Yung mga oras na pinagtatakpan ko sya kapag hindi pa sya umuuwi, inaasikaso nya ang pagpapaangat muli sa kumpanya nila. Ngunit hindi ko lubos maisip na nagpatangay sya kay Hanna gayong nandito ang Company namin na higit na maiaangat ang kumpanya nila. Hindi sya nagtiwala sakin, hindi sya lumapit sakin, hindi sya naniwala sakin dahil ang tingin nya sakin ay bastang girlfriend lang at mahal nya lang. Pero hindi ko sya masisisi kung ako man sa posisyon nya, ay kahit anong oportunidad ang nakahain, tatanggapin ko yun mapasaya lang ang magulang ko at humahanga ako sa bagay na yun para sa kanya. Ang galit na namumuo sakin ay para kay Hanna. Nagawa nyang lahat yun sa likuran ko? Nagawa nyang lahat yun sa taong tinuring na syang kapatid?
'Bitch please!'
Pinunasan ko ang luha ni Echo at tiningnan itong mabuti bago nagsalita.
"Makinig ka sakin Echo, mahal pa rin kita..." Agad na nagliwanag ang mukha nito at tila ba nagkaroon ng pag asa. "...pero mahal ka rin ni Hanna, at sya na ang nagmamay ari sayo ngayon. Oo mahal kita pero nirerespeto ko ang relasyon nyo. Oo mahal kita pero hindi na sapat para bawiin pa kita dahil marami nang maaapektuhan. Hindi mo na ko makukuha pero ang kapatawaran ko ay ibibigay ko ng buong buo" nakangiti ko itong tiningnan at gumanti ito ng ngiti sakin.Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang...
"Good afternoon mommy Pink!" May biglang sumigaw at dire diretsong pumasok ng bahay.
'Watdafak?!La-jo? Tsaka ano raw? Mommy pink?'
"Good afternoon hijo hihi " sabi ni mommy at bumeso pa kay La-jo. Napatingin ako kay Echo dahil sa hiya ngunit ang isang to ay halata ang pagpipigil ng tawa.
"Anong ginagawa mo dito? Manliligaw ka rin kay Maxia?" Kunot noong tanong nito kay Echo habang nakakrus ang braso sa dibdib at nakataas pa ang kilay. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil mukha syang bading na ewan sa ginagawa nya.
"No bro, I already have mine" pigil ang tawang sagot ni Echo.
"Mabuti nang malinaw. Dun ka na sa jowa mo dahil akin yan. Lipat ka don! Ako dyan sa tabi nya" pinalipat nito si Echo sa isang sofa at naupo sa tabi ko. Tatawa tawa namang sumunod si Echo habang nasapo ko naman ang sarili kong noo.
"Amoy kargador pa ko kaya lumayo ka muna sakin ha? Hindi pa ko naliligo" diretso kong sabi kay La-jo.
"Wala kong pakialam kahit amoy hukay ka pa, mas mabuti nang ako ang katabi mo kesa yan tsaka bat di ka pa naliligo? Halika paliguan kita" sabay akmang hihilahin ako. Magmula nung payagan syang manligaw nila mommy, dumaldal na sya pero imbis na mainis ay madalas akong natutuwa sa kakulitan nya.
Nangibabaw ang tawa ni Jericho sa gitna ng pag uusap namin ni La-jo kaya't sabay kaming napatingin dito ng masama. Itinaas naman nito ang kanyang mga kamay na animo'y sumusuko ngunit bakas ang pagpipigil ng tawa sa kanyang mukha.
Inis akong tumayo at iniwan silang dalawa tsaka umakyat at pumasok ng kwarto at nag open ng instagram acc ko. Katagal ko nang hindi nabubuksan to dahil sa sobrang tutok ko sa pag aaral ko. Nagscroll lang ako ng nagscroll hanggang madaanan ko ang post ng pinsan kong si Rhia.
Enjoy with your life without anyone
Yaan ang nakalagay sa caption nya kaya nasisiguro kong wala nanaman syang karelasyon. Sobra magmahal ang pinsan kong iyon at mas lalong sobra itong masaktan. Kapag galit naman yun, kalmado. Agad kong ni-dial ang number nya at tinawagan ito.
*ringing*
Isang ring palang ay sumagot na ito, marahil ay hawak nya ang phone nya ng kasalukuyan.
"Oh?"
'Wow ha? Wala man lang hello?'
"Walang man lang hello?" Pabiro kong sabi dito. Nagulat ako ng bigla nya itong binaba, nabadtrip ko ata. Kasalukuyan akong nag iisip nang magtext ito sakin.
