"Ha?! Anong nangyari kay Mama?!" sigaw ko.Napatingin sa akin si Coco at Pam nang banggitin ko si Mama. Napatingin din ako sa kanila habang nasa tenga ko pa ang telepono.
"Dito ko na ipapaliwanag, anak. Bilisan mo." sambit niya at pinatay ang tawag. Sakto naman na tinext niya sa akin kung nasaan sila. Nataranta ako nang mabasang nasa hospital.
"Kailangan kong pumuntang hospital," saad ko sa kanilang dalawa.
"Anong nangyari?" pagtatanong ni Coco.
"Ewan. Nasa hospital daw si Mama. Mauna na ako sa inyo." sambit ko at dali daling linagay sa bag ko ang phone.
"Teka, sasama kami." pigil sa akin ni Pam.
"Huwag na. Umuwi na kayo. Lalo ka na Coco."
Nagkatinginan naman silang dalawa at tumango sa akin si Pamela. Tumakbo na ako palayo papunta sa sakayan.
"Hindi kita kailangan dito." saad niya. Nakahiga lang siya sa kama at hindi tumitingin ng deretso sa akin.
Kakadating ko lang at hindi naabutan si Papa dito sa loob. Bumibili ata ng pagkain ni Mama.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pumunta sa pwesto niya. Hindi ko pa alam kung anong nangyari sa kaniya. May benda lang siya sa binti. Siguro ay doon siya nasugatan.
"Ma? Anong nararamdaman mo?" tanong ko. Linapag ko ang bag ko sa sahig at umupo sa upuan. "May masakit ba?"
"Wala kang pakialam." pagsusungit niya.
Napabuntong hininga ako ng malakas. Kahit pala nasa hospital na 'to, masungit pa rin sa akin. Parang wala lang sa kaniya ang sugat niya dahil sobrang kalmado ng mukha niya.
Napansin niya ata na nakatingin ako sa kaniya kaya medyo hindi mapakali ang ulo niya kung saan babaling.
"Huwag mo nga ako tignan." saad niya. Napakamot na ako sa ulo ko. Para namang bata si Mama kapag dinadala sa hospital.
Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Papa na pumasok habang may dala na pagkain.
Hindi pa niya ata ako nakikita kaya nagulat siya nang humarap siya sa amin.
"Mimi, nandiyan ka na pala." sambit niya.
Lumapit naman ako sa kaniya at nagmano.
"Ano 'yang binili mo, Pa?"Nagulat ulit siya kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Bakit po?"
"Kanina mo pa ako tinatawag na Papa. Itay ang nakasanayan mo, hindi ba?" saad niya.
Oo nga 'no? Nakalimutan kong Itay pala ang tawag ko sa kaniya.
"Mas bet ko po yung Papa, e."
Ngumiti si Papa at ginulo ang buhok ko.
"Akin na nga 'yang pagkain na 'yan. Kanina pa ako nagugutom." reklamo ni Mama kaya dali daling pumunta si Papa sa direksyon ni Mama.
Linabas niya lahat ang laman ng dala niya at sinubuan si Mama.
Ako naman ay naupo sa gilid at pinanood sila. Sobrang sweet nila kahit masungit si Mama.
Napatingin sa akin si Mama nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanila. Inirapan niya ako ng palihim.
Bumukas ulit ang pinto kaya napatingin ako doon. Nagulat ako kung sino ang dumating.
"Dia?"
Nagulat din siya nang makita kami maski si Mama. Nagkatinginan silang dalawa ni Mama at parang naguusap ang mga mata nila.
"Uh, I'm here to check Tita Luna." saad niya. Pumasok na siya at sinara ang pinto. Umupo siya medyo malayo sa akin at ngumiti kay Mama.
"Coco told me na Tita Luna is here." dagdag pa niya. Si Mama ay parang hindi mapakali sa kinauupuan niya habang nakatitig kay Dia. "What?" tanong niya nang walang umiimik sa amin.
