eto na, totoo na..." Lumuhod itong muli. "Nung una, duda ko kung ikaw ba talaga yung batang umiiyak lagi sa playground dahil brusko ka na ngayon. Napatunayan ko naman na ikaw nga yon dahil tuwing magkasama tayo, iyak ka ng iyak. Noong makita kita sa playground, sabi ko sa sarili ko 'kapag nagkita tayong muli sa hinaharap at napasakin ka, ikaw na yung pakakasalan ko' at eto akin ka na, hinintay ko talaga yung pagkakataon na masabi ko sa iba na, 'akin tong babaeng to' isa yun sa mga pangarap ko. Ngayong nandito ka sa harap ko, ngayong akin ka na, ngayong ikalimang taon ng ating relasyon, gusto ko nang angkinin ka ng buo at gusto kong dalhin mo na ang apelyido ko, okay lang po ba yun Daddy El?" Tinanong nya iyon sa aking ama na naka thumbs up pa ang dalawang kamay. Si mom naman ay nakayakap kay Dad at kilig na kilig. Ako naman ay hindi ko malaman kung iiyak ba ko o maiinis o kikiligin. "Sa harap ng maraming taong nakatingin sa atin, gusto kong hingin ang iyong mga kamay. Sigurado nang ibibigay ka sa akin ng parents mo, Oo mo nalang ang kailangan ko." Inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang labi upang patigilin sa pagsasalita. Nakangiti ko itong tiningnan bago ako nagsalita.
"Magbigay ka ng isang tanong, oo at yes lang ang sagot ko" nababakas ang tuwa at galak sa mata nito. Tumindig ito ng maayos bago muling nagsalita.
"Ash Maxia Del Pier, Will you marry me?" Nanggigilid na rin ang luha nito habang sinasabi iyon.
"Yes, Laster Josh Mendoza I will marry you" Niyakap ako nito ng mahigpit. Malakas na palakpak at sigawan ang pumapalibot sa buong gymnasium.
"Pengeng shanghai!" Biglang may sumigaw sa gilid ng entablado na hawak ang isa sa mga mikropono.
'Walanghiya ka talaga rhiaaaaa'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Roman pour AdolescentsMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.