Today is December 31 mamaya lang ay new year nanaman, La-jo is on his mansion but he said he will come later at dito na sya magnunew year kasama ko. I still can't forget what happened on his birthday celebration.
"Tonight is a very special night, not because it's my birthday but because this is a very blessed day for me. I really prayed for this day to happen, Merry Christmas to all of you. I know all of us will be very happy if we received a gift we want and also if we reached our goals and dreams"
Kumikinang ang kanyang mata habang sinasabi ito. Sobrang saya nya at kitang kita ito sa kanya.
"But no one can beat my happiness tonight. My dream girl, my crush, the love of my life, and my inspiration for all things is now, my official girlfriend"
Bumaba ito ng mini stage at inilahad ang kamay sa akin bago ako inakay paakyat doon. Malakas na palakpakan at hiyawan ang pumapalibot sa aming kinalulugaran. Ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ka ng taong mahal mo hindi lang sa ibang tao kundi sa pamilya at kaanak nito. Ngunit mas masarap sa pakiramdam na tanggap ako ng pamilya nito at walang humadlang sa amin.
"Woooooooh Sa wakas! Binata na rin si LJ hindi na sya dalaga! Parang kanina lang nag aaway kayo tapos ngayon kayo na! Sana all!" Sigaw ni Jen at nagtawanan naman ang mga tao.
"Pasalamat ka good mood ako ngayon" nakangiting sagot ni La-jo sa pinsan.
"Thank you!" Sagot muli ni Jen at dumila pa. Napuno ng tawanan ang lugar dahil sa pag aasaran ng magpinsan.
"Wala ka kasing boyfriend e" balik na asar ni La-jo.
"Syempre study first" magkakrus ang braso sa dibdib na sagot naman ni Jen.
"Mukha mo study first, wala ka lang kamong manliligaw" tumatawang balik ni La-jo.
"Mommy si LJ namemersonal na oh babanatan ko yan" nakangusong sabi ni Jen kaya mas lalong nagtawanan ang mga tao pati ako. Hinalikan ako ni La-jo sa noo bago yakapin ng mahigpit sa harap ng mga relatives nito.
"Oh anak? Bakit di ka pa nakabihis? Isuot mo yung pink dress na polka dots na ibinili ko sayo nung isang araw okay?" Excited na sabi ni mommy kaya natatawa akong tumango.
Naligo na ako at nagbihis tsaka nag ayos ng aking mukha. Nagcurl ako ng konti sa mahaba kong buhok at nagsuot ng flat sandals. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa garden. Inabutan ko si La-jo na tinutulungan si Daddy mag ihaw ng barbeque. Nang makita ako nito ay nakangiti itong lumapit sa akin bago ako halikan sa pisngi.
"Hi Love, you're very beautiful" sabi nito saka kumindat sa akin.
"Masyado ka kasing gwapo para sakin kaya kailangan kong magpaganda"
"No. You are beautiful kahit pa di ka mag ayos. Well mas gusto ko pa ngang pangit ka e para walang ibang titingin sayo" sabi nito kaya napangiti ako.
"Ang ganda naman ng prinsesa ko" biglang bati ni Daddy at humalik din sa pisngi ko.
"Syempre maganda ang nanay e, Hello honey" bati din ni Mom at nginitian lamang ako ng nakakaloko sabay tingin kay La-jo at baling muli sakin. Sinuklian ko rin ito ng ngiti bago muling hinarap si La-jo.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko rito.
"Hindi pa, nagmamadali akong umalis ng bahay e actually kagigising ko lang nung gumayak ako" sabi nito.
"Tara kumain ka muna" hinawakan ko ang kamay nito at hinila papunta ng kusina. Nagluto ako ng ulam na menudo kanina para sa tanghalian. Kumain na rin sina Mom and Dad. Mabuti nalang at di pa ko kumain kaya masasabayan ko ang gwapong nilalang na ito.
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.