MATURED CONTENT
Eto na ang araw na aking hinihintay, ang araw na pinakaimportante sa kahit na sino, ang araw na magiging kaisa ko nang dibdib ang aking minamahal. Labing isang buwan o kulang isang taon ang itinagal ng pagpaplano namin bago dumating ang araw na ito.
"Are you ready honey?" Maiyak iyak ngunit nakangiting tanong sa akin ng aking ina.
"Yes I'm ready Mom, and I also excited but...Are you ready Mom?" Nanggigilid rin ang aking luha habang sinasabi yon.
"Nag-iisa ka naming anak ng Daddy mo, offcourse we're still not ready for this. Malalayo ka na samin, but I'm happy because you are now on a right person. He can take care of you more than we took care about you. I love you so much, honey" emosyonal ako nitong niyakap. Lumapit din si Daddy sa amin at yumakap tsaka bumulong sa akin ng... "We love you my princess" at hinalikan ako sa noo.
"I love you more, mom and dad" sagot ko rito.
Maya maya ay dumating na ang sasakyan na maghahatid sa amin sa simbahan. I'm wearing a ball gown lace open back scoop cap sleeves chapel train beading wedding dress (photo in multimedia). Nakaalalay sila mom and dad sa haba ng gown. Nang makasakay sa sasakyan ay kumabog ang aking dibdib sa kaba. Ilang minuto din ang tinagal ng biyahe bago marating ang simbahan. Nanatili ako sa loob ng sasakyan habang hindi pa nagsisimula ang seremonya.
Nang isara na ang pinto ng simbahan ay ito na ang naging hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Pinapuwesto sa harap ng nakasaradong pinto habang nasa magkabilang gilid ko naman ang mga magulang ko. Nakangiti ang mga ito, bagaman emosyonal ay ramdam mo ang saya sa mga ito. Nang buksan ang pinto, bumungad sakin ang nakangiting mga mukha ng mga tao at ang ngiti ng lalaking minamahal ko na naghihintay sa akin sa harap ng altar. Nagsimula na kaming lumakad, kabi kabilang ilaw ng camera ang sumasalubong sa amin. Nagsimula nang manggilid ang luha ko sa saya. Nang malapit na kami ay bumaba ng kaunti si La-jo para abutin ang aking kamay sa aking mga magulang.
"Please love our daughter more than how much we love her" sambit ng aking ama bago iabot ang aking kamay kay La-jo.
"I will" nakangiting sagot nito sa aking ama bago pumwesto sa gilid ang mga magulang ko.
Nakangiti si La-jo sa akin bago alalayan papunta sa harap ng altar. Ilang segundo lamang ay lumabas na ang pari at sinimulan na ang kasal.
"Bago tayo magsimula, may tumututol ba sa kasalang ito?" Tanong ng pari ngunit wala ang sagot ng mga tao.
----
"I, Laster Josh Mendoza, promise to you Ash Maxia Del Pier that my love and my loyalty will weather the storms of life, I take you to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow and forever. I will trust and respect you. I will laugh with you and cry with you. I will love you faithfully and unconditionally through the best and the worst, the difficult and the easy, whatever may come, I promise I will always be there for you." Isinuot nito sakin ang singsing bago punasan ang kanyang luha kaya natawa ako ng malakas. Nang makita kong seryosong nakatingin ang lahat ay biglang sumeryoso ang mukha ko, ngunit maya maya ay nagtawanan ang mga bisita kaya lalong lumukot ang aking mukha. "Smile love" sabi ni La-jo kaya't ngumiti ako.
"I, Ash Maxia Del Pier, promise to you Laster Josh Mendoza, that my love and my loyalty will weather the storms of life. I take you to be my husband, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow and forever. I will trust and respect you. I will laugh with you and cry with you. I will love you faithfully and unconditionally through the best and the worst, the difficult and the easy, whatever may come, I promise I will always be there for you" nakangiting sambit ko sa mga salitang iyon bago isuot ang singsing sa daliri nito. Muli kaming humarap sa pari upang hintayin ang hudyat na kami ay isang dibdib na.
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.