Chapter Ten

4 1 0
                                    

Nang makarampa ang lahat ng sampung pares ay pinabalik kami sa stage at pinahilera para sa pagpili ng top 3 pairs.

"Napakainit naman dyusko" biro ng baklang emcee habang nagpapaypay gamit ang kamay nito kaya naman natawa ang mga nanonood. "So ang criteria natin for judging ay 10 percent for audience impact, 20 percent sa chemistry, 20 percent also for Suits and Dresses and 25 percent sa talent and 25 percent sa question and answer. Goodluck candidates"

'Ganun ba sa pageant?'

"Hawak ko na ang list ng mga napili sa top 3, excited na ba kayong malaman? Sino sa tingin nyo ang mga kasali?" Pagsasalita ng emcee.

Agad na naghiyawan ang mga tao at isinigaw ang numero ng gusto nila. Lamang ang may gusto sa number six kaya naman mas napangiti ako.

"Wag na nating patagalin, our first pair is contestants number..." Ngumiti ito bago muling nagsalita "...contestants number 5" nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao lalo na ang mga estudyanteng mula sa Section B na kinabibilangan nila.

'Kailangan kong makapasok'

"Next is number...3"

Katabi ko ngayon si La-jo, napatingin ako dito at napakalaki pa rin ng pagkakangiti nito sa mga tao kaya't ngumiti nalang rin ako at tumingin sa harap.

"Our 3rd pair is contestants number...sino nga ulit ang gusto nyo?" Tanong pa ng emcee.

"Siiiiiiiiix" sigawan ng mga tao.

"Oh edi 6" biglang sabi ng emcee kaya't nagugulat man ay inalalayan ako ni La-jo paabante at tumabi sa unang dalawang pares. Malawak ang pagngiti ko sa mga tao at nang mabaling ang paningin ko sa aking ama. Proud na proud ang kanyang itsura at talaga namang nagwawala pa sa pagpalakpak kaya naman natawa ako. Habang nagbibihis kami ng formal wear ay napaisip ako.

'Kahit pala iwan ako ng kahit sino, may mga magulang akong nakasuporta at mahal na mahal ako'

"Ang judges natin ang magtatanong sa inyo, here's the bowl and dito nakalagay ang names ng judges. Obvious naman siguro na yung mabubunot nyo ang magtatanong sa inyo? Hahahaha" pagbibiro pa ng emcee kaya't muling natawa ang mga tao.

'Korni naman e bat bentang benta?'

"Unang sasalang ang mga kababaihan. Nga pala, sa q and a, individual ang scoring for boys and girls so hindi ibig sabihin na nanalo ang partner nyo, ay panalo na rin kayo, well actually panalo naman na talaga kayo, ang pinaglalabanan nalang dito ay yung title. So start na tayo kay Ms. Number 5..." Napatingin ako kay Hanna. She's wearing long yellow gown na may slits sa kanang bahagi nito habang offshoulder naman ang itaas nito.

"Ang nabunot mo ay si Mrs. Analisa Martinez, ang butihing maybahay ng inyong dean" napagpalakpakan ang mga tao bago ito magsalita.

"Good afternoon Ms. Number 6 so here's your question...Ano ang kaibigan para sayo?" Napangiti ako ng mapait dahil sa tanong. Iba't iba ang magiging katanungan sa amin kaya naman pinasasalamatan ko iyon dahil sa pagkakataong ito, gusto kong marinig ang sagot ni Hanna. Ngumiti ito at huminga ng malim bago sumagot.

"Ang kaibigan para sakin...ay isang tao na higit na makakaunawa sayo bukod sa iyong pamilya. Sila ang ikalawang taong masasandalan mo sa oras na may problema ka. At sila ang ikalawang taong kaya kang pasayahin kapag malungkot ka. Higit sa lahat, ang kaibigan ay hindi ka iiwan kahit na magkatampuhan kayo o mag away, kasalan man niya, o kasalanan mo."

Gusto kong humalakhak ng tawa sa gusto nyang iparating. Hindi man ito malinaw na naipaliwanag, ngunit naintindihan ko na ang nais nyang sabihin.

'Gusto nyang ituring ko pa rin syang kaibigan kahit na may nagawa sya'

Hinintay kong matapos ang turn ni number 3 pagkatapos ay tinawag na ako ng Emcee.

"Napakaganda nitong batang ito oh. Bumunot ka na sa ating mahiwagang bowl upang malaman na natin kung sino ang magtatanong sayo"

Nang makabunot ako ay iniabot ko sa emcee ang maliit na papel at ngumiting muli sa mga tao.

"Ang nabunot mo ay si Mr. Andrew Ocampo, ayan oh gwapong gwapo"

Tiningnan ko naman ito, gwapo nga at mukhang nasa 20 palang ang edad nito, well 16 na ako turning 17 hmm baka naman, charot!Nakangiti ito sakin bago nagsalita.

"Hi Ms. Number 6, my question for you is, What is more important for you? Frienship or Love?"

'Bakit english yung sakin?...bahala na nga'

"Well love and friendship are connected to each other, for example you love someone as a friend, or you love someone as what they are. But in this case, I got your point. I value friendship more than love kasi yung love? Kahit saan meron nyan e. Pero yung pagkakaibigan? Mahirap humanap ng tunay na kaibigan. Mayroong kaibigan na, lumalapit lang kasi kailangan ka nila pero mahirap hanapin yung kaibigan na lalapit sayo ng kusa kasi kailangan mo sila. I'll relate it to myself, I have this friend na kashare ko sa lahat ng bagay hanggang sa nagkaboyfriend ako. Yes I'm still young but this is very important and painful for me. I don't know na pati pala sa boyfriend ko, kashare ko sya. I'm not saying this to bash them for the people who knows who I am talking about. I'm just saying this to give example to others. They are now together. I'm happy for the both of them but I'm so dissapointed that they chose to betrayed me just to made themselves happy. My point is, real friends are better to be with than fake lovers." Naghiyawan ang mga tao sa loob habang ang iba ay maluha luha pa. Nakakaproud lang dahil hindi man lang ako naiyak sa sinabi ko.

'Nagets kaya nila? Hahahaha

Nang pabalik na ako sa pwesto, nadaanan ko si Hanna na ang sama sama ng tingin sakin. Umangat ang gilid ng aking labi dahil don.

"Woaaaah! Parang ang bibigat ng pinagdadaanan ng mga kandidata natin. So now is men's turn, let's call on the three mr. Candidates for their q and a turn."

Naglakad na papunta sa harap ang mga lalaki at nang malingon ako kay La-Jo ay kumindat pa ito sakin at ngumiti ng nakakaloko.

Pinabunot na agad ng emcee si Echo sa bowl at ang nabunot nito ay ang nabunot ng ikalawang kandidata sa babae kanina.

"My question for you is, What will you choose? A girl with wisdom, or a girl with good manners?" Natuwa ako sa tanong para kay Echo. Kung titingnan kasing mabuti ay para bang tinatanong nito kung si Hanna ba o ako.

"Well, I'd rather choose a girl with good manners because being a good person or having a good manners is natural. Wisdom can be learned but good manners come naturally to us. "

'Yung jowa mo matalino pero walang manners'

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now