PROLOGUE

141 8 3
                                    

"Oh eto pera, pero wag mong ubusin 'yan lahat Mimi, sinasabi ko sayo, napakagastusera mo pa naman," bilin sa'kin ni Mama at inabot ang pera sa akin. Magshoshopping kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko, ngayon lang ulit kami nagkita kita dahil sobrang busy namin sa mga trabaho namin.


Tumango lang ako kay mama dahil paulit ulit na rin naman 'yang mga sinasabi niya, halos makabisado ko na nga.




"Hoy, gaga," hinila ko ang buhok ni Coleen nang makalapit sa kaniya.


"Aray, tagal mo." inirapan niya ko at sumipsip na sa kapeng inorder niya dito sa Starbucks. Yayamanin.


"Nagrap pa si Mama bago ako paalisin," I laughed. "Akin 'yan?" turo ko sa extrang kape na nasa tabi niya.


"Hindi, sa lahat ng taong nandito 'yan, paghahatian niyo," pambabara niya.


"Tanginamo," iniripan ko siya. Kinuha ko ang kape at sumipsip. Hindi makausap ng maayos amp.


Napatingin siya sa bintana habang umiinom pero bigla ding masamid nang may makita.


"Oh, tanga," inabot ko sa kaniya ang tissue na nakita ko sa tabi.


"Look!" hinampas niya ang braso ko at may tinuro sa labas ng bintana.


Napatingin naman ako doon kaagad pero nagiba ang pakiramdam ko nang makita ang isang tao.


"Tangina ka, itago mo ko," dali dali akong tumungo sa lamesa at pinangharang pa ang kape sa mukha ko.


"Bobo, hindi ka makikita nan. Nandito ka sa loob, remember?" nginudngod niya ang ulo ko sa lamesa kaya napa-'aray' ako.


Nang marealize ang kabobohang ginawa ko, umayos na 'ko ng upo at pinagmasdan siya mula sa loob.


"I heard na CEO na siya? Omg, ang laki ng pinagbago niya," pagsingit pa niya.


May kinakausap siyang lalaking hindi ko kilala. Nasa loob sila ng café at magkaharapan ng upuan. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at sumimsim na lang sa kape ko.


"Nasaan na sila Pam? Ang tagal naman." pag-iiba ko ng topic. Ayokong pagusapan siya pagkatapos ng nangyari 6 years ago.


"Ewan. Linamon na ata ng lupa papunta dito." barumbadong sagot niya.


"WAZZUP BIJJESSSSS!" may sumigaw sa kalayuan kaya napatingin sa kaniya ang mga tao kasama na kami ni Coleen. Nagmamadali silang naglakad sa direksyon namin kaya sinabunutan ko siya bigla.


Napahiyaw naman ang gaga. OA amp.


Umupo naman sa tabi ni Coco si Jen, kasama ang kakambal niyang si Dia. Sa tabi ko naman si Pam.


Hindi na sila nagabalang magorder dahil tinatamad daw sila, nakisipsip na lang samin ang mga gaga.


Si Chin naman ay hindi makakapunta dahil busy sa kaniyang work. Dati pa 'yong busy, minsan lang namin nakakasama.


"Ay ay, may ipapakilala pala ako sainyo guuuys!" pagiingay na naman ni Pam. Ang taas ng energy nito lagi, parang lumamon ng isang truck na chocolates.


"Oh, sino na naman 'yan? Gwapo?" sabat ni Jen. Basta gwapo e.


"Oo, yes!" sigaw na naman niya habang nagtatype sa cellphone niya. Sumimsim lang ako sa kape ko habang pinapanood silang naguusap.


"Baka tokis ka na naman. Noong may ipinakilala ka sa amin, hindi ko naman bet," pagrereklamo ni Coleen.


"Tanga, sadyang maarte ka lang." pambabara ko.


Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon