Nagulat ako sa narinig ko. Sinong Mikhail Romero?Nagkatinginan kami ni Dia. Parehas ata ang nasa utak namin ngayon. Nakakakilabot naman mga nasasaksihan ko bawat araw.
"Let's go na, Mimi." aya niya at tumayo. Naguguluhan ako na tumingin sa kaniya.
"Ha? Bakit?"
"Go home. Hindi safe dito." seryosong sambit niya.
"Pero-"
"Let's go." saad niya at hinila ako palabas. Gago sayang yung kape ko na naiwan sa loob. Minsan na nga lang makalibre.
Mga Ka Teteng
Jennie sent a photo.
Jennie: Bagong kalandian ko nga pala. Pogi 'no?
Coleen: di ko bet
Pamela: lahat naman di mo bet bungol
Pamela: btw, diba manlilibre si chin? hindi natuloy nung monday
Richelle: Hindi ako pumayag.
Mystique: oo nga no? tara ek
Richelle: May pera ka?
Mystique: libre mo
Pamela: libre mo (2)
Coleen: libre mo (3)
Jennie: libre mo (4)
Diane: Your treat hehe.
Richelle: Puta.
Tinabi ko na sa maliit kong lamesa ang phone ko at humiga nang maayos. Nakaramdam kasi ako ng antok. Iniisip ko pa rin kung sino yung Mikhail Romero na binanggit ng lalaki kanina. Wala kasing internet dito kaya hindi ko masearch.
Tinanggal ko na lang sa isip ko yung kanina at natulog na lang. Walang pasok bukas kaya magEK kami. Tapos libre pa. Wala nang atrasan 'to.
"Ang tagal mo!" bungad nila sa akin. Medyo malayo pa ako sa kanila kaya chill lang akong naglakad habang feel na feel ko ang sunglasses ko. Nasa labas pa sila ng Enchanted Kingdom, hinihintay ako.
"Ano 'yan? Nandito tayo para magsaya, hindi magmodel." bitter na sabi ni Coco. Napatingin ako sa kaniya at binaba ng medyo ang salamin ko.
"Who you?" pambabara ko. Kaya nakatanggap ako ng batok. Tangina, ang sakit.
"Gago ka ah? Huwag mo sirain mood ko, Coco. Baka isabit kita sa ferris wheel." saad ko.
"Jennie, your damn pink croptop and skirt is ang sakit sa eyes." pagsasalita ni Dia.
"Pake mo ba? It's called fashion." pagmamayabang ni Jen. Putanginang magkapatid 'to.
"Ano 'yan? Dadalo ka ba ng kids party?" pang-aasar ni Pamela kay Jen.
"Bigwasan kita."
"Ano? Hindi pa ba tayo papasok?" inip na saad ko. Ang init init dito, e. Nasasayang make up ko.
"May isa pa tayong hihintayin." sambit ni Pamela at tumingin sa phone niya.
"Sino? Jowa mo?"
"Boba." saad niya at umirap. Tumingin siya sa likod ko at ngumiti ng malapad. "Sa wakas, nandito ka na rin."
"Hi gurls, pwede makijoin?" pagsasalita ni Tristan.
"Bakit ka nandito?!" sigaw ni Jen.
"Wow bebelabs, nandiyan ka pala. Mukhang ayaw mong mag-pink ah." pang-aasar ni Tristan sa damit ni Jen. Naghalungkat si Tristan sa bag niya at binato sa pagmumukha ni Jen ang pares ng damit. "Magpalit ka."
"At bakit?!" inis na sigaw ni Jen.
"Go change na. Quit being maarte." pagsasalita ni Dia na may lollipop pa sa bibig.
Umalis si Jen na nakasimangot. Sumunod naman sa kaniya si Chin para samahan siya sa restroom. Jusko. Kanina pa ako naiinip. Sayang yung paglalagay ko ng red lipstick.
"Ikaw naman. Sinampal ba 'yang labi mo? Sobrang pula." pangingialam ni Tristan.
"Alam mo? Dapat hindi ka na sinama. Puro ka reklamo."
