After 9 months...
"LOOOOOOVE! MASAKIT NAAAAAAAAAA! LALABAS NAAAAAAA!" Sigaw ko nang maramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko. Napalingon ako sa orasan at alas tres na ng madaling araw. Napalingon naman ako sa asawa ko na nahulog sa kama dahil sa pagsigaw ko. Dali dali nitong kinuha ang susi at binuhat ako bago dalhin sa aming sasakyan. Pigil ang aking hininga dahil sa sakit na aking nararamdaman.
-----
Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang ospital at talagang tarantang taranta ang asawa ko dahil don. Maya maya ay nakarinig kami ng putok ng baril, umikot ikot ang aming sasakyan at nanlaki ang aking mata ng makitang bubunggo ang aming sasakyan sa isang puno. Niyakap ako ni La-jo upang maging proteksyon bago bumunggo ang aming sasakyan at nawalan na kami ng malay.
-----
Nagising ako sa isang kwarto, kwarto namin ni La-jo. May mga taong pumasok sa kwartong kinalulugaran ko ngunit agad na inilibot ang aking paningin upang hanapin si La-jo.
"Mom? Are you okay?" Tanong ni Laxia Jaz, anak namin. Kahawig na kahawig nito ang kanyang ama kaya't di ko maiwasang maluha.
"Nasan ang daddy mo anak? Nandito lang sya kanina sa tabi ko, binabantayan nya ako." Tanong ko rito. Tumulo ang luha nito at tumingin sa akin.
"Mom, matagal nang patay si Dad...labing walong taon na ang nakakalipas" umiiyak na sabi nito. "Nanaginip ka nanaman siguro about kay Dad" sambit nito sa akin.
Napansin ko ang isang librong hawak ko. Libro kung saan nakatala ang mga bagay na hindi ko makalimutan sa nakaraan ko. Ang nakaraan kung saan ako nasaktan, at may isang taong nag alis ng sakit na iyon. Isang tao na sya ring nagbigay ng labis na sakit sa akin ngayon. Sakit na dadalhin ko sa habang panahon. Itutuloy ko ito sa oras na maramdaman kong nalalapit na ang oras ko.
"Sorry baby, sorry if hindi ka nabigyan ng chance na makasama ang daddy mo" iniabot ko sa kanya ang hawak kong libro. "Dito nakasulat lahat ng ala ala namin ng Daddy mo, anak? Kapag dumating ang panahon na hindi na ako makaalala, maaari bang ikaw ang magtuloy ng kwento ko hanggang sa aking huling hininga?" umiiyak na sabi ko rito. Dahil sa pagkawala ni La-jo ay nawalan rin ako ng oras sa aking anak ngunit laking pasalamat ko na naintindihan nya iyon. Nung araw ng graduation nya ay si Rhia ang sumama sa kanya at ngayon ay nasa kolehiyo na rin ito. Palagi akong nakakulong sa kwarto at wala akong ganang kumain kaya't bumaba ang resistensya ko at humina ang aking puso.
"Mom, I understand. It's okay, just please wag mo pong pabayaan ang sarili mo. And yes, ako na pong bahala sa inyong libro, I will take care of it." tiningnan ko ang aking anak. Kamukhang kamukha nya talaga ang ama nya. Inalala ko ang mga huling sandali nang araw na iyon.
Pagmulat ng aking mata, may mga taong naka uniporme ng pang hospital ang nakapalibot sa akin. Mayroong babaeng may hawak ng sanggol sa bandang ibaba ko. Ngunit hindi ko itinuon ng mabuti ang aking atensyon doon. Si La-jo ang nasa utak ko sa mga oras na yon. Pinilit kong tumayo ngunit ramdam ko ang hapdi sa aking ulo.
"Misis wag po muna kayong kumilos, kapapanganak nyo lamang at hindi rin maganda ang kondisyon ng katawan ninyo" sabi sa akin ng doktor na umaasikaso sa akin.
"P-pero gusto ko pong makita yung asawa ko" pagpupumilit ko rito.
"Kritikal ho ang lagay ng asawa ninyo ngunit wag ho kayong mag alala dahil kasalukuyan din ho syang inaasikaso sa ICU, sa ngayon ho ay ang sarili ninyo muna ang inyong isipin pati ang inyong anak" nakayukong ani nito.
Wala akong nagawa kundi ang maghintay kung kailan ako maaaring tumayo. Inabot ako ng isang buwan dito sa hospital at ngayon ang araw na maaari ko nang dalawin ang asawa ko. Bitbit ni Rhia ang aking anak habang tulak tulak nito ang wheel chair ko. Nang makarating kami sa kwartong iyon, nandoon ang nurse at isang doktor.
"K-kumusta po ang lagay ng asawa ko?" Tanong ko rito.
"Tatapatin ko ho kayo misis, malala po ang tama ng inyong asawa sa kanyang ulo at may namuong dugo rito. Walang nakakaalam kung kailan ito magigising at ang mas malala ay kung...magigising pa ba ito. Ang kailangan lamang misis ay lakasan ninyo ang loob ninyo" napaiyak ako matapos sabihin ito ng doktor.
Araw araw ay narito ako sa kanyang kwarto buhat buhat ang aming anghel. Palagi ko itong binabantayan at iniintay na magising. Araw araw umaasa akong didilat na ito ngunit hindi.
Isang taon ang makalipas ngunit hindi pa rin ito nagigising, nakalipas ang kaarawan ng aming anak ngunit hindi pa rin ito nagmumulat. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa tabi nya, hawak hawak ang kanyang kamay. Naaawa ako sa lagay nito dahil sa kung ano anong nakakabit sa katawan nito.
"Love, gumising ka na. Hinihintay ka na ni Laxia Jaz, hinihintay ka na ng anak natin. Miss na miss na kita mahal, parang awa mo na gumising ka na" umiiyak na sabi ko rito habang inaalo ako ng pinsan kong buhat buhat si La-ja.
Napansin ko ang pagtulo ng luha ni La-jo. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang pinsan nyang si Jen kasama ang mga magulang nito.
"Girl, pahinga ka na muna. Kami nalang munang magbabantay kay LJ" sambit nito.
"Hindi Jen, okay lang ako...dito lang ako sa tabi nya" nagtinginan na lamang ang mga ito at bumuntong hininga. Kinuha nito ang anak ko at nilaro laro. Lumapit naman sa akin ang pinsan ko.
"Magpahinga ka na muna" seryosong sambit nito ngunit umiling lang ako. "Matulog ka kahit sandali, hindi naman aalis ang asawa mo dyan kung matutulog ka" dagdag pa nito.
"P-pano kung habang tulog ako, gumising sya? H-hindi, ayoko matulog. Gusto ko pag dumilat sya, ako ang una nyang makikita" lumuluhang sambit ko bago itinuon muli ang atensyon kay La-jo.
"Bahala ka nga" dinig ko pang sabi nito ngunit di ko na ito nilingon.
"Bangon na mahal, miss na miss na kita...h-hindi mo ko iiwan diba? D-diba sabi mo ikaw ang magpapatahan sakin pag umiiyak ako? L-love umiiyak ako ngayon...please p-patahanin mo ko" humahagulgol nang sambit ko. Ngunit biglang naalarma ang lahat ng biglang nanginig ito at narinig ang tunog na kinatatakutan ko. Napalingon ako sa monitor nang makitang unti-unting lumabad ang tuwid na linya. "L-love w-wag namang ganito, love lumaban ka love wala namang ganyanan" lumakas na ng lumakas ang iyak ko. Dumating ang mga doktor at nurse na may dalang gamit. Kinabitan nila ng oxygen si La-jo at pinupulsuhan. Kung ano ano ang ginagawa nila kay La-jo. Pinalabas kami ng doktor na agad kong hindi sinang ayunan. Pinilit kong lapitan ang asawa ko ngunit pinipigilan ako ni Rhia.
"Bitiwan mo nga ako ano ba? Si La-jo Rhia, pupuntahan ko sya bitawan mo ko" pagpupumilit ko.
"Pwede bang kumalma ka?! Hintayin mo nalang lumabas ang doktor!" Sigaw nito sa akin. Galit na ito. Kung dati ay konting taas ng boses nya, natatakot na ko, ngayon ay hindi ako makaramdam ng kahit na anong takot.
"Kumalma? Alam mo ba yung sinasabi mo? Yung asawa ko nag aagaw buhay tapos sasabihin mong kumalma ko? Palibhasa hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko kaya hindi ka nasasaktan!" Balik na sigaw ko rito ngunit malakas ako nitong sinampal. Nang ibalik ko ang paningin sa kanya ay nakita kong lumuluha na rin ito.
"Sa tingin mo hindi ako nasasaktan Maxia? Sa tingin mo ba wala akong pakialam sa asawa mo? Naging malapit na rin sakin yan. Dumating pa sa puntong tinaya ko ang buhay ko para protekyonan kayong dalawa nung araw ng kasal nyo PERO SA PUTA*NGINANG PAGKAKABARIL SA GULONG KAYO NADISGRASYA! ALAM MO BANG NAPAKASAKIT SAKIN NON? ALAM MO BA YON!" sigaw nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi mapaupo at umiyak ng umiyak. Lumapit ako sa isang salamin kung saan kita ang ginagawa nila kay La-jo. Nakita kong tumingin sa orasan ang doktor at idinikta ito sa isang nurse na may hawak na record. Agad na akong kinabahan dahil doon. Nang makalabas ang doktor ay agad ko itong nilapitan.
"D-doc? Okay na po ba? Gumising na po ba sya?" Umaasang tanong ko rito ngunit yumuko ito kaya naman nag una unahan ang luha ko sa pagpatak.
"Time of death, 2:45 am. We're very sorry Misis but we already did our best. Excuse me" nanghina ang buong katawan ko sa aking narinig. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang katotohanan.
'Hindi ito totoo, nananaginip lang ako, buhay pa sya, ngunit lahat ng iyon ay kabaligtaran ng katotohanan dahil totoo ito, gising ako, p-patay na sya...'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.