Lumipas ang ilang araw na hindi ko muli ito pinansin. Nagkausap lamang kami nung reporting kung saan kami ang nakakuha ng highest grade dahil raw kami lang ang nakapagrelate ng report sa aming sarili.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil christmas vacation na ngayon. Isang linggo nalang ang natitira at pasko na, iyon din ang kaarawan ni La-jo. Laging bagsak ang mga balikat nito tuwing magbabalak itong lumapit sakin ngunit ako naman ay todo iwas. Nakokonsensya na rin ako dahil sa ginagawa kong pag iwas, hindi ko nakakayanan ang malungkot na awra nito sa tuwing makikita ako. Ngayon ay nag iisip na rin ako kung anong magandang iregalo rito para makabawi ako kahit papaano ngunit wala talaga akong maisip.
"Birthday na pala ng nobyo mo sa pasko hano?" Nanunuksong sabi ng pinsan ko.
"Hindi ko pa nga yun nobyo!" Binato ko ito ng suklay na agad naman nitong nasalo tsaka tatawa tawang lumabas ng kwarto ko
'Kahit kailan talaga tsk!'
---Dumating ang araw ng pasko, naligo na ako at nagbihis bago tumungo sa simbahan. Nang makatapos ay umuwi akong muli para magbihis at nagplano na akong pumunta sa bahay ni La-jo. Naabutan ko ang engrandeng handaan sa loob ng mansyon nito at iba't ibang mga tao na sa tingin ko ay mga kaanak nito.
"Nasaan po si La-jo?" Tanong ko sa isang tingin ko e nasa 40 years na ang edad at siguro ay mayordoma ng bahay.
"Kayo ho si A-ma hindi ho ba?" Nakingiting tanong nito sakin kaya ngumiti rin ako bilang pagsagot rito. "Napakaganda nyo ho pala talaga...ngunit ang sabi ho ni Laster ay hindi raw po kayo makakapunta" nagtatakang sabi nito.
"Medyo nagkatampuhan po kasi kami kaya po siguro yun ang inakala nya" nakangiti kong sabi rito.
Inihatid ako nito sa loob kung saan naroon si La-jo at hindi ko nagustuhan ang inabutan ko. May isang babae na nakasandal sa dibdib nito at nakayakap sa kanya habang hawak hawak nito ang baywang ng babae. Agad na nanggilid ang mga luha ko nang maabutan ko ito. Nang mabaling sa akin ang kanyang paningin ay nabigla ito at agad na binitiwan ang babae. Tinalikuran ko ito at nagdire diretso palabas ng mansiyon. Rinig ko pa anf pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko ito pinansin. Papasakay na akong muli sa kotse ng hilahin ako nito at iniharap sa kanya.
"Akala ko, hindi ka tulad nya! Akala ko, totoo ka! Akala ko---" hindi pa man ako tapos magsalita ay hinalikan na nito ang labi ko ng dampi. Lumuluha pa rin akong tumingin sa kanya.
"Let me explain first A-ma..." nag-aalalang sabi nito. "...that's not what you think" iniwas ko ang paningin dito at muling humarap sa pinto ng kotse ko. Akmang sasakay na ako nang biglang dumating yung babae.
"Hey, bakit ka tumakbo? Mom saw you kaya pinasundan ka nya sakin..." Hinihingal na sabi nito kay La-jo nang biglang mabaling ang tingin nito sakin. "...oh hi! Is she your girlfriend LJ?" Muling tanong nito kay La-jo.
"No. I'm not, you can continue what you're doing a while ago. Hugging each other huh?" Umiral ang pagkamaldita ko dahil sa inis.
"I'm sorry if you saw us in that position, it's just that, we were so close before and ngayon lang ulit kami nagkita kaya namiss namin ang isa't isa..." Nakangiting sabi nito kaya't napairap ako. "...by the way I'm Jen, Lj's cousin" pagpapakilala pa nito.