"Kapal ng labi mo tapos magred lipstick ka? Parang yung labi mo mas kumapal lalo." pagtutuloy niya.
"Putangina. Ilayo niyo sa akin 'yan." inis na sambit ko habang nagtitimpi.
"Bangasan mo na." pagsasalita ni Coco.
"Tara na sa loob." singit ni Chin. Kasunod niya si Jen na nakasimangot habang suot ang damit ni Tristan.
Pumasok na kami sa loob at nagpatatak. Rides all you can ang binili namin para solid.
"Ano uunahin natin? Space Shuttle o Jungle Log?" tanong ni Jen pagkapasok namin.
"Ako." sagot ni Tristan.
"Ayos banatan ah." saad ni Pamela.
"Bakit? Mukha ka bang rides?" inis na tanong ni Jen.
"Oo, pwede ka naman mag-ride." bastos na sagot ni Tristan.
"Ew." react ni Dia.
"Tanginang 'yan. Tara na nga." pagsasalita ko. Tinawanan ko pa yung pagmumukha ni Jen dahil sa reaksyon niya. Tumahimik tuloy.
Napagdesisyunan namin na unahin ang Space Shuttle. Nasa pila palang kami ay parang nanginginig na agad si Coco.
"Oh? Aatras ka?" tanong ko.
Umiling siya at humawak na lang sa akin. Ang lamig ng kamay niya. Sobrang kabado akala mo mamamatay.
Nang kami na ay tumabi sa akin si Pamela. Hinanap ng mata ko si Coco na nakitingin sa inuupuan ni Pamela pero iniwas niya ang paningin niya roon at umupo na lang sa tabi ni Chin.
"Nakakakaba, pre." pagsasalita ni Pam.
"Mukha lang akong matapang pero kinakabahan din ako," saad ko at tumawa.
Natigil ang pagtawa ko nang tumaas pa-atras ang sinasakyan namin. Dahan dahan ito na parang bumebwelo para umandar ng mabilis.
Space Shuttle ay parang Roller Coaster pero with a twist. Pag narating mo na yung dulo, aatras siya ng mabilis at aandar kayo hanggang sa makaabot ulit sa kung saan kami sumakay kanina. May paikot ikot pa dito na halos bumaliktad din yung utak mo.
Nasakyan ko na ito dati pero kinakabahan pa rin ako.
Nang nasa pinakatuktok na kami, bigla na lang siyang bumaba nang mabilis na halos naiwan yung kaluluwa ko sa taas.
Pumikit na lang ako at namalayan na lang maya maya na tapos na pala. Bumaba na kami at halos mapaupo ako sa panglalambot ng tuhod ko.
"Gago solid." pagsasalita ni Tristan. Lumingon siya sa amin at tumawa ng malakas.
"Anong itsura 'yan? Sabog mga buhok ang puta." saad niya at tumawa pa lalo. Kami namang anim ay nakatingin nang masama sa kaniya. Nang mapansin ay tumigil siya. "Sabi ko nga, tama na."
"Saan sunod? Yung hindi naman nakakakaba. Parang mamamatay na ako sa ride na 'yan." saad ni Chin.
"Edi doon ka sa Carousel." pang-aasar ni Tristan.
Nakatanggap tuloy siya ng batok galing kay Chin.
Ang sinunod naman namin ay Jungle Log. Para rin 'tong Roller Coaster pero sa tubig naman. Hehe.
Ang haba ng pila kaya kailangan namin maghintay. Ako ang nasa dulo ng pila. Nakarinig ako ng tawanan sa likod ko hudyat na may pumila pang iba. Hindi ko 'to pinansin.
Nagulat ako nang may tumulak sa akin pero at the same time, may sumalo.
"Ayos ka lang?"
---
._.
BINABASA MO ANG
Price Tags (TS #1)
RandomMimi- babaeng hindi mabubuhay kung hindi makakapagmura kahit isang segundo lang, kabaliktaran ng nakilala niyang si Max- isang salesboy sa sikat na mall. Author: Nabasa niyo ngang puro mura 'to kaya yung mga sensitive diyan sa gedli, wag na 'tong ba...