"Tita, gagawa daw silang report nung jowa nya" biglang sabi ni Rhia kay mommy pagdating namin sa bahay.
"Waaaaaaaah kayo na? Yiiiie sabi ko na iiih" kinikilig pang sabi ng nanay ko. Nasapo ko ang sariling noo dahil don.
"Mom hindi ko pa sya sinasagot"
"Mommy pink, hindi 'pa' daw po so may balak po sya" pagsingit ni La-jo sa usapan. Inismiran ko naman ito dahil don.
"Can't wait for you to be part of our family hijo" nakangiting dagdag naman ni Daddy.
"Ako din po Daddy El" sagot muli ni La-jo.
"Sana all" pabuntong hiningang pagsasalita ni Rhia bago naunang pumunta sa kwarto para magbihis.
'Lakas mag sana all e sya naman umiwan sa jowa nya'
"Magbibihis muna ko sandali, hintayin mo ko dyan sabay tayong pupunta sa study room" pagpapaalam ko kay La-jo.
"Pwedeng sumama?" Nakakaloko ang ngiti ni La-jo at tumataas taas pa ang kilay habang sinasabi iyon kaya't tinampal ko ang braso nito. Tatawa tawa naman ito kaya iniwan ko na muna sya sa sala.
Pagpasok ko ng kwarto, inabutan kong nakadapa sa kama ko ang pinsan ko at natutulog. Agad akong nagbihis at kinuha ang laptop bago binalikan si La-jo sa sala.
"Tara na" tumayo ito at sumunod sakin papunta sa study room. Binuksan ko ang ilaw at aircon dito.
"Kinausap ako kanina ng adviser natin kanina about sa magiging topic. It should be related to the reporters" biglang sabi ni La-jo. Kung tutuusin ay matalino rin ito ngunit ayoko namang iasa lang sa kanya ang report.
"What will be our topic then?" Tanong ko habang nagseset ng powerpoint sa laptop.
"Pandemic" sagot naman nito na ikinalingon ko.
"Pandemic? What about pandemic?" Takang tanong ko.
"The reports should be related to us tsaka ang sabi e mga naging problema ng bansa"
"Pano mo naman nasabing related satin yun?" Taas kilay kong tanong dito
"That has happened over the last two years, I was infected by that time. Tumagal siguro ako ng anim na buwan sa ospital na ang kasama ko lang mga tauhan namin" pagkukwento nito.
"Buti buhay ka pa?" Pabirong tanong ko dito.
"Syempre siyam ang buhay ko e hahaha pati ikaw buhay din kita kaya bale sampu na buhay ko" abot tenga pa ang ngiti nito sa akin kaya kinunutan ko naman ito ng noo.
"Kung pang sampu ako, sino yung siyam ha? Hindi pa man tayo may iba ka na!" Tinalikuran ko ito dahil totoong naiinis ako. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa baywang ko mula sa likod ngunit di ko pa rin ito nilingon at itinutok ang sariling mata sa laptop. Ipinatong nito sa kaliwang balikat ko ang baba nya saka hinalik-halikan ang pisngi ko.
"Hindi naman kasi yun ibig ko sabihin e, ang sakin lang isa ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamalaking porsyento ng buhay ko na talagang ikakamatay ko pag nawala" nakangusong bulong nito sa akin. Pigil ang ngiti ko habang itinutuon ko pa rin ang mata sa laptop.
"Uyy pansinin mo na ko" pagkukulit pa nito sakin. Nilingon ko na ito at tinitigan, hinalikan ko ng dampi ang labi nito bago sya iniwan at dumiretso ng kusina para kumuha ng tubig. Ito ang unang beses na gawin ko iyon, at talaga namang sobra ang kabog ng dibdib ko ngunit pakiramdam mo may kulang...
'Kulang ng label'
Patakbo akong bumalik sa study room at dinalhan din ito ng tubig. Inabutan ko itong nakatulala at nakangiti sa kawalan habang hawak ang kanyang labi. Tinapik ko ang balikat nito bago binigay ang tubig sa kanya.
"Sinasagot mo na ba ko?" Bigla ay tanong nito kaya natawa naman ako.
"Report muna bago yan haha" sagot ko rito bago muling tinuon sa laptop ang atensyon ko. Maya maya ay may kumatok sa pinto kaya't tumayo ako para buksan ito.
"Oh anak magmeryenda muna kayo, pinagbake ko kayo ng cookies, pinanood ko pa yan sa youtube kanina para sa inyo hihi" masayang pagkukwento ni mommy.
"Thanks mom" nakangiti ko ring sabi dito.
"Thank you po mommy pink" pagsingit ni La-jo sa amin.
"Naku walang anuman manugang hihi just call me pag may kailangan kayo ha" bumaling sa akin si mommy pagkatapos magsalita kay La-jo. Isinara ko nang muli ang pinto ng makaalis si mommy bago bumalik sa aking upuan.
"So like what I've said, related naman na siguro yun? Hindi ka ba naapektuhan sa nangyari noon?" Seryosong ani nito habang nakatingin sa laptop.
"Sobrang laki ng apekto nun kahit kanino, lalo na sa talagang tinamaan nung sakit gaya mo. Lumayo ka nga sakin baka may natira ka pang virus dyan hahahahaha" tatawa tawang sabi ko rito ngunit unti unting nawala ang ngiti ko nang makitang seryoso ito.
"Hindi biro ang pinagdaanan ko noon kaya di mo kailangang tumawa dyan, ako ngang may pera nahirapan e pano pa yung iba na hindi katulad ng estado ng pamumuhay natin?" Maluha luha pa ito habang sinasabi yon kaya pinitik ko ang noo nito.
"Noob! Kahina mo umintindi..." Mariin ko itong tinitigan bago muling nagsalita. "...Hindi ko pinagtatawanan yung pinagdaanan mo, natatawa ko kasi inaasar kita...basta hindi ko pinagtatawanan yung pinagdaanan mo, siguro masaya lang ako kaya ako nagawa kong tumawa kasi nandito ka ngayon at kaharap ko" pagpapaliwanag ko rito kahit alam kong magulo ang sinasabi ko.
"Hindi naman lahat ng tumatawa, masaya" nakangusong ani nito.
"Ngunit hindi sa tulad ko..." Seryoso ko na itong tiningnan. "Mapapatawa mo lang ako kapag masaya ako" nagulat ako ng bigla itong ngumiti ng nakakaloko.
"Sabi ko na nga ba magiging kaligayahan mo rin ako e" bigla itong yumakap sa akin at pinupog ako ng halik sa pisngi.
"Yak! Laway!" Nandidiri kunwaring sabi ko sabay punas sa parte ng pisnging hinalikan nya.
"Hoy anong yak? Laway ko lang yan uy! Kaya ko ngang dilaan yung laway mo sa parteng ibaba" kumagat labi pa ito at tiningnan ako mula paa paakyat sa mukha bago kumindat sakin. Agad naman na namilog ang mga mata ko at tinulak ito papalayo sa akin kaya tatawa tawa syang bumaling muli sa laptop. Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ngunit di ko alam ang dahilan. Malapit na ring matapos ang presentation ng report namin kaya't hinintay ko na lamang itong matapos. Nanatili akong iniisip ang sinabi nito.
'Manyakiiiiis'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.