Kasalukuyan kaming bumabiyahe na hindi ko alam kung saan ang pupuntahan. Nakaupo ako sa paraan kung paano rin ang pagkakaupo nito, iniisip ang tungkol sa sinabi nito kanina.
"Gusto mo bang mahulog?"
"Saan?"
"Sakin"
"Ha?"
"Wala. Kulang sa balanse ang pagkakaupo mo, mahuhulog ka dyan, depende kung yayakap ka sakin safe ka hahahaha" at ayun nanaman ang tawa nyang nakakaakit tingnan.
"Tss. You wish" at sumakay na ako sa likod ng motor nito.
'Kaagang lumandi ng lalaking ito tsk!'
"A-ma nandito na tayo" hindi ko namalayan ang paghinto namin sa isang napakagandang lugar.
Mukha itong parke ngunit walang mga upuan kundi puro damo lang. Siguro ay maraming nagpipicnic dito sa umaga. Maganda rin itong puntahan ng mga taong mahihilig sa tahimik na lugar tulad ko. Nakakarelax at sariwang sariwa ang hangin dahil sa mga puno.
"Anong lugar to?" Manghang tanong ko dito.
"Hindi ko rin alam" nilingon ko ito ng puno ng pagtataka. "Hmm. Hindi ko alam kung anong lugar ito. Basta ko nalang itong napuntahan nung araw na binawi sakin ang mga mahal ko sa buhay." Pagpapatuloy nito.
Lumungkot ang kanyang mga mata at napatingin ito sa malayo. Tila ba inaalala ang araw na kanyang tinuran.
"Sorry" napapahiya kong sabi.
Natatawa itong lumingon sa akin na ipinagtaka ko nanaman.
"Bakit ka nagsosorry? Ikaw ba ang bumawi sa kanila? Hahahahaha"
"Kanina ka pa tawa ng tawa ah gusto mo na bang mag asawa?" Inis kong tanong dito bago umiwas ng tingin.
"Hindi pa ko handa Hahahaha at hindi pa handa ang mapapangasawa ko" napatingin ako dito at ganun nalang ang gulat ko nang makitang nakangiti ito ng pagkatamis tamis sakin kaya't sinamaan ko ito ng tingin.
"Hahahaha biro lang"
Natahimik ang paligid ng walang umimik sa aming dalawa. Muli ay napaisip nanaman ako tungkol sa aking nakaraan.
"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang batang lalaki sa akin.
"Pinagalitan kasi ako ni Mommy huhu hindi nya ko love" umiiyak kong sagot dito.
"Love ka nya, baka may nagawa ka lang mali kaya itinatama ka nya" Paliwanag nito sakin.
"Talaga?"
"Oo kaya wag ka nang umiyak, Nga pala ako si Jericho pero Echo ang tawag nila sakin" nakangiting pakilala niya sakin.
"Ako naman si Maxia, Max ang tawag nila sakin" ngumiti din ako dito.
"Mula ngayon, hindi na ako papayag na umiiyak ka sa kahit na anong dahilan. Ako ang magpapatahan sayo." Sabi pa nito.
Hindi ko nanaman namalayan ang luha kong nag uunahan sa pagbagsak. At mas lalong hindi ko nalamayan ang mga daliri nitong pinupunasan ang mga luhang umaagos sa aking pisngi.
'Ang taong nagsabing, hindi papayag na umiyak ako ay sya pa mismong dahilan ng pag iyak ko. Ang ipinangako nitong pagpapatahan sa akin kapag ako'y lumuluha, ibang tao ang tumutupad at gumagawa'
"Hanggang kailan ka ba iiyak? Maibabalik ba ng pag iyak mo ang taong dahilan nito?" Kunot noong tanong nito sakin.
"Hindi. Ngunit ito lang ang tanging paraan ko upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko."
