PT 05

34 4 0
                                    

"You're here.." sambit ng lalaking nasa likuran ko. Boses palang niya, kilala ko na.

"L-lee.." mahinang sambit ko. Hindi ko din inaasahan na nandito siya. "Ikaw pala.."

"Yes, baby," nagulat ako ng konti sa tinawag niya sa'kin. Tawag na niya talaga sa'kin dati 'yan pero ang awkward kapag tinatawag niya ako ng ganiyan ngayon.

Uminom muna siya ng alak at dinikit ang katawan niya sa'kin, hindi parin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"I miss you.." pagsasalita niya habang nakatingin ng mariin sa'kin. Sa tantsa ko ay may tama na ang isang 'to. Medyo namumula na kasi ang pisnge niya.

Tumawa ako ng pilit dahil hindi ako kumportable sa ayos namin. Sobrang lapit niya, haler?!

Ex-fling ko lang naman siya. At tinatry ko pang magmove on. Tapos eto siya ngayon? Linalandi ako?

"Excuse me," napalingon ako sa nagsalita at biglang nahiya nang makitang si Maxuelle pala 'yon. Napatingin na din si Lee sa kaniya suot ang nagtatakang mukha.

Napagtanto ko naman na nasa likod pala ng sinasandalan ko ang mga alak kaya mabilis pa sa alas kwatro akong umalis don. Napilitan din si Lee na kalasin ang braso niya sa bewang ko.

Kumuha na si Maxuelle ng alak at tahimik lang kaming dalawa ni Lee. Hindi ako makatingin na parang gumawa ako ng malaking kasalanan.

Nagtaksil ako sa crushycakes ko. Huhu.

Nang matapos mamili ng alak ni Maxuelle, humarap siya sa amin at ngumiti sabay lakad paalis. Hawak pa niya ang bote sa isa niyang kamay. Nalaglag ata panty ko, beh.

Tumikhim si Lee kaya napatingin ako sa kaniya. Mukhang nahimasmasan na siya dahil hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

"Sorry," nakatungo niyang sambit habang pinaglalaruan ang baso na nasa kamay niya.

"Ayos lang," ngumiti ako kahit hindi siya nakatingin sa akin. Naalala ko na naman ang masasayang moments namin. Puta sayang, hindi naging kami, nandun na 'yon, eh.

Nagusap lang kami ng maikli kahit puro sorry lang naman naririnig ko. Ewan ko kung saang 'sorry' ang tinutukoy niya. Yung kanina ba o yung sa nakaraan? Who knows?

Bumalik na ako sa mga tropa ko at nagulat pa ako ng makapunta ako doon.

"Puta, anong nangyari diyan?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin kay Jen na nasa sahig. Halatang lasing na siya dahil papikit pikit na ang mata niya at parang babagsak na.

"Nakipaghalikan sa gedli," sagot ni Coco. Kaya pala kanina pa siya sinesermonan ni Chin pero parang wala lang sa kaniya dahil sa kalasingan. Lagot 'to bukas.

Napailing na lang ako at tumulong na alalayan si Jen papunta sa kwarto ni Coco. Doon kami lahat magkakaibigan, malawak naman doon.

"Ang bigat, tangina!" daing ko sabay hagis kay Jen sa kama. Si Dia na kasama kong magalalay ay naguunat ng braso. Ang payat payat pero ang bigat.

"Gross. I saw how she kissed the guy earlier," pagchika niya sa'kin habang palabas kami ng kwarto.

"Inborn na 'yang ganiyan sa kakambal mo," tinapik ko pa ang balikat niya na parang nangaasar pa.

Inirapan niya ako kaya natawa ako. Natawa din siya sa ginawa niya. Hindi niya kayang magmaldita saming tropa niya.

1:30am. Bagsak na lahat at magisa lang akong naglilinis dito sa baba. Pinagtulungan na ng mga lalaki kanina buhatin ang mga lasing papasok sa guest room.

