"Let's break up" gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang salitang iyon mula sa lalaking pinakamamahal ko.
"HAHAHAHAHA kahit kailan talaga palabiro ka" kunwaring natatawa ngunit anumang oras ay babagsak na ang luha ko.
Tatlong taon ang tinagal ng aming relasyon kaya naman labis ang panghihinayang ko.
"Iba na ang nagugustuhan ko, parang may kulang na sa relasyon natin, may hinahanap ako na hindi ko alam...ayoko na"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at inaasahang biro lang ang lahat ngunit hindi.
"If that's what you want, I'm letting you go" bagsak ang mga balikat na sabi ko. "I love you so much Jericho Lazaro, I guess Del Pier is not really meant for Lazaro" at tumalikod na ako sa kanya dahil tuloy tuloy ang bagsak ng aking mga luha. Sobrang sakit na halos ibinigay ko ang lahat ngunit di pa rin ako naging sapat.
"I'm sorry Maxia, I loved you but... I fell out of love. You can find someone better than me..." Dinig ko pang sabi nya ngunit di ko na ito pinansin at tuloy tuloy nang umalis.
Nakarating ako sa isang parke kung saan nagsimula ang lahat at madaming batang naglalaro.
'How I wish bata nalang ulit ako, na laro lang ang problema'
Umupo ako sa isang swing na bakante at tumingin sa langit. Makulimlim ang ibang banda ng langit
'Mukhang uulan, sasabay pa ata sa emosyon ko'
"Ate, umiiyak ka po?" Napatingin ako sa batang lumapit sakin. Hindi ko namalayan ang luha kong pumapatak na pala. Kaya agad ko itong pinahiran at tumingin sa bata.
"Wala yon hehe napuwing lang ako be, Anong name mo?"
"Max po, Kayo po?"
"Ako si Maxia, Max for short hehe same pala tayo ng name. You can call me Ate Max"
"Wow! Pareho po tayo ng name! Nice to meet you po ate Max! So bakit nga po kayo umiiyak?"
'Mukhang matalino itong batang ito'
"I'm just missing my old days hehe, Ito rin kasi yung park na pinupuntahan ko noon" ... At dito ko rin unang nakilala si Echo.
"Wow talaga po? Ako po gusto ko na pong maging kasing laki nyo kasi po ang ganda ganda nyo po ^_^"
Ang ganda ganda ng pagkakangiti nya at halatang gustong gusto na nyang lumaki.
"Darating din ikaw sa panahon na yun, but for now, you should enjoy being a child. Believe me, mas masaya maging bata"
"Ate you're crying nanaman po"
"I told you, namimiss ko maging bata Hahaha"
Kumulog nang malakas kaya nagsitakbuhan na ang mga bata pabalik sa kani kanilang magulang.
"Ate uuwi na po kami ni mommy baka umulan na po e"
Nginitian ko lang sya at ang kanyang ina saka tumango. Kailangan ko nang bumalik sa kotse bago bumuhos ang ulan.
Pagkapasok ko sa kotse, saktong pagbagsak ng ulan. Sobrang nanlalabo ang paligid sa sobrang lakas kaya naman hindi muna ako umalis dun, binukas ko ang FM para malibang kahit papano. Sobrang napagod ako sa mga nangyari ngayong araw.
[Sana'y di nalang/ Bandang lapis]
Ginawa ko naman ang lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko lahat ng oras ko sayo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero parang wala lang sayo
Ang lahat ng paghihirap koLalo akong naiyak dahil sa tugtog. Bumalik ang mga panahon kung saan nagagawa kong tumakas sa bahay para magkita kami. Nagagawa ko syang pagtakpan sa mga magulang nya tuwing uuwi sya ng late, sinasabi kong magkasama kami kahit hindi. Sobrang caring at mapagmahal nya noong una hanggang sa nalaman kong may kinikita syang iba ay unti unting nagbago sya pero inisip kong kaibigan nya lang iyon. Noong anniversary namin na ramdam ko na yung lamig pero binalewala ko dahil mahal ko sya at ayaw ko syang mawala.
Sana'y di nalang kita nakilala
Sana'y di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y di nalang kita minahalSobrang hagulgol na ang ginawa ko dito sa kotse dahil tamang tama sakin ang bawat salitang nakapaloob sa kanta na tila ba nananadya talaga.
Nagsearch ako agad kung anong kanta yon para kahit sa bahay makapagsenti ako.
Huminto na ang ulan kaya nagpasya na kong umuwi. Pagkarating ko sa bahay, inabutan ko ang parents ni Echo.
"Max hija kasama mo ba si Echo? He said he's with you when I called him a while ago."
Wala akong ganang makipag usap sa kahit na sino kaya naman tinitigan ko lang sila nang walang kaemo emosyon.
"Max, kinakausap ka nila" sabi ni mommy.
"I'm with him...pero kanina yun. We will never be together again tita...never again... Excuse me" at tumakbo na ko sa kwarto sabay siksik ng mukha ko sa unan at umiyak ng umiyak nanaman...
'How can I handle this? Hindi ako sanay...'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Fiksi RemajaMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.