Nanlulumong naglalakad ako palabas ng school. Buong klase akong ganito dahil sa isang rason. Bakit kasi hindi ako nagtanong?! Nakakainis.
"Anong 'yang nasa mukha mo?" nandito kami ni Coco sa milkteahan at nakaupo sa isa sa mga upuan.
Nakabusangot parin kasi ako hanggang ngayon. Walang kagana-ganang ininom ko ang milktea ko.
"Hindi ko mahanap yung facebook ni Maxuelle," nakasimangot kong sambit. Hindi ko talaga mahanap as in!
Pati twitter, nganga! Nung sinearch ko yung pangalan niya, ang daming Maxuelle Romero! Karamihan arabo, myghad!
"Bobo, bakit mo hindi tinanong kay Dia?" isa pa 'yan sa mga katangahan ko. Hindi ko tinanong.
"Mamaya na lang," nakanguso kong sabi. Naiinis parin ako sa sarili ko.
"Look!" hinampas ako ni Coco kaya nairita ako pero liningon ko parin ang tinuturo niya.
Gulat akong napatingin sa labas ng milkteahan. Nakita ko si Maxuelle na may kinakausap na lalaki at suot niya ang seryosong mukha habang naglalakad sila. Hmp, lagi naman siyang ganiyan. Nung sa mall nga, hindi man lang siya ngumiti.
Dali dali akong tumayo at sinukbit ang bag ko sa balikat ko, kinuha ko ang milktea at mabilis na lumabas.
"Teka! Hintayin mo 'ko!" pahabol pang sambit ni Coco pero hindi ko na siya pinansin. Duh! Susundan ko lang si Maxuelle at walang masama doon. Sabi nga nila, follow your dreams.
Lumiko sila pakanan kaya lumiko din ako. Hindi naman ako mahahalata ng mga 'yan kasi nga haler! Madaming tao dito.
"Hindi mo man lang ako hinintay, loka loka!" hinihingal na Coco ang tumabi sa'kin. Tumingin siya sa harapan at alam niyang sinusundan namin si Maxuelle.
Huminto ang mga ito kaya hindi ko alam kung lalakad ako o hihinto din ba. Hindi ako mapakali sa pwesto ko kaya't para akong natataeng huminto at tumayo lang doon.
Muntik na akong mapatili nang may sumulpot sa harap ko, palingon na si Maxuelle sa direksyon ko nang may humarang naman. Muntik na 'yon!
"Oh, Mimi! Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay dito! Namiss kita!" ani Pam. Alam ko acting lang niya 'to dahil pinanlalakihan niya ako ng mata.
"Ah, oo. Traffic kasi." pagdadahilan ko na lang. Salamat naman at dumating si Pam. Naligtas na ako, matatanong ko pa ang pangalan ni Maxuelle sa facebook!
"Lakad na tayo para hindi tayo halata," kumindat pa sa'kin ang loka. Maingay si Pam pero mabilis siyang makagets ng isang bagay o pangyayari.
Naglakad na nga kami at sumunod si Coco. Nakita kong nakahinto pa rin sila Maxuelle at seryosong nakikipagusap sa kasama niya.
Nakatalikod siya sa gawi namin pero nung makalapit ako ng konti ay amoy ko ang pabango niya sheeeeeet!
Enjoy na enjoy ko pa ang paglanghap ng pabango niya at palagpas na sana kami nang bigla akong tinulak ni Coco at sakto may nabunggo akong tao.
"Aray, tangina" sakit ng ilong ko, puta.
Tumingala ako agad at halos maubusan ng kulay sa mukha nang makita ang mukha ni Maxuelle na iritado sa harapan ko.
Hawak hawak ko pa naman ang ilong ko na siguro namumula na ngayon sa sobrang sakit. Bumangga ba naman sa matigas na likod at sobrang lakas pa!
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...