Naisipan kong maglinis dahil wala rin akong magawa. Hindi din ako inaantok kaya parang exercise na sa'kin 'to.

Exercise sa madaling araw.

Sa sala pa nga lang ay pagod na agad ako. Puro popcorn na natapon at mga unan na pakalat kalat. Inayos ko na din ang lagayan ng mga cd dahil nakakalat din 'yon.

Puro bote naman dito sa kusina at pulang plastic cup. Nakakalat kung saan yung iba at ang mga pagkain. Mga balahura.

Habang nakayuko ako at pinupulot ang mga baso, nakaramdam ako ng presensiya na may nakatingin sa akin kaya napalingon ako. Muntik ko pang mabitawan lahat ng hawak ko nang makita kung sino.

"Uy.. Ikaw pala," bati ko at umayos ng tayo. Ngumiti ako ng pilit at bumalik sa paglilinis. Nakakailang dahil hindi siya umaalis sa kinakatayuan niya.

Nang maramdaman kong naglakad siya ay lumingon ako at pinanood siyang magsisimula na maglinis din.

"Ako na bahala, m-matulog ka na," Pucha! Nautal pa nga, oh! Sino ba namang hindi matatae kung nasa harapan mo ang crush mo, hindi ba?

Sinulyapan niya lang ako saglit at pinagpatuloy ang pagpupulot sa bote at paglalagay nito sa case.

Okay, snob.

Napahiya naman ako, slight. Kaya pinagpatuloy ko na lang din ang pagpupulot ng baso at pagtatapon nito sa basurahan.

Nang matapos, kumuha ako ng basahan at pinunasan ang counter. May tapon tapon na alak pa kasi dito.

Pagkabalik ko ng basahan, magwawalis na sana ako ngunit nakita ko si Maxuelle na nagwawalis na sa sala.

Ang sipag naman this boy, bagay saken.

Gusto ko pa siyang panoorin magwalis dahil ngayon lang ako nakakita ng poging nagwawalis pero baka mahuli niya ako kaya pumunta na lang ako sa kwarto ni Coco.

Pagkapasok ko ay tulog na silang lahat. Nasa sahig sila pero may foam na linatag. Dito din kasi kami dati natutulog. Walang nahiga sa kama para hindi unfair.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at humiga sa tabi ni Pamela na humihilik na. Binuksan ko ang twitter ko at nagiscroll lang.

Napahinto ako sa pagscroll nang makita ko ang twineet ng kaibigan ni Maxuelle.

@lucalyado

Wag na sad, mahahanap mo rin siya. BWAHAHAHAHA.

Picture ito ni Luc na kasama si Maxuelle. Seryoso lang ang tingin ni Maxuelle sa alak at nakasmile naman sa camera si Luc.

Ang daming nagreact at nagretweet, dahil na rin sikat si Maxuelle.

Binasa ko ang comments at ang daming babae na nagaassume na sila 'yon. Hay. Ako nga, unang pumasok sa isip ko na may nawawala lang siyang kamaganak kaya siya problemado. Gumaya sila sa'king walang isip.

Nakita ko din ang comment ni Maxuelle kaya para akong bulateng kinikilig dito. Pangalan pa lang niya, nakakakilig na, bitch.

@maxromero

Ulol.

Sana sa'kin din, nauulol siya.

Biglang may nagpop out na message kaya pinindot ko 'yon para matignan kung sino.

From: Lee

Can't sleep?

Ay, gising pa din pala ang isang 'to. Akala ko bagsak na din.

To: Lee

Oo, eh.

From: Lee

Do you want me to sing a song for you?

Napangiti ako. Maganda ang boses ni Lee. Lagi niya akong kinakantahan kapag hindi ako makatulog.

Mabilis akong nagtype at sinend agad sa kaniya.

To: Lee

Sure.

---

._.

Price Tags (TS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon