"Okay start na ulit! By partner na to ha? Dalian nyo at ang gugwapo pa naman ng mga partner nyo, baka ako pa ang pumalit sa inyo!" Biglang sabi ng baklang organizer ng pageant.
'Talandi rin tong isang to ah'
"Okay first pair!" Unang lumakad ang isang pair mula sa regular class.
Una ay lalakad papunta sa gitnang likuran at tatalikod, haharap ng sabay mula sa magkaharap na side, ikakawit ng babae ang kanyang kamay sa braso ng lalaki habang ang isang kamay ay nasa baywang. Sabay na lalakad papunta sa harapan, kakapit ang lalaki sa baywang ng babae sabay rarampa papunta sa kanan,*pose* then sa kaliwan the pose again then punta ulit sa gitna and pose tapos baba na ng stage. Ganon ang set up na gagawin.
Napatingin ako sa ikalimang pares ng magsimula itong lumakad. Ang ganda ng pagkakangiti nila sa isa't isa, halatang nagmamahalan. Ramdam ko ang pamamasa ng mata ko kaya lumakad ako palabas ng kwartong iyon ngunit di pa man ako nakakalayo ay isang kamay ang humila sa aking braso at isang matigas na dibdib nanaman ang sumapol sa mukha ko kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit sa akin kaya't napayakap na rin ako at tuluyan nang umiyak.
"Next...!Oh? Anong nangyari dyan? Umiiyak? Bakit umiiyak?!" Dinig kong sigaw nung bakla kaya bumitaw na ko kay La-Jo at pinunasan ang aking luha.
"Patapos na raw kasi ang rehearsal ngayon, mamimiss nya daw ako kaya sya umiyak. Kitang kita nyo naman kung gano kahigpit ang yakap sakin"
Gulat akong napatingin kay La-Jo dahil sa sinabi nya. Ngumiti lang ito at tumingin sakin na para bang sinasabing wag na akong umangal para hindi na sila mag usisa pa kaya't hindi na ako nagsalita pa.
Nagsimula na kaming rumampa, nawala sa isip ko ang lahat, natuon ito sa aking pagrampa at kitang kita ko sa mga kasama namin ang pagkamangha sa kanilang nakikita.
"Oh my god! May spark!" Kinikilig pang ani ng bakla.
Tiningnan muna namin ang isa't isa at ngumiti bago humarap sa mga tao. Matamis ang pagkakangiti namin sa kanila, nang makarating kami sa gitnang harapan bago bumaba, tila nawala ang lahat ng tao sa paligid dahil sa paghalik ni La-Jo sa aking noo.
'Yawa! Sa unang beses ng pagkikita namin ay kung ano ano nang kalandian ang kanyang ginawa!'
"Perfekto! Yan ang kailangan! Chemistry! Yun ang hindi ko makita sa mga naunang pares liban sa inyo! Kayo!.." Sabay turo kay Hanna at Echo. "... Magjowa ba kayo?! Parang magjowa kayo! Ano?!"
'Pisteng bakla! Naiinis na ko'
"Pwede ba? Ang trabaho mo ay i-organize kami, hindi alamin ang bawat personal na detalye tungkol sa kahit na sino sa amin" Nagtinginan sa akin ang lahat kaya medyo nakaramdam ako ngnhiya.
"Walang masama sa pagtatanong nya A-ma, masyado kang halata" bulong sakin ng katabi ko.
'A-ma?'
"Anong a-ma?" Bulong ko rin.
"Ash Maxia. A sa Ash at Ma sa Maxia, A-ma"
"Whatever! Uwing uwi na ko! Kanina pa yang rehearsal di pa rin tapos! Wala na bang bukas?" Iritang tanong ko.
"Dalawang linggo lang ang practice natin. Gusto kong maaral nyo na ito ngayon para bukas at sa isang araw ay puro linisan na lang. Ang natitirang isang linggo at apat na araw ay ilalaan ninyo para sa practice ng talent." Paliwanag ng bakla na tila nauubos na ang pasensya sakin.
"Yun lang ba? Oh tuloy na at ako'y may gagawin pa!"
Agad naman namin itong itinuloy para makauwi na.
'Makaepal lang ako e'
Nang matapos kami ay niligpit ko na ang aking mga gamit. Hindi ko malaman kung bakit pero magmula nung bata ako, sa tuwing wala ako sa mood, ayokong naririnig ang kahit kaninong boses. Wala kahit sinong may kayang pakalmahin ako kapag dumarating ang pagkakataon na yun, maski si Echo. Nakakapagtaka lang na kumalma ang sistema ko dahil sa simpleng pagbulong ni La-Jo sa akin. Siguro ay dahil hindi ko pa sya lubos na kilala at nangangapa pa ko sa kanyang ugali.
'Wow ha?! Anong connect Maxia? Ee ikaw yung tipo ng taong walang pakialam sa kahit na sino basta umatake ang attitude mo!'
Binalewala ko na lamang ang naisip ko at tinuloy na ang pagliligpit nang biglang lumapit sakin si La-Jo at napagtanto kong kaming dalawa nalang ang nandito sa loob.
"Ayos ka lang?"
"Bakit ba iyan lagi ang tinatanong mo sakin?"
"Dahil lagi kang wala sa sarili. Lagi malamlam ang mata mo at parang punong puno ng problema."
"Then why the hell are you asking kung yun na pala ang nakikita mo?! Obviously I'm not okay!"
"Then what should I do to make you feel okay? What should I do to lessen your sadness and pain? Tell me,
I'm willing to help."'Wala. Wala kang magagawa dahil ang may kakayahan lang na alisin ang sakit na nararamdaman ko, dahil ang may kakayahan lang ay ang taong nagbigay sakin nito'
"Gusto ko munang umuwi La-Jo. Gusto ko munang mapahinga ang isip at kaluluwa ko."
Malalim syang huminga bago binitbit ang gamit nya at gamit ko, tumingin naman ako sa kanya dahil don.
"Ako nang magdadala nito hanggang makasakay ka, magcocommute ka ba?"
"Ah hindi, M-may dala kong kotse, ikaw?"
"May dala akong motor"
Tumango nalang ako bago naunang lumabas ng kwarto at hinintay syang ikandado ito. Tahimik ang naging sandali ng aming paglalakad hanggang marating namin ang parking lot ng school.
Iniabot na niya sakin ang aking gamit na agad ko naman inilagay sa loob ng kotse.
"Mag iingat ka nakamotor ka pa naman"
"Ikaw din" ngumiti lang ako sa kanya bago sumakay sa kotse at pinaharurot na ito.
Pagkauwi ko nang bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto, sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.