"Ang saya mo ata?"Napalingon ako kay Tristan nang magtanong siya. Kapag naaalala ko yung kagabi, kinikilig ako.
Linunok ko muna yung kinakain ko tsaka ko siya sinagot.
"Yung crush ko, crinushback ako," sambit ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kita ko na agad sa itsura niya ang pandidiri.
"Kapal," pangaasar niya.
"Oo kaya,"
"Nakita ko 'yong kagabi. Assumera," sambit niya at sumandal sa inuupuan niya habang nakakrus ang mga braso.
"Talaga? Eeeeee," hinampas ko pa siya sa braso niya dahil naalala ko ulit. Nikikilig ako. Ehe.
"Mukha kang natatae. Bilisan mo na nga kumain! Ihahatid pa kita sa room mo," inis na sambit niya. Kahit kailan talaga hindi siya supportive sa lovelife ko.
"Yie. Ihahatid daw ako," inaabot ko pa ang bewang niya para sundutin pero umaatras agad siya.
"Ulol. Tigilan mo 'ko," pandagdag pa niya.
Natawa ako ng malakas. Asar talo.
Nasa mood talaga ako ngayon. Hanggang uwian ay nakangiti ako na parang timang. Plus, napansin pa ni Tristan kanina na hindi daw ako nagmura. Siguro, dito na ako magbabago kay Maxuelle.
nEw liFe wiTh nEw cRusH.
Nakasalubong ko pa si Jen nung palabas na ako ng gate. Kita ko pang nagpaalam siya sa mga kaklase niya bago pumunta sa direksyon ko suot ang malaking ngiti.
"Nabinyagan niyo agad yung bago kong camera pero ayos lang, bagay naman kayo e," pagbungad niya.
"Saan niya nakuha yung picture? Bakit meron siya non?" takang tanong ko. Ngayon ko lang naisip 'to e. Inuunahan kasi ako ng kilig.
"Hiningi niya," simpleng sagot niya.
Pagkasabi niya non ay naamoy ko na agad na meron akong pag-asa. Mga 50% muna dahil hindi pa niya napapakita ang ibang moves. Hehe.
Try ko kaya mamaya na ichat siya sa facebook niya? Baka sakali magreply- Hindi. Magrereply talaga siya. Pustahan pa singkwenta.
Ako pa. Ganda ganda ko.
"Hoy panget," pagtawag ng nasa likod ko. Kakasabi ko lang na ang ganda ko, e.
Nakita ko naman si Tristan na papalapit. Parang may lumaking apoy sa paligid ko dahil nakakaamoy ako ng away sa katabi ko at kay Tristan.
"Oh bakit?" pagtatanong ko. May kailangan na naman 'to panigurado. Lagi namang ganiyan 'yan.
"Hindi ikaw. Ang panget ng kasama mo," panglalait niya harap harapan kay Jen. Napatampal ako sa noo ko. Away na naman 'to.
"Ang kapal ng mukha! Mukha ka ngang kulugo!" sigaw ni Jen kay Tristan. Kapag nagkikita itong dalawang ito. Instant away. Pinapangunahan din kasi ni Tristan e. Epal din.
"Oh, kalma. Nagagalit din yung kulangot mo sa gilid ng ilong mo," pangaasar lalo ni Tristan. Natawa ako sa sinabi niya. May nunal kasi si Jen sa gilid ng ilong niya. Lakas mangasar, amputa.
"Teka nga. Ano ba talagang pinunta mo dito?" tumingin ako kay Tristan at tinaasan siya ng kilay.
Pinagtawanan muna niya saglit ang mukha ni Jen na umuusok na sa galit bago niya ako sagutin.
"Hatid daw kita sabi ni Tita Luna," nagulat ako sa sinabi niya. Parang sumasabay din ata sa mood ko si Mama, ah. Sumweldo ba ulit si Itay?
"Sige na, sumabay ka na sa amin," pagaaya ko kay Tristan at nagsimula na ulit maglakad. Nakita kong kinuha ni Jen ang phone niya at may binasa ata na text habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...