"Ang umiyak ng minsan ay normal lang. Ngunit ang pag iyak ng madalas ay makakasama sayo kaya't hangga't kaya mong libangin ang sarili mo, gawin mo dahil ikaw lang din ang makakatulong sayo."
"Bakit? Naranasan mo na bang masaktan?" Inis nang tanong ko rito dahil para bang kay dali lang gawin ng mga sinasabi nya.
"Sobra pa sa sakit na nararamdaman mo" muling lumungkot ang kanyang mga mata. "Wala nang mas sasakit pa na ang perpekto at inaasam ng iba na masayang pamilya, ay mawawala nalang ng isang bigla." Pumatak ang luha sa mga mata nito. Nakonsensya naman ako tungkol sa sinabi ko kanina.
"Pasensya na. Hindi ko alam"
Tiningnan nya lang ako bago muling nagsalita.
"Limang taon na ang nakakaraan mula nang mawala ang pamilya ko, labin dalawang taong gulang ako noon. Dumalo kami sa isang selebrasyon ng pista sa isang bayan sa Bulacan. Maayos ang takbo ng lahat ngunit habang nasa selebrasyon kami, nagpasya ang aking ama na umuwi na dahil mayroon pa rin daw silang aasikasuhin ng aking ina ngunit pinigilan ko sila at sinabing ako na muna ang aasikaso doon. Sila kasi ang isa sa mga importanteng tao sa pistang iyon. Pag kauwi ko ng bahay, may tumawag saking tao mula sa Bulacan. Sinabing may naganap na pagsabog sa mismong lugar kung saan ginanap ang selebrasyon at sinabing..." Gumaralgal na ang boses nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...kasama sa mga namatay ang mga magulang ko. Kung alam ko lang na mangyayari yon, sana ay hinayaan ko nalang na makauwi kami. Sana hindi ko nalang sila iniwan don edi sana..." Tuloy pa rin ito sa pag luha kaya't hinagod ko ang likuran nito bilang pagdamay. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak kaya't hindi ko alam ang gagawin. "...sana buhay pa sila hanggang ngayon" mas lalong napuno ng konsensya ang puso ko. Akala ko'y napakalaki na ng aking problema ngunit di ko akalaing may mas malala pa pala doon.
"Sorry, masyado lang siguro akong nakafocus sa sarili ko. Hindi ko naisip na may problema pa palang higit na mas malaki kaysa sa problema ko. Pasensya na, walang wala ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman mo"
Naiiyak ako sa takot na baka magalit ito sakin. Natatakot ako na ang iisang taong nalalapitan ko ay lumayo dahil sa kawalan ko ng pag alala sa iba.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Gusto ko lang buksan ang isip mo na hindi porke may pinoproblema ka, ay dapat mo na iyong pag tuunan ng pansin. Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo. Ito na ang huling beses na iiyak ka dahil sa lalaking yun..." Napangiti ako dahil sa sinabi nito. "...at ito na rin ang simula nang pagngiti mo dahil sakin" at sumilay ang nakakalokong ngisi nito sa kanyang labi kasabay ng pagkindat nito sakin.
'Minamaligno ata tong lalaki na to e, dapat na ba kong tumakbo?'
"Hahahaha Tumayo ka na dyan at ihahatid na kita sa inyo" sabi nito at inilahad ang kanyang kamay sa akin upang maging alalay sa pagtayo.
Inabot ko ito at nagpagpag na rin ng aking suot bago kami tumungo sa lugar ng kanyang motor.
****
Nang makarating kami sa bahay, hinubad ko na ang helmet at iniabot sa kanya. Nakita ko na rin sa garahe ang aking sasakyan.
"Salamat." Sabi ko rito ngunit lumapit ito sakin at hinalikan ang aking noo na ikinagulat ko.
"Mauuna na ko" nakangiting pagpapaalam nito sakin bago umalis. Napahawak ako sa aking dibdib dahil animo akong hinihingal sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
'Anong ibig sabihin nito?'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.