"Pakialam ko naman kung sino ka! Pinsan---" nanlaki ang mga mata ko sa nasabi ko. "P-pinsan?" Utal na sabi ko.
"Yup, sorry ulit hihi" nakapeace sign pang ani ng babae.
Napalingon naman ako kay La-jo na ngayon ay pigil na pigil ang pagtawa kaya't nahihiya man ay nilingon kong muli si Jen.
"Sorry, akala ko kasi..." Nahihiya pang sabi ko rito.
"No it's fine. Natural reaction lang ng girlfriend yun hihi" kinikilig pa ito.
"Pero hindi---"
"Dun na rin papunta yun ghorl ano ka ba tsaka hindi na ko papayag na magkaroon pa ng iba, I like you for him hihihi"
"How come?"
"You're beautiful and brave, frank and decent. I like that style of yours"
"Okay" sabi ko rito saka dumiretso kay La-jo at sinuntok to sa braso.
"Ouch love, di pa man tayo sinasaktan mo na ko" nakanguso pang ani nito.
"L-love?" Nagtatakang tanong ko.
"Yes love?" Sabi nito na talagang kinukonsidera nang yun ang tawag sa akin. Nagulat ako ng bigla itong namilipit na animo'y bulateng inasnan habang nakangiti.
'Kalalaking tao, kakire'
"Tss. Tumigil ka nga" iritang sabi ko rito habang ang pinsan naman nito ay tawa ng tawa at nakasandal sa kotse ko. "Wala akong regalo sayo, wala akong maisip e tsaka ayokong bigyan ka ng materyal na bagay dahil sa dahilan ko" seryosong dagdag ko rito.
"Ayos lang, yung simpleng pagpunta mo lang dito masaya na ko at napakalaking regalo na non" sabi nito sabay yakap sakin at halik sa noo ko.
"Alam mo ba kung bakit ayaw kong bigyan ka ng materyal na bagay?" Tanong ko rito.
"Bakit po?" Nakayakap na tanong nito sakin.
"Dahil ayoko nang panandalian, kung bibigyan kita ng regalo, gusto ko pang matagalan" humarap ako dito at ngumiti.
"Pwedeng umexit muna ko?" Biglang singit ni Jen sa amin.
"Epal naman to e, pumasok ka na nga muna don susunod nalang ako" kamot ulong sabi ni La-jo. Tatawa tawa naman si Jen na pumasok sa loob.
"So as I was saying, I want to give you a gift na pangmatagalan..." Ngumiti ako dito bago muling nagsalita. "Magbigay ka sakin ng isang tanong, oo lang ang magiging sagot ko" seryoso ko itong tiningnan.
Ngumiti ito ng matamis bago bitawan ang hinihintay kong tanong.
"Will you be my girlfriend?" Tanong nito.
"Like what I've said, oo lang ang sagot ko kaya OO GIRLFRIEND MO NA KO" pasigaw na sagot ko rito kaya niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa sentido.
Nagtatalon ito at nagsusuntok sa hangin kaya naman tatawa tawa ko itong tiningnan. Muling lumapit ito sakin at pinupog ako ng halik sa pisngi.
"Thank you love"
"Love? Andaming naghihiwalay sa endearment na yan" sabi ko rito.
"Well ako ang magpapatunay na wala sa endearment yan, nasa magkarelasyon yan" mayabang na sabi nito.
"I love you, love" seryosong sabi nito.
"I love you more, love" nakangiting sagot ko rito. Unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko, ikiniskis nito ang ilong namin sa isa't isa bago ako binigyan ng matamis na halik.
Kapwa naghahabol ng hininga ng bitawan namin ang labi ng isa't isa. Mahigpit muli ako nitong niyakap bago pumasok sa loob ng kanilang mansyon.
'Masaya ako ngayon, sana ganun pa rin hanggang huli'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
Teen FictionMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.