Isinara ko ang librong hawak ko matapos kong basahin ang kwentong isinulat ng aking ina. Kwentong sya mismo ang bida. Marahil ay nagtataka kayo kung paanong naisulat ko ang dulong pahinang iyon. Ito ay ibinase ko sa aking panaginip. Ilan taon na rin simula ng mawala sya. Tapos na ako ng kolehiyo, may maganda na rin akong trabaho. Patungo ako ngayon sa puntod ng aking mga magulang.
Laster Josh Mendoza
December 25, 2001 - February 15, 2025Ash Maxia D. Mendoza
March 5, 2002 - October 15, 2043Inilapag ko ang mga bulaklak sa parehong lapida ng mga ito.
"Dad? Mom? I'm happily married now. Sana nandito po kayo no? Sana kayo po yung naghatid sa akin sa altar. I miss you mom and Dad, I hope to see you both soon. Aalis na rin po ako ngayon, hinihintay na po ako ni Jaxia. I will introduce her to you, your granddaughter. Bye Mom and Dad, I love you." Hinalikan ko ang aking kamay bago idikit sa kanilang lapida at tuluyan ko nang nilisan ang lugar.
Pag uwi ko nang bahay, sinalubong agad ako ng aking asawang si Jaricho bitbit ang aming anak na si Lash Jaxia M. Lazaro, anak si Jaricho nina Tita Hanna at Tito Jericho. Nabasa ko sa libro kung ano sila ni Mom, at alam kong masaya na rin si Mom para sa akin at sa kanila. Nasabi pa ni Tita Hanna na loka loka raw talaga si Mom and at the same time seryoso. Masaya kong nilapitan ang mag ama ko at niyakap bago binuhat ang aking anak.
'She really looks like my Mom'
Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Sa mga dumaang araw ay naisip kong, nawalan man ako ng magulang ay hindi ko dapat ito ikawala ng pag asa, mayroon pang magandang bagay na darating sa akin at iyon ang pamilya ko ngayon.
Kapag nga naman tinamaan ka ng malas, ang hirap umilag. Ako si Laxia Jaz D. Mendoza, ang nag iisang anak nila Laster Josh Mendoza at Ash Maxia Del Pier, at ito ang kanilang kwento.
The End
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.