From: Fvcking cousin (Eyashie)
Call again.Ay wow! Well tinawagan ko nalang ito agad pagkabasa ko at agad naman itong sinagot.
"Hello. Okay na ba?" Walang ganang pagsasalita nito.
'Watdafak! *inhale exhale* pinsan mo to Maxia kadugo mo to!'
"Okay ka lang ba?" Tanong ko rito.
"Hangga't humihinga ko, okay lang ako" walang gana nanamang sagot nito.
Bata palang kami ganyan na ang pinsan ko. Minsan abnormal, madalas weird. Teka! Parang pareho lang yun ah? Well ganto kasi, minsan hyper pero madalas parang robot.
"Nasan ka ba ngayon?" Tanong kong muli rito.
"House, why? I'm planning to transfer in your school btw" Sa Alphabet Academy pa rin ako pumapasok dahil kumpleto na ang bawat grades and years doon from prep to college. By now, nasa grade 11 ako, and I'm taking general academic strand and sure ako na nasa 1st year na ng college yung pinsan kong yun.
"Talaga? Kailan?" Excited na tanong ko rito.
"Actually nakapagpasa na ko ng form sa Dean nyo Last week. Then on Monday pwede na kong pumasok" Minsan, kulang nalang talaga maging bakal sya sa paraan ng pagsasalita nya.
"Kailan ang uwi---"
"At exact 3 pm nandyan na ko sa inyo" binaba nito kaagad nito ang tawag. Napatingin ako sa clock, 30 minutes nalang bago mag alas tres. Mabilisan akong naligo bago muling bumaba.
Inabutan ko pa rin ang dalawa sa sala na kausap ni Mommy at Daddy kaya nagtago muna ako sa gilid ng hagdan habang nag uusap sila.
'Himala nandito si Daddy'
"Gaano mo kamahal ang unica hija namin?" Tanong ni Daddy na kay La-Jo nakatingin. Ako ang nahihiya para kay Echo dahil nakayuko lang ito at nakikinig lang sa usapan nila Daddy pero ramdam mo ang panghihinayang sa kanya.
"More than myself sir" proud na sagot naman ni La-jo.
"Maipapangako mo ba sa aming hindi mo sya sasaktan sa kahit na anong paraan?" Seryosong tanong ni Daddy sa kanya.
"No sir..." Kumunot ang noo ni Daddy sa naging sagot nito ngunit ngumiti lang si La-jo bago muling nagsalita. "Hindi ko po maipapangakong hindi ko sya masasaktan, ang maipapangako ko lang po ay mamahalin ko sya ng buong buo hanggang dulo" napangiti ako ng palihim sa naging sagot nito.
Kasalukuyan silang nag- uusap ng biglang may bumusina sa labas ng bahay. Ako na ang lumabas upang hindi sila maabala sa pag uusap. Inabutan ko ang pinsan ko na nakasandal sa kanyang motor habang nakakrus ang braso sa dibdib, ngumunguya ng chewing gum, at diretsong nakatingin sakin.
'Scaryyyy'
"Tititigan mo nalang ba ako at hindi mo ko papapasukin?" Maangas na tanong nito. Napangiwi ako sa dating nito dahil hindi pa rin talaga ito nagbabago. Pinapasok ko na ito sa bahay at dire diretso naman itong pumasok sa loob.
'Bilib talaga ko sa kapal ng mukha neto e'
Nagpaalam naman na ang dalawa na mauuna na raw dahil may kailangan pa silang gawin.
---
"Sino ang mga yon?" Tanong ng pinsan ko. Narito na kami sa kwarto ko ngayon at kasalukuyan nitong inaayos ang kanyang mga gamit.
"Ex ko yung isa, manliligaw ko yung isa" sagot ko naman rito.
"Sino ang gusto mo sa dalawa?" Maangas nanamang tanong nito sakin.
"Hindi ko alam" sagot kong muli sa kanya.
"Pupwede bang hindi mo alam? Nagbabalak ka pa bang piliin yung ex mo? Hahaha ginago ka non diba? Sabagay baka may dahilan yon, pero pinili ka pa ring gaguhin. Doon ka nalang sa gagaguhin ka palang" seryoso ngunit nang aasar na sabi nito.
"Ginugulo mo lalo isip ko e tsk" asar kong sabi rito.
"Wag mo kasi akong isipin, magulo talaga ko" natatawang sabi ng aking fvcking cousin.
'Punyeta! Pikon ako e! Wala akong laban dito huhu'
YOU ARE READING
When Kamalasan Hits You Hard (Miss Attitude #1)
TeenfikceMeet Ms. Attitude #1, Ash Maxia Del Pier. Ang babaeng minsang nakatagpo ng iibigin ngunit hindi sila nakatadhana.