"Salamat sa pagbisita sa asawa ko, iha. Kaibigan ka ng anak ko, hindi ba?" pagsasalita ni Papa.
"Yes po, Tito." sagot niya at tumingin sa akin.
"Saan ka nag-"
"Lumabas muna kayo." pagputol ni Mama sa sasabihin ni Papa.
"Huh?"
"Lumabas muna kayo. Maguusap lang kami ni Diane." sambit niya. Medyo nakayuko lang siya at hindi makatingin sa amin.
Una nang lumabas si Papa kaya sumunod na ako.
"Pa, Anong nangyari kay Mama?" tanong ko at sumandal sa pader.
"Nabaril sa binti." sagot niya.
Gulat akong napatingin kay Papa.
"Legit?!"
"Ha?"
"I mean, totoo po?" tanong ko. Hindi nga pala niya alam yung legit.
"Oo. Naabutan ko sa bahay na gumagapang na." seryoso niyang sambit. "Kaya ikaw mag-ingat ka sa bahay lalo na pag magisa ka lang."
Tumango na lang ako at nag-isip ng malalim.
Parang nung nakaraan lang, may nabaril sa tapat ng bahay nila Coco nung nandoon kami.
Tapos ang sunod, sa loob ng bahay namin?
Baka ako talaga yung gustong patayin?
Kinilabutan naman ako. Huwag naman sana. Bata pa ako, oy. Pangarap ko pang maging Flight Attendant.
Nanahimik kami ni Papa habang nakasandal sa malamig na pader. Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay bumukas ang pintuan.
Lumabas si Dia suot ang matamis na ngiti.
"Maiwan ko muna kayo. Asikasuhin ko lang ang Mama mo, Mimi." pagsasalita ni Papa. Tumango na lang ako sa kaniya.
Nanatili kaming magkaharap ni Dia. Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko. Hindi naman sila close ni Mama dati, e. Pero kinekwento ko sila kay Mama. Hindi pa nga siya nakikinig noon.
"I visited Tita Luna to check kung she's okay. You know naman nangyari infront of Coco's house kaya I'm worried." basag niya sa katahimikan.
Oo nga, wala namang masama kung bumisita siya. Ewan ko ba kung anong kinakagalit ng kabilang part ng utak ko.
Iniisip ko na siya ang may pakana ng lahat na ito at pumunta lang siya rito para balaan si Mama na huwag magsumbong.
Kakanood ko ito ng mga K-drama, e. Pati sarili kong kaibigan, pinagdududahan ko.
"Ah sige." nahihiya kong saad. "Nagmeryenda ka na ba?" tanong ko.
Umiling siya kaya natawa kami parehas. Lumabas kami ng hospital at pumunta sa Starbucks na halos nasa tabi lang ng hospital.
"What's yours?" pagtatanong sa akin ni Dia.
"Kahit ano." sagot ko. Tinext ko kasi pabalik si Maxuelle. Kanina pa pala niya ako tinext.
"I can't find 'kahit ano' sa menu." saad niya.
"Bigwasan kaya kita?" pikon na sambit ko.
Umupo na kami sa nakita naming pwesto. Maganda rito dahil nasa tabi kami ng salamin.
Habang nananahimik kami ni Dia ay nakarinig ako ng nag-uusap sa likod ko. Hindi ko ito pinansin sa una pero bigla akong napalingon nang may banggitin siyang 'Romero'.
Narinig din ata iyon ni Dia kaya binaba niya sa lamesa ang iniinom niya. Nag-uusap ang dalawang lalaking maedad na sa likod ko. Nakatalikod sila parehas kaya hindi nila ako napapansin na nakikinig.
Lumipat si Dia sa tabi ko at parehas naming pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Ano? Deal? Bibigyan kita ng malaking halaga at papasabugin mo itong mall. Siguradong mapipikon na sa atin iyang si Mikhail Romero."
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...