Maaga akong nagising kinabukasan, marahil ay namamahay ako. Tulog pa si Erica kaya naman naligo na ko at gumayak para pumasok. Pagkababa ko sa dining area, inabutan ko nang nag aalmusal sila tito at tita.
'Wala pa si Jericho'
"Good morning everyone"
'Speaking of the cheater tss'
"Good morning son, Oh, good morning hija" bati ni Tito sa kanya at sa akin ng makita ako nito.
"Good morning po" nakangiting bati ko sa kanila.
"Halika na't nang makakain kayo bago pumasok" aya ni Tita sa akin.
"Nako tita, sa school nalang po ako kakain hehe may kailangan pa po kasi akong gawin sa..." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Jericho.
"Sumabay ka na, para tuloy tuloy yung kung ano mang gagawin mo sa school, di ka rin naman makakaalis dahil walang dumadaang taxi dyan, wala kang magagawa kundi sumabay sakin" mahabang litanya nito. Sasagot na sana ko ng biglang nagsalita ang ama nito.
"Sige na hija, nasa pangangalaga ka namin ngayon, baka kung anong mangyari sayo sa daan"
Wala na rin akong nagawa kundi umupo sa harap ng hapag para kumain. Kung kami pa siguro ay masasabi kong napakaswerte ko dahil nakakasabay kong kumain ang pamilya ng mahal ko dahil alam kong maraming babae ang gustong maranasan ang ganito, yung tanggap ka ng pamilya ng mahal mo at itinuturing kang kaisa nito. Tahimik lang akong kumakain ng bigla ay magsalita si Tito.
"Hindi ba't nobya mo ngayon ang anak ni Mr. Anthony Villegas?" Tanong nito kay Jericho,siniko naman ito ng mahina na para bang nahihiya sa presensya ko dahil sa sinabi ng asawa.
'Si Hanna'
Nag aalangan pa akong tiningnan ni Jericho bago sagutin ang tanong ng Ama.
"Y-yes Dad. B-bakit po?" Balik na tanong nito sa ama.
"2 years ago, pabagsak na ang kumpanya natin pero unti unti itong umangat sa tulong ng mga Villegas na syang kalaban ng ating kumpanya. Hindi ko malaman ang dahilan, nobya mo ang kanilang anak kaya naman kung maaari ay baka may nalalaman sya tungkol dito, hindi nyo ba napag uusapan ang tungkol sa bagay na iyon?" Napalingon ako at nakita ko kung panong napalunok si Jericho sa tanong ng kanyang ama.
"H-hindi po Dad, sa tingin ko po ay wala syang alam pagdating sa kumpanya ng Daddy nya" iwas ang tinging sagot nito sa Ama.
"Pumasok na kayong dalawa at baka mahuli kayo sa klase" pagsingit ni Tita sa usapan na kanina pa napapapikit at tila hindi alam ang gagawin sa mag amang nag uusap sa harapan namin.
Tumayo na ako upang bitbitin ang gamit ko, ganun din si Jericho bago lumapit at humalik sa mga magulang nito.
"Pasensya na hija" bulong sakin ng ina nito ngunit nginitian ko nalang ito na parang sinasabing ayos lang.
Sumakay na kami ng kotse ni Echo at tahimik na binagtas ang daan papunta sa ekwelahan. Nang makarating kami at makababa, hindi nakaligtas sa mga mata ng mga ususero't ususera ang pagkakataong magkasama kaming muli ni Echo.
'Sila ba ulit?'
'Nagsusulutan nalang yung magkaibigan na yun'
'Ano ka ba? Syempre magkaibigan yon, malamang na iisa ang ugali'
"Susungalngalin ko yang bunganga nyo pag di kayo tumigil" inis kong singal sa mga ito.
"At bakit kayo magkasama?" Dinig ko ang boses ng aking matalik na kaibigan sa likuran. Sa iilang araw na hindi na kami nagkakausap ay lumalabas na ang tapang na sa akin nya rin naman nakuha.
"Ask him" sagot ko rito. Lalakad na sana ako palayo ng bigla itong nagsalita.
"Wag ko lang malalaman na inaagaw mo pa sya sakin Maxia dahil magkakamatayan tayo" bahagya akong natawa sa tinuran nito bago sila hinarap.
"Wag kang mag alala, hindi ko naman ugaling kainin ang sinuka ko na. Hindi ko rin ugaling pulutin ang tinapon ko na, at mas lalong hindi ko ugaling agawin ang akin naman talaga pero kung gusto mo, sayo na. Nakakahiya kasi para sayo kung kukunin ko pa ulit yung taong inagaw mo, you know? Sayang sa effort." Mahabang sabi ko bago iniwang nakanganga ang dalawa.
'Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang original'
Naglalakad na ako papasok. Iniisip ko lang, mali pala ang pagpapakilala ko ng aking matalik na kaibigan sa inyo. Bruha pala sya at hindi kami magkaugali dahil walang wala sya sa katwiran kumana tsk. Hindi rin kami same standard dahil mas mataas ang standard ng pagkatao ko kaysa sa kanya.
'Sya nang nang agaw, sya pa matapang tss mabait lang pala nung umpisa, akala ko naman nagpapakababa'
"Nakasimangot ka nalang palagi, parang ikaw lang ang nagmamay ari ng lahat ng sama ng loob" nagulat ako nang biglang may kumanta sa gilid ko.
'Ang malantod'
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko nang makitang nanggaling ito sa tambayan kung saan naghihintay ang ibang estudyante ng kanilang sundo kapag uwian.
"Hinihintay ka" malawak ang pagkakangiting sabi nito sakin habang pumipikit pikit pa.
Kung good mood sana ako magagawa kong matawa sa kanya kaso ayaw makisama ng katawan ko sa tunay na reaksyon ko kaya naman sumeryoso ang kanyang mukha ng makitang wala akong reaksyon dito. Inunahan ko na itong maglakad nang bigla itong magsalita.
"Kaya naman pala ang init ng ulo e" laking gulat ko ng may yumakap sa baywang ko sa likuran at tinutulak ako papalakad.
"H-hoy! Ano ba ba't yumayakap ka dyan?!" Tanong ko dahil sa dami ng matang nakatingin samin.
"Pwede bang magpasalamat ka nalang?" Inis pang tanong nito.
"Dapat ko bang ipagpasalamat ang pananyansing mo sakin ha?!" Iritableng tanong ko rin.
"Hoy babaeng iyakin, pagtulong ang tawag dyan hindi pananyansing! Oh!" Sabi nito pagtapos ay binitawan ako sa isang lugar.
"T-teka? Cr ng babae to ah? Anong gagawin mo ha? Sinasabi ko na nga ba at may masama kang balak sakin e!" Pinaghahampas ko ito sa sobrang inis.
"Pwede ba? Wag kang sumigaw? Baka kung anong isipin nilang ginagawa ko sayo" sabi naman nito habang sinasalo ang mga hampas ko.
"At bakit?! Diba yun naman talaga ang dahilan?! May gagawin ka sakin!" Naiiyak ko nang sabi rito.
"What?! No! Tsaka pwede ba wag kang umiyak dyan. Ginagawa ko yun kasi..." Lumingon ito sa ibang direksyon, tila hindi maisatinig ang gusto nyang sabihin.
"Ano? Bakit di mo ituloy? Tama ako? May gagawin kang masama!" Paniniguro ko rito.
"Blood stains" simpleng salita nito ngunit iwas pa rin ang tingin.
"Anong---?" Napahinto ako sa pagsasalita nang marealize ko yung sinabi nya.
'Blood? Dugo?...REGLA!!!! Shit! Why now?!'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.