Chapter Eleven

8 1 0
                                    

Ngiting ngiti ang damuhong La-Jo nang sya na ang tawagin ng Emcee. At ang nabunot nito ay ang nabunot ko rin kanina.

"Here's your question, If you'll be giving a chance to choose among the three candidates behind you, who will you choose and why?" Kinabahan naman ako sa tanong ng judge na pogi. Tumingin pa ito sa gawi namin bago sumagot.

"I will choose my partner offcourse, lalayo pa ba ko? Kapag may partner ka na, wag ka nang pumili ng iba. And besides, may boyfriend na si number 5 at kapag may karelasyon na ang isang tao, don't steal dude because stealing is a crime. The other one, She's pretty yes but don't look on physical beauty because it fades, and also you don't really know who she is.  Wag mong piliin yung taong di mo naman kilala dahil lang sa nagandahan ka. So I will give you my reasons why am I choosing her. First, I already know her. Second, She's single. Third, she's intelligent and beautiful inside and out. Lastly, she's so fragile, she is the type of woman who is good to be loved and cared for. Hello there to her father, Good afternoon and nice to meet you po. Thank you" Napatitig ako sa likuran nito. Parang hinahaplos ang puso ko sa mga sinabi nito. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa pagtawag at pagbati nito kay daddy but at the same time, kung isa ako sa manonood ay ako ang nangungunang naghuhumiyaw dahil sa sagot nito.

'Ang tatay kong isa pang malantod, kay laki ng ngiti kay La-jo, nakathumbs up pa'

Hindi na nila pinatagal at sinabi na ang nanalo. Ang 2nd runner up ay si Hanna at yung number 3 sa lalaki. Ang 1st ay si Echo at yung number 3 sa babae. At oo kami ng malantod na ito ang nanalo, unang beses ko ito sa pageant kaya naman sobrang saya ko lalo ng makita ang tatay kong feeling teen ager na tatalon talon pa sa baba ng stage bago umakyat at nagpapicture sa amin.

-----

Ibinaba ko sa side table ng kwarto ko ang hawak kong frame ng picture noong sumali ako ng pageant.

It's been a year mula nang maganap ang pageant na yun kaya naman ako ay nasa 1st year college na at Oo isang taon na rin na panay ang pagpapakilig sa akin ng malantod na La-jo na ito. Nagpaalan itong manliligaw sa akin noong araw ng pageant pero hindi ko ito pinayagan dahil natatakot na kong magmahal ulit pero ang abnoy hindi nagpapigil dahil kung saan saan ito sumusulpot sa lugar na kinaroroonan ko. At isang taon na rin akong kinukulit ng hitad kong Ex na kausapin ko raw sya.

Noong graduation naman, sila mommy at daddy ang kinausap ni La-jo about sa panliligaw nito sakin, at napapayag nya ang mga ito kaya wala na akong nagawa. Panay ang korni at kung minsan ay manyak na banat nito sakin.

"Hi miss beautiful, alam mo bang isa akong kotse?" Nagtaka naman ako kaya't tinanong ko ito kung bakit. "Masarap akong sakyan lalo pag malamig" matapos sumagot ay kumindat pa ito sakin kaya nginiwian ko nalang ito.

"A-ma! Pansinin mo ko huhu" parang batang sabi nito.

"Pwede ba? Ayoko na masaktan ulit kaya tumigil ka na sa panliligaw mo dahil wala kang mapapala sakin" lumungkot naman ang mukha nito at tila nasaktan sa sinabi ko. Hindi porket nasaktan ako ay mananakit na rin ako kaya nakonsensya naman ako rito.

"Kilala mo ba ko?..." Bigla ay seryosong sabi nito. "...ako to, si natoy--- este si Laster Josh Mendoza na mahal na mahal ka" tumawa ito pagkatapos magsalita. Nasapo ko ang sariling noo dahil inakala kong seryoso talaga sya. "Maniwala ka kasi sakin--- oh sige wag kang maniwala pero hayaan mo kong patunayan na mahal na talaga kita"

"Napakabilis naman kasi, dadalawang linggo palang tayong magkakilala noong pageant tapos manliligaw ka na" nakangusong sabi ko rito.

"Maaaring dadalawang linggo mo palang akong kilala noon pero tinanong mo man lang ba kung gaano katagal na kitang kilala?" Napaisip naman ako sa sinabi nito bago muling tumingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito. Ngumiti ito sakin bago muling nagsalita.

"Naalala mo yung batang sinabi ko sayo noon na nagustuhan ko? Yung batang iyakin sa playground? Ikaw yon. Inalam ko yung pangalan mo bago kami umalis sa lugar na yun at manirahan sa ibang bansa. Hindi nawala ang nararamdaman ko sayo noon, ang totoo nyan, mas lumalala pa" sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Dahil aminin ko man o hindi, may nararamdaman na rin ako kahit papano sa kanya ngunit hindi ito kasinglalim nang pagmamahal ko kay Jericho. Sabihan na kong choosy dahil isang napakalaking biyaya na bigyan ng ganto kagwapo at kabait na nilalang ngunit nagagawa ko itong tanggihan.

