"Picture daw tayo,"Nagulat naman ako lalo at tumingin sa mga kaibigan ko na nakangisi na.
Tinuro ko pa ang sarili ko para manigurado pero tinignan niya lang ako.
"Magtabi na kayo! Dali!" sigaw ni Pamela. Liningon ko siya at linakihan ng mata. Sinesenyasan ko sila na itigil na 'tong kahihiyang ginagawa nila pero hindi sila nagpapatinag sa tingin ko.
Tinulak-tulak pa nila ako palapit kay Maxuelle kaya mas lalo akong nahiya. Wala naman akong marinig na reklamo sa kaniya.
"SMILEEEEEE!"
Ngumiti na lang ako kahit alam kong pilit ang kakalabasan. Kinikilig ako pero kinakabahan din.
"Ano ba 'yan?! Dikit pa! Ano kayo, social distancing?!" sigaw ni Coco. Lumapit pa sa amin si Jen. Kinuha niya ang kamay ni Maxuelle at linagay sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko.
"Ayan," ngiting aso pa siya nang sabihin niya 'yon.
Hindi ako kumportable sa posisyon namin ngayon dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Pero kung siya ang titignan mo. Kalmado lang na nakahawak ang kamay niya sa bewang ko. Hindi mahigpit at hindi din maluwag ang pagkakahawak niya. Magaan lang ito na parang babasaging gamit ang hawak niya.
Nakitingin lang ako sa camera pero napako ang tingin ko sa babae na nasa likod nila Coco. Nakitingin ito sa amin. Sa pagkakatingin niya ay iisipin mo talagang nagseselos ito. Nagflash ang camera sa harap ko kaya napatingin ako doon bago lumipat sa akin ang tingin nung babae.
Yung manager.
Naramdaman ko na lang na nakaalis na ang kamay ni Maxuelle sa bewang ko pero nasa tabi ko pa rin siya.
Tumingala ako at tumingin sa kaniya. Naramdaman ata niyang may nakatingin sa kaniya kaya binaba niya ng konti ang ulo niya at tumingin din sa akin.
Nagflash ulit ang camera kaya napalingon ako sa mga kaibigan ko. Ayun, namimilipit na sa kilig. Bumaba ang tingin ko naman sa kamay ko at napagtantong nakahawak pala siya sa akin simula nung tanggalin niya ang kamay niya sa bewang ko.
Namula ang mukha ko. Hinahawakan ako ng crush ko, be. Dream come true ata 'to, be.
"Maxuelle!"
Napalingon kami parehas ni Max sa tumawag sa kaniya. Nakangiti at kumakaway pa ang babae sa kaniya na parang kinukuha ang atensyon niya. Yun na naman ang manager.
Naramdaman ko ang dahan-dahan na pagbitaw ni Max sa kamay ko. At ang paglalakad niya palayo sa akin.
"Ay, bakit umalis?" tanong ni Pamela na nasa tabi ko na.
"Ewan. Tara, sa iba na lang tayo," pagaaya ko.
Pumayag naman silang lahat. Badtrip ako kaya hindi ko binati pabalik yung guard. Tahimik lang din ako habang naglalakad.
"Oh, wait," Tigil ni Dia sa paglalakad kaya napatigil din kami lahat.
"Ano?" tanong ni Jen na may halong pagkairita. Magkambal talaga.
"I'll leave na. I have projects pa pala," ngumiti sa amin ng tipid si Dia at linagay sa bag niya ang phone niya.
"Wait, Dia," pahabol ni Pam nang paalis na si Dia.
"What?"
"Live 'yon, hindi leave," walang kwentang sabat ni Pam. Napairap na lang ako. Kahit kailan talaga.
"Whatever," ani Dia at umalis na.
Tumawa ng malakas si Pam. Halos ang iba ay napapatingin na.
"Leave nga 'yon. HAHAHAHA bobo ko," ani pa habang natawa.
Ayun at nabatukan ni Jen.
--
"Saan ka galing, anak?" salubong sa akin ni Mama. Kinuha niya ang bag ko at linagay sa upuan. Naamoy ko naman na may linuluto siya.
Mukhang happy si Mama ngayon dahil ngiting ngiti siya. Plus, hindi niya ako pinapagalitan. Napataas ang kilay ko nang siya pa ang nagtanggal ng sapatos ko.
Ibalik niyo mama ko.
"Anong meron, Ma?" pagtatanong ko habang sinusuri ang mga gulay na nakalatag sa lamesa. Nahiwa na ito at ilalagay na lang sa lulutuin niya.
"Sweldo kasi ng Itay mo," sambit niya at pinagpatuloy ang pagluluto.
Sabi na.
Tumango na lang ako kahit hindi niya kita. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagbihis. Wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya humilata na lang ako.
Una kong tinignan ay ang twitter ko. Bungad sa akin ang picture namin kanina sa mall. Si Jen ang nagupload.
Nagiscroll lang ako ng nagiscroll. Nang mabored ay ibaback ko na sana pero biglang may nagpop out na notification.
@maxromero followed you!
Hala?! Shet?! Kinikilig ako?!
Nagpagulong gulong pa ako sa kama ko at binato pa lahat ng unan sa sobrang kilig. Kinagat ko pa yung kumot ko.
Finollowed back ko siya agad agad. Inistalk ko pa ang account niya at nagsave ng mga picture niya. Ehe.
Nang masave ko na lahat- Oo lahat. Titignan ko na sana sa album ko ang mga picture niya pero may nagpop out ulit na notification.
Halos manlaki ang mata ko nang icheck ko. Napabangon pa ako sa kama.
Pleasure to meet you. @mimitrinidad
'Yan ang caption niya at sa baba naman ay picture naming dalawa sa mall. Yung nakatingin kaming dalawa sa isa't isa.
Impit akong napatili. Pinagtatadyakan ko pa lahat ng unan. Kulang na lang ay tumalon ako sa kama ko.
Dali dali akong nagreply.
@mimitrinidad: same here, marito.
Sana hindi niya alam ang meaning. Ang course ko ay Tourism so pinagaaralan ko na ang iba't ibang lenggwahe.
Nagoff na ako at lumabas ng kwarto.
"MA! MAY HUGASIN BA?! AKO NA MAGHUHUGAS!" sigaw ko.
Lumabas naman ng kusina si Mama.
"Meron," pagsagot ni Mama.
"Marami ba tayong labahan? Ako na maglalaba, Ma."
"Meron din,"
"Hindi pa tapos linuluto mo, Ma? Ako na magluluto,"
Linagay ni mama ang kamay niya sa bewang at siningkitan ako ng mata.
"Oh, tara dito. Magluto ka,"
Para naman akong batang talon talon pa habang naglalakad.
"Ma, magpahinga ka na doon. Ako na bahala sa gawaing bahay," sambit ko at inagaw ang sandok kay Mama. Hindi pa matanggal sa labi ko ang ngiti.
"Anong meron? Bakit ang saya mo?" nakakunot ang noo ni Mama at naghihintay ng isasagot ko.
"Sweldo nga ni Itay," sagot ko at nginitian pa ng malapad si Mama. Hindi ko mabura sa isip ko si Maxuelle. Hay.
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...