"P-pero..."

"Oo alam kong hindi ka pa handang magmahal ulit pero handa akong maghintay para sayo. Handa akong patunayan yung nararamdaman ko sayo at mas lalong handa akong saluhin ka kapag nahulog ka na sakin" ngumiti ito sakin bago nahiga at pumikit sa ilalim ng punong kinalulugaran namin.

----

Araw ng sabado, gumising ako ng maaga para maglaba ng mga damit ko. Nang makatapos ako rito ay nagluto naman ako ng tanghalian namin. Habang nagluluto ako, may bumusina sa labas ng bahay kaya lumabas si mommy para tingnan ito. Wala kaming katulong ngayon dahil off nito for 1 month, kaya naman ieenjoy ko muna ang mga gawaing bahay. Nang matapos akong magluto ay lumabas ako sa sala para tawagin si Mommy. Si mommy ang madalas kasama ko sa bahay because dad is always on work at madaling araw na ito umuuwi, sa umaga naman ay sobrang aga niyang umaalis kaya hindi ko maiwasang mag alala sa health ni daddy pero ang sabi nya naman ay nakakapagpahinga sya kapag free ang time nila.
Paglabas ko nang sala, naabutan ko si Jericho na kausap ni mommy. Sa isang taon na wala na kaming relasyon, nasanay na akong wala ang presensya nya at hindi tulad noon na makita ko lang siya, nag uunahan nang bumagsak ang mga luha ko. Tumayo na si mommy at iniwan kaming dalawa ni Echo.

'Anong ginagawa nyan dito?'

"Please Maxia, give me time to explain my side. K-kahit hindi mo na ko balikan, kahit hindi mo ko paniwalaan basta masabi ko lang sayo" sinserong bigkas nito sa bawat salita.

"Explain" iwas ang tinging sabi ko rito.

"I'm so sorry for what I did. Sorry kung nakipagrelasyon ako sa kaibigan mo. Sorry kung iniwan kita para sa kanya. Sorry---"

"Ang sabi mo ay mag eexplain ka hindi magsosorry"

"Pakinggan mo muna kasi ako"

'Ay wow demanding'

"Remember the time na napag usapan namin ni Daddy yung about sa Business?" Inalala ko naman ito. Yung araw na sa kanila ako natulog dahil may sakit raw si Erica kahit wala naman pala.

"He was asking me that time kung nakukwento ba ni Hanna sakin kung bakit nila inangat ang company namin gayong magkalaban ang kumpanyang yon..." Huminto ito at huminga ng malalim bago muling nagsalita. "...Alam ko lahat kung bakit, dahil ako ang dahilan non. Matagal nang may gusto sakin ang kaibigan mo. Isantaon na tayo nung ipakilala mo ang kaibigan mo sakin at yun ang unang araw na nagkagusto sya sakin. Palagi nya kong sinusundan kapag hindi tayo magkasama. Kinukulit nya ko na hiwalayan kita at piliin ko sya pero hindi ko ginawa noon..." Hindi ako makapaniwala na nagawa ng kaibigan ko yun. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang syang ipagpatuloy ang kwento.
"...hanggang sa isang araw, bumabagsak na ang kumpanya namin, mahal na mahal ni Dad ang kumpanyang ipinamana pa sa kanya ni Lolo. Hindi ko alam ang gagawin ko noon, hindi ko yun sinabi sayo dahil ayaw kong bigyan ka ng problema. Pumasok ako isang araw, nilapitan ako ni Hanna para sabihing alam nya ang nangyayari sa kumpanya. Natakot akong baka gawin nyang paraan yun para makuha ako, at hindi nga ako nagkamali. May tumawag sa numero ko mula sa Villegas company at sinasabing pinatatawag ako ng may ari nito kaya't agad ko itong pinuntahan, baka isa ito sa way para maiangat muli yung company ni Daddy. Nang makarating ako don, tinanong ako ni Mr. Villegas kung gusto ko pa bang umangat ang kumpanya namin, at agad akong sumagot ng Oo. Sinabi nitong iaangat nya nag kumpanya namin, kapalit ng pakikipagrelasyon sa kanyang anak, si Hanna yun. Huli na rin ng malaman kong mag ama sila. Sinabi ko rito na may karelasyon ako ngunit hindi ito nagpatinag. Binigyan nya ako ng dalawang taon pa para hiwalayan ka at sumama sa anak nya. I'm sorry Maxia, naipit na ko. Gusto ko nang maiangat ang kumpanya ni Dad, nalulungkot ako na halos hindi sya kumakain at natutulog, madalas ay tulala at bigla nalang iiyak nung mga panahon na yun. God knows how much I love you Maxia..." Umiiyak na ito sa harap ko, ngunit wala akong maramdaman kundi galit, galit sa lahat ng nangyari. "...mahal pa rin kita hanggang ngayon"

When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)Where stories live. Discover now